Chapter 2

2220 Words
Tunog ng alarm clock ang nag pagising sa akin kinaumagahan. Nakalimutan kong i-off iyon kagabi. Wala akong pasok ngayon kaya easy-easy lang ang kilos ko. Hindi na ako inaantok kaya bumangon na ako para makaligo. Pakanta-kanta lang ako habang naliligo. Hindi ko alam kung bakit energetic ako today. Basta maganda ang mood ko. Natapat na katapusan ng buwan ngayon kaya pupunta na rin ako mamaya sa paupahan para maningil ng upa sa bahay. Nang mamatay si mama ilang taon na, ay ipinagawa ko ang luma naming bahay noon. Sa tulong ng mag-asawang Lorren at Micko ay naipagawa kong limang pinto ng apartment ang bahay. Dahil matagal sa abroad si mama at kompleto ng benefits ay nakakuha ako ng pera roon na ipinangbayad ko sa pinsan ko. Ang sobra ay pinangdagdag ko sa naipon ko sa pagbili nitong condo ko. At ang buwanang upa ay inilalagak ko sa banko. May sweldo naman ako buwan-buwan bilang nurse at sapat na iyon sa pang araw-araw ko. Sobra pa nga dahil hindi naman ako maluho. Napangiti ako habang nagbo-blower ng buhok dahil nahagip nang tingin ang group picture namin noong high school. Nakakaramdam man ng konting inggit dahil ako na lang ang single, kahit papaano ay masaya pa rin dahil mga kaibigan ko pa rin ang nagkatuluyan sa huli. May natira pang lamig na kanin kaya isinangag ko na lang at nag prito na lang ng itlog, ham at bacon. Nagpatugtog pa ako ng music at napapa indak pa habang nagluluto. Sunod ko namang inilabas ang panlinis ko. Dala na yata ng pagiging nurse ko ang pagiging maselan sa sarili man o sa aking paligid. Kahit pagod sa duty hindi ko nakakaligtaang maglinis ng bahay bago at pag-uwi. Kahit sa mga gamit sa kusina ay pinupunasan ko pa ng tissue ang pinggan, kubyertos at baso bago gamitin. Kaya ako nasasabihang maarte. Maaga pa naman kaya may time pa akong maglaba. Kakatanggal ko lang ng supot ng throw pillow nang makita ko sa sulok ng sofa ang isang jacket na blue. Napangiti pa ako ng damputin iyon. Napapikit pa ako habang inaamoy ang jacket. Ibang klase talaga ang pabango ng lalaking iyon magdamag na pero kapit na kapit pa rin ang amoy. Napailing na lang ako habang may ngiti pa rin sa labi. Hindi ko alam kung ano'ng pumasok sa kukote ko at nilandi ko ang menopausal man na iyon. ''Alam mo ang gwapo mo talaga!" ulit ko. ''Matagal ko nang alam at kanina ka pa paulit-ulit d'yan!" naiiritang sagot nito sa akin. ''Saan ba ang bahay mo?'' tanong pa ni Zack. 'Sa puso mo," sagot kong sinabayan ng tawa. Napa pikit na lang siya sa inis. Sige lang mainis ka! I don"t care! At narinig ko pang humalakhak ang isang bahagi ng utak ko. Baliw na yata ako! Ang tipo kong lalaki maingay, 'yong go with the flow. Maginoo pero medyo bastos. Ang isang ito tahimik, parang nasa loob ang kulo. Para siyang bomba na kapag natingki mo sasabog bigla. Gwapo sana kaso parang nasa menopausal stage kapag nagsusungit. Kaya siguro wala itong girlfriend, eh! Jowain ko kaya ng maiba naman? Inihinto niya sa gilid ang sasakyan. ''Bumaba ka na lang kung hindi ka sasagot ng matino!'' wika nito. Ayon na naman po si Manong. Napataas na lang tuloy ang kilay ko. ''Bakit pwede naman, ah? Unless may jowa ka, hindi talaga p'wede 'yon!" pang aasar ko pa. ''Baba na!'' may diing sabi nito. ''Wala akong time para makipag lokohan sa 'yo'' singhal pa niya sa akin. ''Chill! Chill! Relax?" awat kong itinaas pa ang dalawang kamay. ''Paki liko mo d'yan sa kaliwang kanto. Masyado kang hot!'' pairap pang sabi ko. Bumuntong hininga lang siya saka pinausad na ang sasakyan. ''Saan dito?'' masungit n'ya pa ring tanong ng mailiko na sa kaliwa ang sasakyan. ''Ihinto mo nalang d'yan sa Corpus Building sa pangalawang kanto!'' nakabusangot kong sagot. ''Paki-hinaan mo nga aircon mo! Giniginaw na ako dito!" mataray kong sabi habang haplos ang braso kong nananayo na ang balahibo dahil sa lamig. ''Oh!'' Sabay hagis sa akin ng blue niyang jacket. ''Kasalanan ko bang nag-gown ka?!'' Inamoy ko ang jacket niya, nanuot agad sa ilong ko ang bango. Hindi ko alam kung sa fabcon ba o sa pabango. ''Malamang kasal ang pinuntahan ko 'di ba? Ang bango ng jacket mo!'' palatak ko, sabay amoy no'n. ''Tss!'' ''Wow ha! Hindi man lang kiligin sa complement ko." ''Hindi lang naman ikaw ang nagsabi n'yan kaya sanay na ako." Hindi naman mayabang ang pagkakasabi ano? Pa-humble lang talaga ang lolo n'yo! ''Ano bang gamit mo?'' tanong ko pang inamoy ulit ang jacket niya. ''Champion o perla?'' biro ko. Mapang asar lang! ''Ewan ko sa 'yo!'' ''D'yan na lang ako sa tabi." Kalabit ko sa kanya nang makita ang condominium building. Inihinto niya sa bakanteng parking space ang kanyang kotse. Bumaba na ako at nawala na rin ang pagka hilo ko kaya maganda na rin ang aking pakiramdam. ''Thank you sa pag-'' Nabitin sa ere ang pasasalamat ko nang makita ko siyang bumaba na rin ng kanyang sasakyan. Wow! Ibang klase pala itong pag bilinan at talagang ihahatid pa yata ako hanggang sa unit ko. Laglag ang panga ko nang lagpasan lang niya ako at nauna pang maglakad papasok. ''Hoy! Hintayin mo 'ko! Hindi mo alam kung ano'ng floor ang unit ko!'' sigaw ko. Hindi ko na ininda ang suot kong heels at tumakbo na ako pasunod sa kanya. Hanep ang menopausal man na ito at excited yatang makapasok sa unit ko at talagang nauna na sa elevator. ''Ikaw na long legged!'' sabi kong habol pa ang paghinga ng saktong makapasok ng elevator ay magsara iyon. Balak pa akong iwan! Mabuti na lang pang-marathon ang takbo ko! ''Kailan ka pa dito?'' tanong niyang diretso lang ang tingin sa pintuan ng elevator. ''Bakit mo naman tinatanong?'' pasuplada kunyaring tanong ko. ''Balak mo ba akong dalawin lagi?''nakangisi na ako ngayon. ''Masaya ka?!'' Masungit na baling niya sa akin at tinitigan ako ng masama. ''Nagtatanong lang! Nagdi-daydream ka na d'yan!'' Saka ako inirapan. ''Matagal na 'ko dito!'' pagsusungit ko rin. Akala niya siya lang marunong magsungit! Nakakamarami na 'tong menopausal man na ito sa akin, ah! ''Mabuti afford mo?'' Nakanganga akong bumaling sa kanya. Anong akala nito sa akin? Poor?! ''F.Y.I lang, ha! Buong-buo kong binayaran ang condo ko! Hindi hulugan! At lalong hindi utang!'' may pagmamalaki kong sabi na papikit-pikit pa. ''Masama bang mag tanong?' he back fired at me. ''Mga tanungan mo kasi parang ini-insulto mo 'ko, eh!'' naka-cross arms kong sagot. ''Buti afford mo!'' Pang gagaya ko sa sinabi niya kanina. ''May stable akong trabaho 'no! Kaya kong tumira dito!'' Tumunog na ang elevator at nauna na naman ito sa paglalakad. Seryoso ba? Ihahatid niya talaga ako? ''Oh! Oh! Oh! Saan ka pupunta?'' Habol ko sa kanya. Lumagpas na kasi siya sa pintuan ng unit ko. Bida-bida kasi masyado, eh! Hindi naman pala alam ang unit ko! Nauna pa sa akin. Tinaasan niya lang ako ng kilay at nakangising dinukot sa bulsa ng pantalon ang susi at iwinagayway pa talaga sa harap ko. Naglakad pa sa sumunod na unit at binuksan ang pinto noon gamit ang hawak na susi. Napaawang ang bibig ko. Siya pala ang nakatira sa kabila nitong katabi kong unit? Matagal na ako rito pero ngayon ko lang siya nakita. Sabagay busy ako sa buhay at kapag off ko ay sa bahay ako nina Lorren tumatambay. ''Ano'ng akala mo? Sasamahan talaga kita d'yan sa unit mo?'' nakangisi pa ring tanong niya. ''Mamaya i-rape mo pa 'ko.'' ''What?!'' gulantang kong tanong. Ngunit 'di n'ya ako sinagot at pumasok na sa loob. Napailing na lang ako at kinuha na rin sa dala kong bag ang aking susi. Napabuntong hininga na lang ako at tinapos na ang pagliligpit ko. Matapos makapag palit ng punda at makapag vacuum ay nagtungo na ako sa kusina. Napangisi na naman ako ng maka-isip ng idea. Masama ito! Napapadalas ang pagngiti ko ng mag-isa. Baka nasisiraan na ako ng bait. ''Well, pag sisisihan mong naging kapit-bahay mo ang magandang tulad ko. Buwahahaha!'' Tawa kong parang tanga lang. Dala ang jacket ay lumabas na ako ng unit ko. Bitbit sa isang kamay ang paper bag na may lamang almusal. Pa-thank you sa pagpapahiram niya ng walang kasing bango niyang jacket. ''Sana lang nandito s'ya," bulong ko pa. Yayamanin rin talaga ang condominium na ito at may pa-door bell pa. Hindi na nga naman mamamaga ang kamay mo kakakatok sa matigas na pintuan. Nag-door bell ako ng isang beses ngunit wala man lang nagbukas. ''Wala yata s'ya, ah'' kausap ko pa sa aking sarili. ''Six thirty pa lang naman," sabi ko pa sabay tingin sa wristwatch kong suot. Nag-door bell ako ulit this time two times na. Wala ulit kahit kaluskos man lang sa loob. Napahinga ako ng malalim at inulit-ulit ang ginawa. Hindi ko alam kung bakit ko ba ito ginagawa? Basta na lang gumagalaw ang katawan ko na gawin ang mga ganitong bagay. ''Last na talaga 'to!'' wika ko, at pipindutin ko na sana ang door bell nang bumukas ang unit ni Zack. Nakatapis lang siya ng tuwalya. Basa ang buhok na tumutulo pa pababa sa kanyang katawan. Napapalunok ako habang sinusundan ang patak na iyon mula sa leeg patungo sa kanyang dibdib. Kasunod sa abs at nanlaki ang mata ko nang makita ang v-line! ''Stop eye raping me!'' masungit niyang saway sa akin. ''Ano'ng kailangan mo? Ang aga-aga! Nambubulahaw ka na!'' ''A-ano. Ano kasi," Hindi ako makapag salita ng maayos. Nadi-distract kasi ako sa pandesal n'yang nagsusumigaw sa harap ko! Ano kayang felling kapag hinawakan ko ang abs ng lalaking ito? Ex ko kasi walang abs! Tapos ang lakas pa ng apog na ipagpalit ako sa iba! Akala niya ikina-gwapo n'ya 'yon?! My god! Para yata akong asong naglalaway dito! Napaigtad ako ng ihilamos ni Zack sa mukha ko ang isang palad niya. Nagising na yata ang kaluluwa ko ng gapangan ako ng kuryente sa buong katawan. Napa kurap-kurap pa ako and then I cleared my throat kasi parang nagbara yata iyon. ''Sayang-saya ka sa katawan ko 'no? Manyakis!'' pang aakusa nito sa akin. ''Wh- what?'' kukurap-kurap at nakanganga kong sagot. Kagabi tinawag n'ya akong rapist. Ngayon manyakis! ''Ako?'' Sabay turo ko sa aking sarili. "Manyakis!" ''May kasama pa ba tayo? Malamang ikaw!'' At nag-cross arms pang isinandal ang kalahati ng katawan sa pintuan. ''Manyakis! Talaga lang, ha!'' naiinis kong sagot nagtatagis na ang mga ngipin ko sa inis. ''Kilabutan ka nga sa sinasabi mo! Hindi lang ikaw ang nakitaan ko ng abs!'' singhal ko na bahagya pang inilapit ang mukha sa kanya. Shit! Legit! Ang bango n'ya grabe! Downy ba ang ginagamit nito at ganito ito kabango? Hiyang-hiya naman ako sa amoy ko! ''Sinungaling!'' Diyos ko self! Pati hininga ang bango, mina-mouth wash yata downy, eh! ''Lumayu-layo ka nga ng konti. Para mo na akong kakainin, eh!'' anitong tumayo ng tuwid. ''Napaka ano mo!'' pairap na saad ko at umayos na rin ng tayo. Easy ka lang self! 'Wag ipahalatang hook na hook ka sa legit ng kabanguhan niya! ''Ano bang kailangan mo at ang aga-aga para kang asong ulol d'yan! Sarap na sarap ka kakatitig sa katawan ko!'' aniya pa at pinasadahan ng tingin ang suot ko. I am proud of my short-short and fitted white shirt. Big boobs rin ang asset ko kasama na ang malaki kong pwet! Sinuklay-suklay ni Zack ang buhok sa harap ko gamit ang kanyang kamay. At Diyos ko! Diyos nating lahat! Nakakawindang ang muscle sa braso! Wala yatang pangit sa katawan ng lalaking ito. Parang matagal na nagbababad sa gym ang isang 'to dahil sa hubog ng katawan. May muscle, may abs, gwapo at higit sa lahat mabango! Makalaglag panty na talaga! Napahawak ako sa baba ko nang dumapo ang kamay ni Zack doon. Nasundan ko ang kamay nitong ipinagpag pa na 'waring inaalis ang basa roon. He smirked at me as he caught me staring at what he did. ''Tumutulo ang laway mo, eh!'' aniya. Ay! Hayop! Automatic kong nahawakan ang aking bibig dahil sa kanyang sinabi. Nanlalaki pa ang mga mata ko. Malakas siyang tumawa dahil sa ginawa ko. Hawak-hawak ang tyan- abs-. Ah! basta! Imbes na mainis ay namangha pa ako dahil sa lalaking-lalaking pagtawa nito. Pero hindi! Naipilig ko ang aking ulo. Nakakarami na talaga ito sa akin! ''Buwisit ka talaga!'' Naiinis kong hinampas sa kanya ang hawak na jacket. ''What?'' natatawa pa rin niyang tanong. ''What-watin mo 'yang mukha mo!'' Nag-uusok na yata ang bunbunan ko sa asar. Kanina lang ay ako ang nagbabalak na asarin siya. But its turned the table at ako yata ang naasar ngayon. ''Umuwi ka na nga! Kumain ka, gutom lang 'yan." Pagtataboy niya sa akin. Napatingin ako sa hawak kong paper bag nang banggitin niya ang pagkain. ''Whats that?'' Itinuro pa ang hawak ko. Lihim akong napangisi. Parang mga fire works na nagkislapan ang loob ng utak ko dahil sa kalokohang naisip. Makaganti man lang sa pang aasar nito. ''Oh! Thank you sa pagpapahiram ng jacket mo!'' Sabay lahad ng paper bag sa kanya. Salubong man ang kilay pero tinanggap n'ya pa rin ang inaabot ko. At nang hawakan niya ang paper bag ay umabante ako para mahalikan ko siya sa labi. Ano ka ngayon menopausal man? Natulala ka ano? ''Bye!'' ''You-'' Nag-flying kiss pa ako bago tuluyang pumasok sa loob ng unit ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD