Serene's POV
Pagkababa ko pa lang ng bus halos makalimutan ko na ang masasamang nangyari sa akin sa kalagitnaan ng byahe. May kaba pa rin pero napapawi naman kahit papaano.
Nagsisiksikan na ang mga tao na nanggaling sa iba't ibang lugar. Kasama ako roon at ang daan ko ay palabas pero hindi tulad ko walang alam sa patutunguhan. Nagsikap lang ako para makalabas na sa terminal ng bus. Maghahanap pa ako ng lugar na tutuluyan kung sakaling manatili ako rito ng isang gabi o dalawa. Kakayanin ba 'yon ng pera ko? I bet not. Ano na kaya ang mangyayari sa akin pagkatapos nito?
Uuwi? I will, of course. I'm still a minor. Ipapahanap na ako nila mommy. One day or as of now, they're tracking me already.
Nang nakalabas na ng terminal. Naglakad-lakad na ako. I'll be real, I don't find this place dreamy anymore. Siguro dahil sa sitwasyon ko ngayon. Hawak ko ng mahigpit ang bag para hindi na ako manakawan ulit. Trauma yata ang nakuha ko ro'n. It's a lesson too.
The world is different from what I wanted it to be. Patuloy lang ako naglalakad. Wala akong alam kung nasaan na ako o saan ang patungo ko. Nasa ciudad na ba ako? Nasa ibang bundok? Sa layo yata ng nilalakad ko, unti-unti ko nang nararamdaman ang pagod.
Naglakad pa rin ako hanggang sa naramdamanko ko rin ang kalayuan nito kung saan ako nanggaling.
Habang sa kahabaan ng paglalakbay ko, nakikita ko ang mga bundok sa paligid. They look near from where I am standing. Alam kong ibang lugar na ang mga ito kaya namamangha ako.
"Napakarami ko pa talagang walang alam sa mundo," sabi ko sa sarili.
Is this really Baguio? Ang alam ko lang malamig dito kaya prepared ako.
"I'm glad I came here."
"Nasisiraan ka na yata ng bait," sabi ng Yvo sa likod ko.
I know he's been following me. Nararamdaman ko na siya sa simula pa lang. Hindi ko nalang pinapansin. Lumipat pa nga ito ng upuan, tabi sa akin para guluhin ako buong byahe. Buti na nga lang at hinayaan pa akong makatulog.
"Pers taym mo?" Dagdag niya.
"Wala kang pakialam!" Umirap ako kahit hindi niya nakikita.
"Suplada mo naman. I saved your only money. Ganiyan ka pala sa mga good Samaritan. Sa mga tunay na bayani." May tunog pa itong pagtatampo at may pagkadiskuso.
Ito na naman siya sa mungkahi niya.
I said 'thank you' many times. I meant all of it bu for him I think he just want to brag about his heroic act.
He wants to be acknowledged. I'm not into it! Once is enough but I gave many.
"My dream came true." Mahina kong sabi sa sarili.
Lagi ko 'tong binabanggit sa kaniya kay Jonathan at kay John. Gusto ko talagang makapunta rito kung papayagan kami ni mommy. Usually, sa mga malalapit lang talaga tapos hindi pa pwede overnight. Tsaka na raw kapag kaya ko na. At nasa wastong taong gulang na. Nakapunta na rin kami dito. Kasama sina...
Hindi ko alam na I'm sharing private memories with two boys.
Nasa isip ko na ngayon na baka hinahanap na nila ako. I wonder, my childhood friend is looking for me as well.
Nate-Nate.
"Nathan, he's your daddy." Pakilala ni Jocelyn sa anak sa kaniyang daddy.
Kailanman ay hindi niya ito nakilala. Simula noong naipanganak siya, wala siyang maalala na kinarga o hinagkan ng kaniyang tunay na ama.
If he had, wala pa siyang muwang no'n.
Nagliwanag naman ang mga mata ng batang Jonathan. Mabilis itong tumakbo sa likuran ng mommy niya.
Napatawa naman ang lalaking sinasabi nilang daddy niya. Tila natutuwa sa pagkahiya ng anak.
"Come here Nathan." Tumango ito at nagpapakitang huwag mag-aalala dahil hindi ito masamang tao.
Nakatayo lang si Jocelyn. Natatawa na rin sa inaasta ng anak. Lagi niyang minimithi ang makita ang ama. Ngayon pa ba siya nahiya? But it's just natural for kids.
Tumingala ang batang Nathan sa mommy niya. Yumuko naman ang ina at tumango sa anak. Bigla namang tumapang ang loob ng bata dahil sa ermisong binigay ng ina.
"Come on, son. Don't you want to hug me?" Pursige ng ama para lapitan ng anak.
Tumakbo bigla ang bata papalapit sa daddy niyang hindi maalala kong kailan nakilala. Umiiyak ito. He was wishing everyday, before he fall asleep, na sana makilala na nito ang daddy niya. Laging sinasabi ng mommy niya na tinutupad ni Santas Claus ang dalangin kapag nagpakabait ito.
Ginawa niya naman. Kahit inaaway ito sa school ay hindi ito kailanman nanlaban. Hindi niya pinansin ang mga ito.
Naging matapang siya para makita ang daddy niya. Santa did grant his wish. Santa Claus was always true to his words.
"I missed you son."
Umiiyak pa rin ang bata at ayaw ng pakawalan ang daddy niya. It feels so good to have one.
Wish granted.
Natatawanan ang mag-asawa.
"Daddy?" May isang batang tumatawag sa daddy niya sa likuran.
Napatingin naman silang tatlo sa bata. Sa na rito si Nathan na lubos na ikinagulat ang unang pagkikita nila ng magkamukha.
"John! Anak!" Tawag ni Jocelyn sa anak.
"Mommy?" Hindi nito nakilala no'ng una pero agad naman niyang namukhaan agad, "Mommy! Mommy!"
Agad siyang hinagkan ng ina. Taon din ang lumipas na hindi nakadalaw si Jocelyn sa Estados Unidos. Matagal na niyang hindi nakita ang isa pang anak.
Ang kapatid ni Jonathan.
"You're already this big?" Manghang tanong ng ina habang yakap ito.
"Is he my twin?" Tanong ng bata sa ina.
Hindi niya pinansin ang kaniyang mommy at nakatutok lang din sa batang lalaking bagong dating.
"We do look a like." He added.
Lumuwang naman ang yakap sa batang John at masayang tumango.
"Yes! He's finally here." Jocelyn answered.
Napalayo si Nathan sa daddy niya at nagtaka sa inasta ng ina. Sino ang niyayakap niya at bakit nakikita niya ang sarili na parang salamin?
"Mommy?"
They do look the same. Nathan was confused and a bit scared because how could this be possibly happen? It's impossible to think it's a mirror when he is moving differently to the way he moves. It's obviously someone else.
Umiling pa ito na parang naguguluhan.
"Obviously, we are twins so don't be stupid." Stating a matter of fact.
He's aware of this. He definitely knows he's got a twin brother. But Nathan doesn't have any idea about this.
"J.A., I'm warning you, be good to your brother." Warning ng daddy niya.
"Yeah, right brother."
Masama naman siyang tinignan ni Nathan. Hindi niya alam na ganito pala ito umasta.
"You're a bad kid!" Sagot ni Nathan.
"And you are the good one?" Sagot naman ni J.A
Hindi naman natuwa si Jocelyn sa inasta ng anak. She wasn't expecting this from her own child.
"STOP IT J.A! Go to your room now. You're being rude, mister!" Sita ng daddy niya.
Their father is authoritative. Hindi nga lang tumatalab sa bata kaya sumasakit ang ulo niya rito.
"Yeah right!" Matapang nitong angil bago siya lumingon muli sa mommy niyang matagal na niyang hindi nakikita. "Oh, hi mom! I didn't see you there. Seems like you don't like to see your bastard son?"
Nahulog ang panga ni Jocelyn sa inasta ng anak niya. What happened whilst she's not here? Paanong nagkaganito ang anak niya? Ito ba ang dahilan kung bakit hindi na siya sinasama ng asawa niya sa video calls nila?
"Andrew!" sigaw ng mama niya, pero hindi niya ito pinakinggan.
"Your room is already set. Get some sleep son, it was a long trip you had." Sabi ng daddy niya na parang walang nangyari.
Walang paliwanag sa kaniya kung sino ang batang iyon at bakit sila magkamukha. Ang bata na walang muwang sa nangyayari ay natulala sa palabas na nasaksihan.
Mabilis namang dinaluhan ni Jocelyn ang anak na hindi man lang niya napagsabihan kung ano ang makikita at malalaman sa pagpunta rito.
She knows her son is so tired from the long trip. She wanted her to rest first.
"Anak, mommy will explain tomorrow. Please go to bed after shower. Okay?"
Super confused, Nathan nodded and followed his mommy to the room.
"Get rest, my love." Tipid na pagkakasabi ni Jocelyn sa anak.
Akala niya ay madali lang sabihin sa anak ang mga bagay-bagay pero ngayong gulat din siya sa nangyayari, naisip niyang mahirap pala. She knows her son is smart, brave and obedient. Hindi niya naisip na magbabago ang ihip ng hangin dahil may nagbago.
Her other son, Jonathan's twin brother changed so much.
"Good night mommy." Sagot nalang ng bata.
Pagpasok ni Nathan sa silid, isang napakadilim na lugar ang nasaksihan niya. His eye-sight were always blurry but not this pitched-black. Napatayo siya ng ilang sandali bago maadjust ang paningin sa madilim na paligid.
Where is he?
"H-hello?" His voice sounded clear yet almost unrecognizable.
Natakot na ang bata nang hindi pa rin siya makakita. He remembered his look-a-like entered here. Dinala rin siya ng mommy niya rito.
"W-where are you?"
Silence stretched for a moment. Hindi naman matatakutin si Jonathan sa dilim o anong bagay pero ramdam na niya ang pamamawis dahil sa hindi alam kung ano ang nangyayari sa dilim.
He's new here.
"Hi bed spacer!" Sabay nito ang pagbukas ng ilaw.
Napatalon si Nathan sa gulat. Nais niyang sumigaw at tumakbo nalang pero hindi niya nagawa dahil maliwanag na siyang nakakakita.
Direkta siyang nakatingin sa batang nasa switch banda para takutin siya.
Almost effective but try harder, Nathan thought.
"I'm Nathan."
Alam ng batang Jonathan kung nasaan sila. He knows what language people speak here. Jonathan tried his very best to sound brave when he said that to him. He speaks English really well so he thinks it won't be a problem to him at all.
"Wala akong pakialam!" Pagalit nitong sagot.
The opposite kid was wearing a long sleeve, which is relevant to the climate in the US right now. It's still spring.
In the Philippines, it's officially summer.
Lumayo na ito sa switch ng ilaw na halos hindi na pala maabot at tumungo sa kaniyang bed. Napansin ni Nathan na may double deck doon. Nasa baba ang kamukha niya.
Nang tinanggal nito ang long-sleeve na suot ay agad niyang napansin ang katawan niya.
Nathan saw the kid's bruises on his arms. Napalunok si Nathan. Where he get that from?
"Are we brothers?" Imbis na itanong kung ano ang nakita, iba ang lumabas sa bibig niya.
I think that was the most important thing to ask first. Nathan was awed when he heard him speaks Tagalog awhile ago too.
"Obviously? I heard you're smart. I guess you are dumb like me." He even shrugged and throw his sleeve away.
Makalat ang kama ng bata. For a kid like him, Nathan was amused on how this place so messy. Parang hindi man lang nalinisan kahit minsan.
But a kid like him wouldn't care. Something was revealed to him right now.
Him and this J.A. kid right here are twins. Hindi niya alam na may kapatid siya, at kakambal pa pala.
Natulala si Jonathan.
"I-I... didn't know."
"Then, now you know." Sarkasmo nitong sagot.
Humiga sa kama ang batang John Andrew at halos mapaaray sa mga pasang bumangga sa una.
Nanatiling nakatayo si Nathan, hindi alam kung ano ang gagawin. He was told to sleep but he wants to ask more.
"W-why?"
Napakunot noo ang batang John Andrew sa sinasabi nilang mabait at matalinong bata.
"What do you mean, why? Stop asking me questions. We're twins. That's all and who cares?"
Tumalikod ito sa nakatayong Jonathan. He just want to sleep and ignore his twin. He's not sorry for being unwelcoming.
"I... just hope we get along." Nasabi nalang ni Nathan.
NO WAY! Isip ng batang J.A.
"Oh really? Well brother, welcome to hell!"
Dumaan naman ang isang taon na hindi sila magkaayos dalawa. Jocelyn explained everything to Jonatha about the situation why they kept it a secret from him. Hindi niya agad iyon naintindihan pero kalaunan ay tinanggap niya rin. At ang summer vacation lang na punta nila sa Estados Unidos ay hindi pala. They will be moving to Canada and they will settle there. Nathan wasn't expecting it and that's one thing he's not accepting. He promised Serene.
Of course, he loves family but he has to go back. He's so sure, Serene has been waiting. If he has money to get a flight and travel without assistance from parents.
Doon natutunan ni Jonathan na hindi ito madali. Na ang mga bagay na pinangako niya kay Serene ay hindi madali. Walang super powers o salita ang makakagawa nito ng isang pitik lang.
That's why he felt so bad for Serene. Alam niyang hinihintay na siya nito. Isang araw, pinipilit na niya ang mommy niya na umuwi na sila ng Pilipinas.
Nangako ang ina na pipilitin ang ama nito.
"Adrian gusto nang umuwi ng bata sa Pilipinas." Sabi ni Jocelyn sa ex husband niya.
Matagal nang hiwalay ang dalawa. Gustuhin man ni Jocelyn na sa kaniya ang kambal pero masakitin si J.A. at ang asawa niya lang ang may kakayahang magpagamot dito kaya naiwan ito sa puder niya. Kaya naman nitong lumalaki na ang dalawa gusto na niyang makita ito. Hindi niya naman ito nabanggit kay Jonathan kailanman dahil sa takot na malito ito at manghanap dito.
Hindi niya alam kung papayag ba ang asawa nito na makapunta rito.
"Hindi na siya uuwi pa ng Pilipinas, kung gusto mo si JA ang isama mo, akin si Nathan."
"Ano?"
Hindi makapaniwala si Jocelyn na parang bagay nalang niya itong nasasabi. Napaawang ang labi niya sa sinabi ng dating asawa. They've been literally living together again. Maging siya ay hindi makauwi dahil tinago nito ang mga papeles, kasama nito ang passports nila.
Jocelyn decided to take the kids. Now, he wanted to just switch? Ginagawang laruan ng dating asawa ang mga anak. She couldn't believe what he just said. Nahihibang na ang dati niyang asawa. Matagal na niyang gutsong bumalik ng Pilipinas dahil sa maliliit niyang negosyo at trabaho pero para sa mga anak niya ay nakisama ito sa dating asawa.
Pinilit niyang makisama kay Adrian na nais makipagbalikan sa kaniya ng sampilitan pero hindi na niya kaya ang pakisamahan siya. Hindi na niya masikmura ang pagiging diktator nito sa mga anak. Kaya si J.A. ang nababalingan niya dahil hindi niya ito napapasunod. He wants his son to be upright.
But he doesn't treat his son well. Lumaki si J.A. na suwail sa kaniya. He heard about how upright his other son, Jonathan. Adrian acted like a good ex-husband and lure his ex-wife to visit them in the US to get Jonathan.
"Are you kidding me? They're not toys, Adrian! Anak ko sila!"
"Kung gusto mong umuwi dahil may iba ka nang lalaki at ayaw na kaming pakisamahan dito. Might as well take that bastard with you. I just want Jonathan here. He will manage my businesses here in the future. He's my only heir. That's final!"
Isa ito sa dahilan kung bakit nagtagal si Jo sa puder ni Adrian. Ayaw niyang may maiwan sa kanila. The kids want to be with her.
John wants to just go to the Philippines.
Walang nagawa si Jocelyn sa simula at sinunod si Adrian. Ayaw niyang iwan si Nathan o si John Andrew, kaya kinausap niya ang bata na dumito muna sila. She promised na gagawa ng paraan para mapapayag ang tatay nitong isama siya pauwi.
Di rin nag laon naging close ang magkakambal. They used to share everything at naging masaya naman ang buong taon na magkakilala sila. Medyo nagbago na rin si JA. He's only good to his mother and Nathan. It doesn't he stop looking for fights at school. Lagi pa ring napapatawag ang ama at napapahiya kaya mas gusto nitong itapon nalang pabalik ng Pilipinas.
Another year passed by, Jonathan wanted to go back home.
"Mom, I want to go home, I really missed her. I missed her birthday twice now." Pangungumbinsi ni Nathan sa ina. It's not like he is being treated bad by his dad but he doesn't like how he discipline his twin brother and how his mother being trap into this situation. Matagal na silang hiwalay at nandito siya ngayon sa puder ng tatay niya. Parang nakakulong. Hindi makalaya dahil sa ayaw silang iwan nito.
Naaawa na ito sa anak, maging kay JA. She couldn't find a way to escape unless only she takes one.
"Don't worry brother, papayagin ka rin ni dad," he tapped his twin's shoulder.
J.A knows why he's so determined to go home. Parating nag ku-kuwento si Nathan sa kanya si Serene. Halos alam na nito ang lahat tungkol sa minamahal ng kambal. Halos araw-araw ba naman ikuwento sa kaniya.
Malaki na rin ang pinagbago ni Nathan, nang nagtagal ito sa America. Pinaayos ang kaniyang mata, and even nagpapayat para pag nakita sila ni Serene magulat ito.
Isang buwan nalang kaarawan na ni Serene. Pero hindi pa rin sila nakakauwi, hindi alam ni Nathan ang gagawin. Nag makaawa na rin ito sa tatay niya, hindi pa rin siya pinayagan. Hanggang sa na expel si JA sa school na pinag aaralan niya, dahil sa bad influence ng mga barkada niya. Nag dala ito ng matutulis na bagay sa school at naaktuhan siyang nananakot sa mga estudyante. JA caused another problem na umiinit lalo ang dugo sa tatay niya.
"You see JA I had enough. You already caused big trouble mister!" Sigaw ni Adrian sa anak.
Wala nang tatanggap sa kaniya kahit na lumipat sila sa Canada. The school will look for his records.
Jocelyn is so done with her ex-husband. Naaawa na siya sa mga anak niya na alam niya ang dahilan kung bakit ito nagkakaganito.
Hindi nanlaban si JA sa pananakit ni Adrian. He never did. He takes revenge in different way. Pinapahiya niya ito sa school at sa ibang tao.
Alam ni JA na doon lang siya makakabawi sa daddy niya. Nang tinalikuran siya ng daddy niya agad lumapit ang hindi makaimik na ina. Dinaluhan agad ang nasaktan na anak.
Sumunod naman si Nathan na natakot din para sa kapatid. Sa puntong iyon, Jocelyn decided to make a decision. ASAP
"Nathan, I've decided to bring JA in the Philippines." Umiiyak na sabi ni Jocelyn sa anak. "I can't take this anymore. Your dad can do something worst to him!"
Agad namang naintindihan ng bata ang sinabi ng ina. Maging siya ay sang-ayon din sa mungkahi nito. His dad can do worst to him.
"Mom, do the best thing for JA, ayoko ko rin siyang nasasaktan." Umiiyak na sabi ni Jonathan dito.
Alam na rin ni Jonathan ang mangyayari sa pagsang-ayon niya sa gagawin ng ina.
Tumayo si Jocelyn at sinugod ang dating asawa sa kwarto nito at sinalo lahat ng pangbubugbog. Hindi na niya kaya pang saktan niya ang anak nito. Kailangan na niyang ilayo ito rito. She wants to report him but she's scared of his husband's power and connections in the US. Hindi niya ito magagawa sa mga anak.
"Give me back all my papers! Uuwi na kami ng Pilipinas. Hindi ko na kaya ang panggaganito mo sa anak ko!" Sigaw ni Jocelyn na namamaga ang mukha dahil sa malakas na sampal ni Adrian.
Natuwa naman ang dat niyang asawa sa sinabi. Sa wakas! Malalayo na rin sa kaniya ang batang nagdadala sa kaniya ng sakit sa ulo.
"Sige! Isama mo 'yang bastardong batang iyan kung saan mo man naising pumunta. Ayoko nang makita pa ang pagmumukha niya!" sabi ni Adrian.
Iniwan ni Jocelyn ang anak kahit na labag sa kaniyang loob. She has to take John Andrew with her only. Ngunit hindi ibig sabihin no'n ay makakalipad na si Jocelyn at ang bata sa Pilipinas dahil sa totoo lang, wala na rin itong pera para makapagbili ng ticket.
May isang Pilipinong nagpauloy sa kanila pansamantala habang iniisip kung saan makakakuha ng ticket pauwi. Also, the documents she got are for herself and her other son, Jonathan.
Hindi naibigay sa kaniya ang kay John Andrew. She has been contacting her ex-husband but she’s been receiving no response. Ito ang nagpapastress sa kaniya aside sa wala siyang pera na magpapauwi sa kanila. She couldn’t reach her family even. They wanted her to get back with his ex-husband. Alam niyang hindi siya nito tutulungan.
Isang araw, naisip niya nalang biglang tawagan ang kaibigan sa Pilipinas. Halos iwasan niya ito dati dahil sa pamimilit nitong pagpapauwi kay Jonathan sa Pilipinas pero ngayon, naisip niya, baka makatulong ito sa kaniya. She’ll pay her back anyway.
Kinabahan ito nang sumagot ito agad.
“Jo! My goodness, sa wakas!” Bungad agad nito.
"S-Selene?"
Agad namang napaiyak si Jocelyn sa kaniyang matalik na kaibigan. Her friend has been calling her so many times. Halos mairita na ito dahil lagi niyang pinipilit na iuwi na si Jonathan para sa anak niyang nangungulila rito. Of course, she can’t go home because of her personal problem. Hindi na niya kayang iwan si John Andrew sa hayop nitong dating asawa.
Hindi niya aakalain na ang kaibigan pa niyang ito ang makakatulong sa kaniya ngayon. She felt ashamed.
Naikwento na nito ang mga nangyari at paano niya hindi maiuuwi si Jonathan sa Pilipinas.
“Gosh! Paano na ‘yan? Serene will be mad at me. Malapit na ang birthday nito!” Halos naghi-histerya nitong sabi.
“I’m sorry. I hope you can help me. Babayaran naman kita, Selene.” Pangako pa nito.
“But... can’t you just return JA and get Jonathan instead? Hindi naman malalaman ni Adrian dahil magkamukha sila.”
Her friend was selfish and insensitive at the moment. Nairita si Jocelyn pero nilunok niya ito dahil alam nitong makakaulong siya.
She’s desperate to go home. Kapag nalaman ni Adrian na nasa America pa sila at makagawa na naman ng gulo si JA, paniguradong ang isa niyang anak ang masasaktan.
Jonathan is a behave boy. Alam niyang hindi siya sasaktan ng dating asawa.
Selene on the line was already panicking. She promised her kid. Hanggang sa may narealize siya sa malalim niyang pag-iisip. It’s crazy but she has to do it.
Kinakagat ni Selene ang kuko habang sinusubukang mag-isip ng paraan.
“I need your help, Selene.”
For her daughter, she will do everything.
"I will ask a favor from you then.” She sounded desperate. “In exchange tutulungan ko kayong makauwi ng Pinas.”
"Ano ‘yon? Gagawin ko." Jocelyn as she still thinks her friend is sane.
"Introduce JA as Jonathan," sabi ni Selene.
It was insane. Hindi niya ito magagawa sa isang bata at sa anak niya. It’s not even an option but JA is way too different from Jonathan. Hindi niya ito magagawa ng basta basta.
“Selene! Don’t do this to my child and to yours.” Sabi pa ni Jocelyn.
“I’m desperate, Jo! If you can do it. You just need to train JA a bit. Hindi naman alam ni Serene na may kakambal si Nathan. Tell your child to act.” She demanded in her last sentence.
At doon na nagsimula ang kasinungalingan sa kaarawan ni Serene. Na nagpakilala si JA bilang Jonathan. Hindi nila pinaalam sa batang Nathan sa simula dahil alam nitong hindi ito matutuwa sa ginawa nila Selene pero nagtagal, nag-uusap na sila ni JA na hindi dapat malaman ni Serene ang lahat hanggang sa makabalik na ito ng Pilipinas.
Babalikan niya pa ito at magpapakilalang totoong Jonathan.