Chapter 3

2694 Words
Iyon na ang huling pag-uusap namin ni menopausal man. Naging busy na ako sa trabaho. Gustuhin ko mang kulitin siya nang kulitin pero walang energy ang lola n'yo dahil sa dami lagi ng pasyente sa hospital. Sa operating room kasi ako naka-assign at ilang araw nang sunud-sunod ang operations. Nakakapagod man pero kapag naging successful ang operation ay worth it naman ang pagod mo dahil isa ka sa mga kasamang nakapag salba ng buhay. At ngayong araw ay tuwang-tuwa ako dahil day off ko. Maaga akong gumising at excited na naglinis at nagluto. Pakanta-kanta habang naglalagay ng pagkain sa tupperware at saka inilagay sa paper bag. Dadalhan ko kasi si Zack. Last time sa pagkakatanda ko ay ganitong oras nasa unit n'ya pa siya. I grind at my self dahil baka makakita ulit ako ng pandesal ngayong araw. Dalawang beses ulit akong nag-door bell at susundan ko pa sana nang bumukas na ang pintuan. ''What?'' Masungit agad nitong bungad sa akin. Pinasadahan ko siya ng tingin. Nadismaya ng konti dahil wala ang pandesal na inaasahan ko. Dahil sa hindi ako nagsalita ay lumabas na siya at ini-lock na ang pinto ng unit niya. ''Ano'ng kailangan mo at nandito ka na naman ng ganito ka aga? Balak mo na namang pagpantasyahan ang katawan ko 'no?'' pang aasar niya. Grabe sya! Napaka-judgemental ng menopausal man na ito. Slight lang naman! ''Oh!'' Pairap kong ini-abot ang paper bag ng almusal. Tinitigan niya lang ang hawak ko. ''Hindi na. Kumain na ako," tanggi niya. Naalala ko ang ginawang pang hahalik sa kanya noong huli kaya napangiti ako. Pinanlakihan niya lang ako ng mata dahil siguro sa iisa lang ang nasa isip namin. ''Tanggapin mo na!'' sabi ko, at ako na ang naglagay sa kamay niya ng paper bag. ''Abosado ka naman masyado kung hahalikan pa kita 'no!''nakapamewang ko pang saad. ''Tss!'' Naiiling at nakangisi lang niya akong tiningnan. ''Baka may gayuma 'to?'' pambibintang niya. ''Ayaw mo no'n ng ma-inlove ka na sa akin," wika kong nagtaas baba pa ang kilay. Napangiti ako dahil sumama ang mukha niya. ''Puro ka kalokohan. Aalis na 'ko." ''Ano'ng trabaho mo?'' curious kong tanong dahil mukhang pang-teacher ang suot nitong uniform. ''Teacher," tipid niyang tugon. Sabi na, eh! ''Nice!'' puri ko. ''D'yan ka na nga! Gumagana na naman ang pagka-tsismosa mo." Sabay talikod niya sa akin. ''Ingat sa work, bebe!'' pahabol ko. At ang walang hiya 'di man lang kinilig. ''I love you! Umuwi kang maaga. Ingat ka at pakakasalan pa kita!'' sigaw ko. Ilang dipa lang naman ang layo niya sa akin kaya kita ko ang pamumula ng tenga niya. Saktong may lumabas sa ilang unit at naisip ko lang na isigaw 'yon para asarin siya. Natawa ang mga dumaan at napalingon pa sa gawi ko. Matapos kong maglinis ay pumunta na lang ako sa bahay ng pinsan kong si Lorren. Bored kasi ako sa unit ko at bukas pa ang off ni Rico kaya walang madaldal sa condo. Speaking of day off ilang days na rin na hindi kami nagkikita. Sa ibang department kasi siya naka-assign at pang gabi ang shift niya kasama ng jowa. ''Pretty Tita Ninang, is here!'' Agaw ko sa atensyon ng kambal kong pamangkin. Nasa dining sila at kumakain. May pasok ang mga ito sa school at naka bihis na habang pinapakain ng tig isa nilang yaya. Hinagkan ko sila sa noo isa-isa at naupo sa bakanteng upuan sa hapag. ''Kakain po ba kayo, Ma'am Sab?'' tanong ni Ate Ella ng lumabas sa kung saan. ''Tapos na po ako, Ate. Salamat," magalang na tanggi ko. ''Si Lorren po?'' ''Nandito ako. Bakit?" tanong agad nito. ''Ihahatid ko sa school ang mga bata. Wanna come?'' Isa-isa pang tiningnan ang mga bag ng kanyang mga anak. ''Wala kang pasok?'' ani kong lumapit na sa kanya. ''Driver ang naghahatid sa twins mo 'di ba?" ''Si Tessa na muna ang bahala sa bakeshop. May bago kasing teacher ang mga bata ngayon. Nag-resign na kasi ang dating teacher nila kasi buntis na." paliwanag niya sa akin. ''Samahan mo na ako nang makadaan na tuloy tayo kina Kristha," aniya pa. Nang matapos kumain ang kambal ay sabay-sabay na kaming lumabas. Nasa back seat ang dalawa at kami ni Lorren sa front. ''Careful kids." Paalala ni Lorren sa mga anak nang buksan ang pinto ng kotse at isa-isa silang alalayan pababa. ''Let's go." Akay niya sa magkabilang kamay ang dalawa at ako na ang nagbitbit ng bag. Ito pa lang ang ikalawang beses na nakapasok ako sa school nila. Last year pa ang huli na sinundo namin ang mga bata dahil may sakit ang driver. Ilang lakaran pa at nakarating kami sa room ng mga ito. May mga parents na rin sa loob at naghihintay na rin yata sa bagong guro. Nag-bell na at unti-unting nalinis ang hall way. Ang mga yaya'ng nagbabantay sa mga alaga nila ay nasa isang waiting sheds. Sumandal ako sa pader at kinuha ang phone ko. Makapag-selfie na lang nga at fresh pa ako. Dumaan ang may edad ng babae sa harap ko kasunod ang isang hindi ko akalaing dito ko pa makikita. Nakanganga akong nasundan siya ng tingin nang marinig ko ang shutter sounds ng camera kong hawak. Napangiwi ako dahil nakanganga ako sa shoots na iyon. Ibinalik ko sa bag ang cellphone at lumapit sa pintuan. Nagsasalita na ang babae'ng principal yata. ''Si Mr. Zacarias Montero ang magiging new teacher ng mga anak ninyo." Wala na akong ibang maintindihan sa sinabi ng babae dahil na kay Zack na ang atensyon ko. Pwede bang bumalik sa pagiging kinder? Ang hot nya'ng teacher! Napa ayos ako nang tayo nang sulyapan ako ni Zack. Para pa sya'ng namalik mata dahil inulit pa ulit ang pag sulyap sa akin. Ngumiti ako at kumaway sa kanya na sinagot niya lang ng nakasimangot na mukha. But I'd find it hot! My gosh! Gusto ko na yata talaga s'ya? Matapos ang met and greet ay isa-isa na ring nagpaalam ang mga parents at guardians ng mga bata. ''It's nice to met you again, Zack," nakangiting saad pa ng pinsan ko. ''Sab, si Zack ang bagong teacher ng kambal." Baling nito sa akin ng makalapit ako. ''Hi!'' pa-cute kong sabi. ''P'wede bang mag-enroll?'' biro ko. ''Hindi allowed ang mga isip-bata rito." Ayon na naman si menopausal man. ''Papasok akong taga-gawa ng bata," nakangising pambabara ko. ''Bunganga mo nga! Marinig ka ng mga bata!" saway ni Lorren at nakangiting bumaling kay Zack. ''Sige, alis na kami," paalam na nito at saka ako hinila palayo. Tanaw pa kami ni Zack habang paalis. Nag-flying kiss pa ako sa kanya na ikinabusangot na naman niya. ''Ay! Ang sweet!'' Rinig kong sabi ng ilan sa mga kumpol ng guardians sa waiting shed. ''Gwapo ng boyfriend ko 'no?" ani ko, sabay kindat sa mga naroon. ''Ay! Sayang may jowa na pala si Sir Zack," anang isa. Nakangiti kong sinundan sa parking ang pinsan ko. ''Tuwang-tuwa ka sa kalokohan mo!'' singhal nito nang makasakay ako. ''Mamaya may girlfriend 'yong tao mapaaway ka d'yan sa kalokohan mo," sermon pa niya. ''Feeling ko wala,'' nakangiti kong sagot. ''How can you be so sure? Once mo lang 'yan nakita at na met," sabi nitong sinulyapan ako saglit at itinuon sa harap ang tingin. ''Neighbors kami sa condo." At inalala pa ang mga nagdaang pangyayari. ''I think, I like him na," kinikilig ko pang saad. ''Hoy! Sabrina! Baka mamaya kung anu-anong kalokohan ang ginagawa mo ha!'' pangaral ni Lorren. ''Wala sa lahi natin ang naghahabol sa lalaki!'' anito pa. ''Ano namang gagawin ko?'' Mamatay na umamin! Saka tama siya wala sa lahi namin ang maghabol dahil lapitin kami. Pero kakaiba kasi ang menopausal man na ito. May kung anong magnet. Inakusahan niya akong gagayumahin siya! Ako nga yata ang nagayuma n'ya! ''Siguraduhin mo lang at iba yata ang kwento ni Kristha sa akin no'ng kasal n'ya." May inis sa boses nitong sermon na naman sa akin. ''Wala 'yon," tanggi ko. ''Binibiro ko lang naman si Zack," dagdag ko pa. ''Kapag ikaw talaga napa-away d'yan sa kalokohan mo bahala ka!'' ''Alam ko naman ang ginagawa ko. Don't worry about me, okay.'' I assured her. ''Ang akin lang, baka masaktan ka." Napalitan ng pag aalala ang boses ng pinsan ko. ''I can handle my self, Lorren. And thank you sa care,'' nakangiting sabi ko. Nagpalipas kami ng oras kina Kristha at nasabon na naman ako ni Manang Lorren dahil sa harap-harapang pang lalaglag ng kaibigan namin sa akin. Nang sunduin namin ang twins ay siya na lang ang bumaba dahil walang parking space. Hindi ko tuloy nakita ang bebe ko. Pagka meryenda ay nagpaalam na rin akong aalis na. Mag-go-groceries na lang muna ako dahil paubos na rin naman ang stocks ko sa condo. ''How tired!'' reklamo ko nang maupo sa bakanteng mesa sa loob ng isang restaurant. ''Here's our menu, ma'am." Nakangiting ini-abot sa akin ng waiter ang menu. ''Thank you." Matapos sabihin sa waiter ang order ko ay magalang na rin itong umalis. Maganda ang ambiance ng restaurant na ito. Balita ko ay celebrity rin ang may-ari. Napahilot ako sa batok nang makita ko sa 'di kalayuang table si Alex. Kasama ang ilang kaibigan niyang nakilala ko na rin before. ''Here's your order, ma'am," wika ng waiter nang makalapit sa akin. Dala nito ang pagkain ko. ''P'wede bang i-take out ko na lang? Sumama kasi ang pakiramdam ko." Alanganing ngiti pa ang iginawad ko sa lalaki. ''Okay lang po. Wait lang po at ipapabalot ko." ''Thank you." Ayaw kong magtagal dito dahil baka matanaw pa ako ng lalaking ito at gumawa na naman ng hindi maganda. Ang daming babae sa mundo bakit 'di maghanap ng gu-gusto sa kanya? ''Here's your take out, ma'am." ''Salamat. Keep the change," naka ngiting ani ko at nagmadali nang umalis. ''Sab!'' ''Sabi na, eh!'' napapikit pang bulong ko. Mas binilisan ko pa ang lakad. Pasakay na ako ng kotse nang pigilan ako ni Alex sa aking braso. Mabilis kong nahila ang aking braso'ng hawak-hawak niya. Ewan ko ba! Simula nang makita ko sila ng babae'ng 'yon sa malaswang ayos nandidiri ako. ''I'm sorry," anitong napansin yata ang naging kilos ko. ''Tinawag kasi kita kanina. Hindi mo yata ako narinig kaya-'' ''I heard it!'' putol ko sa kanya. ''I have to go!'' ''Can we talk?'' Napahinto ako sa pagpasok at pinukol na siya nang masamang tingin. ''Here we go again, Alex! Wala na tayong pag-uusapan. Tapos na tayo!'' Pag papaintindi ko sa kanya. ''Gusto lang sana kitang ipakilala sa mga friends ko. May gusto kasi akong babae, baka sakaling pag nalaman n'yang may ipinakilala akong girl sa tropa maalarma s'ya at pansinin ako." ''Engot ka ba?!'' Tumaas yata ang dugo ko. ''At paano kung magselos ang pinagseselos mo at niresbakan ako? My god! nasaan ba ang utak mo, ha!'' gigil na sigaw ko. ''Favor lang-'' ''Ayoko!'' galit na sagot ko. Nahinto kami saglit ng may mag-park na van sa tabi ng kotse ko. Nabuhayan ako ng loob nang makita kung sinu-sino ang mga iyon. May magagamit na akong excuse kay Alex para lubayan niya na ako. How I wish na sana ay naroon na rin si Zack at ng siya na ang maipakilala ko. ''What am I gonna do here? I have class tomorrow,'' reklamo nang huling bumaba ng van. Napatingin si Alex sa gawi ko ng isara ko ang pintuan ng kotse at humarap sa mga bagong dating. Lumapad ang ngiti ko at para akong inatake ng maraming paru-paro at kiniliti ang aking t'yan nang makita si Zack. Ang gwapo nito sa suot na longsleeves na tinupi hanggang siko. Kaiba sa suot nitong teachers uniform kanina na hot pa rin naman. Binalingan ako ni Alex na nasa tabi ko pa rin pala. Tinaasan ko lang siya ng kilay at bahagyang lumayo. ''Hey! Guys!'' tawag ko sa mga ito. ''Uy! Sab!'' bati ni Peir nang makita ako. Tinanguan lang ako nina Zion, Jao at Vilson. Nakipag-high five ang mga ito sa akin at iniwan na kami doon. ''Hey, Sab!'' bati ni Hanz at nakipag-high five rin saka sumunod sa ibang kasama papasok sa loob. ''Nice to see you again," ani Peir na yayakapin pa sana ako. Ngunit hindi nangyari dahil dumaan sa gitna namin ni Zack kaya siya ang nayakap ko. At dahil tadhana na ang gumawa nang paraan ay sinamantala ko na. Idinikit ko ang ilong ko sa kanyang leeg at matunog na tumawa. ''Ang bango mo." ''Sab." Napangiwi ako nang marinig ang boses ni Alex. Nakalimutan ko na kasi siya. At ang tigas ng apog dahil narito pa pala. ''Sino s'ya?'' si Peir na ang nagtanong. Maging si Zack ay napatingin na rin sa akin at hinihintay ang sagot ko. ''Peir, Zack, this is Alex. Alex, this is Peir my friend. And Zack my boyfriend." Napanganga si Alex at bumakas ang sakit sa kanyang mga mata. Well, I don't really care. Hindi ko na kasalanang hindi n'ya pa rin ako malimut-limutan. Tanga siya dahil akong loyal at stick to one lang kung magmahal. Ipinagpalit niya sa babae ng bayan. ''Bye." Ngiti ko pa kay Alex at hinila na ang tulala yatang si Zack paalis. Pagpasok namin sa loob ay naka-order na ang mga nauna. Kami na lang ang hinihintay o much better to say na ang dalawang kasama ko ang hinihintay nila. ''Ex mo?'' tanong agad ni Peir. ''Oo, eh!'' kunyaring nakasimangot kong tugon. ''P'wede bang dito muna ako sa table n'yo? Hindi kasi ako titigilan n'yan." "Umuwi ka na lang," masungit na saad ni Zack. ''Ayoko nga!'' Protesta ko agad. ''Susundan n'ya na naman ako!'' ''Stalker? 'Di maka-move on?" natatawang ani Peir. ''Parang ganoon na nga," tatangu-tango ko pang sagot. Palusot ko lang naman talaga dahil gusto ko lang makasama si Zack. Magiging busy na naman ako simula bukas kaya susulitin ko na ang gabing ito. ''Ikaw, Zack? 'Buti hindi ka naging stalker ni Mikay?'' sabi ni Hanz na natigilan rin sa sariling sinabi. Napatingin ang mga ito kay Zack na nag-iba yata ang mood. Mikay? Parang na-curious tuloy ako at gusto kong makilala. ''Ipinaalala pa kasi, eh!'' ani Zion at binato ng beans si Hanz. ''Kain ka lang, Sab." baling niya sa akin. At ngumiti ng bahagya. Tipid na ngiti lang ang isinagot ko at tumango lang dito. Nagsimula ng kumain ang grupo at ganoon na rin ang ginawa ko. Pero panay ang sulyap ko kay Zack dahil naagaw na ng atensyon ko ang binanggit ni Hanz na 'Mikay' kanina. Ex niya yata. Paano sila naghiwalay? Bakit sila nag break? ''What?'' kunut noong tanong ni Zack ng mahuli ang tingin ko. ''Ex mo si Mikay?'' bigla ko na lang naitanong. ''Kumain ka na lang! Ang dami mong tanong." At hindi na ako ulit pinansin. Nakaramdam ako ng kirot. Hindi ko alam kung para saan. Ngunit natapos na lang ang pagkain namin ng hindi na mawala ang lungkot ko. Inalok ko ng ride si Zack pauwi dahil same lang naman kami ng uuwian. Napilit ko rin siya ng pagkaisahan siya ng grupo at idahilang may gig pa sila. Tahimik lang ang byahe namin pauwi. Hindi ko feel mangulit dahil sa kaalamang may past ito before. At mukhang affected pa! May naging ex rin naman ako kaya patas lang kami. Pero bakit parang iba ang dating sa akin? ''Tahimik ka?'' basag niya sa katahimikan ng matapat na ako sa unit ko. ''Inaantok lang." Pagdadahilan ko. ''Sige na. Pumasok ka na at mag pahinga," utos niya. ''Uwi ka na rin." Malungkot kong taboy sa kanya. ''Hihintayin kitang makapasok," sagot niyang sumandal sa pader at naka pamulsang tumingin sa akin. Kinilig naman daw ako ng slight. Pero sumingit na naman ang ex niya sa utak ko kaya nawala rin ang spark ng kilig sa akin. Binuksan ko na ang pintuan ng unit ko. Nilingon ko siya nang tulyang buksan ko ang pinto. ''Good night, Zack." Umayos siya nang tayo. Akala ko ay aalis na rin pero lumapit siya sa akin. Nanlaki ang mga mata ko at natulos ako sa aking kinatatayuan. ''Good night," wika niya at siya na rin ang nagsara ng pinto sa pagitan namin. Napangiti ako at dumapo ang kamay ko sa aking noo. Nalusaw ang sama ng loob ko sa halik na ginawa niya. Oh! Zacarias Montero! Binabaliw mo ako!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD