Chapter 4

2542 Words
''Well done, guys! Congrats sa ating lahat!" masayang bati ni Doctor Dantes na kasama namin sa isang major operations ngayong araw. Successful ang naging trabaho namin sa buong operasyon at isa ako sa mga napuri ni doc that day. Maganda rin ang naging performance ko buong linggo. Napupuri ako hindi lang dahil sa ganda kundi maging sa trabaho. Well, it's all because of Zack lang naman and his kiss that night. Parang may magic ang halik niya dahil buong linggo na maganda ang mood ko. Medyo malungkot kasi sa kaalamang may Mikay sa buhay niya. But it erased it all with a one kiss. ''Zion?'' Umatras ulit ako pabalik para kompermahin kung si Zion nga ang nakita kong nakatayo sa labas ng clinic ni Dra Fuentes. Papunta ako sa department nina Rico para hanapin siya dahil hindi na ito nagpupunta sa condo ko. Hindi rin kasi magtagpo ang landas namin dito sa loob ng hospital. Bukod sa lagi akong busy sa OR ay nakakain pa ang oras ng pahinga minsan dahil sa extended na gawain. Wala rin kasing paramdam ang baklitang iyon kahit text man lang. Inlove na inlove yata sa boylet at nakalimutan na ako. ''Hi!'' bati ni Zion sa akin ng tuluyan akong makalapit sa gawi niya. ''Ikaw nga! Ano'ng ginagawa mo rito?'' tanong ko. ''Dito ka pala nagwo-work. Sinamahan ko lang magpa-chekup ang asawa ko sa OB n'ya,'' pahayag ni Zion. ''Asawa?'' Medyo nagulat ako dahil may asawa na pala ito. Akala ko girlfriend pa lang. ''May asawa ka na?'' ''Bakit, hindi ba kapani-paniwala?'' mataray na tanong ng isang babaeng biglang sumulpot sa tabi ni Zion at humawak sa braso nito. Matalim ang titig nito sa akin at todo kapit sa braso ni Zion. ''Duh!'' sigaw ng sutil kong isip. Akala naman nito type ko ang asawa niya. May apple of the eye na ako 'no! Kung alam mo lang, 'te! ''Hon,'' malambing na saway ni Zion sa kanyang asawa. ''What?!'' angil nito sa kanya saka tiningnan na naman ako ng masama. Maganda ang babae at bagay sila ni Zion. Parang may kahawig nga ito hindi ko lang mahagilap sa utak ko kung sino. Sexy pa rin kahit buntis na. Naglalaro rin sa lima hanggang anim na buwan ang tiyan nito sa tantya ko lang naman. May ibinulong si Zion sa asawa at muli akong tiningnan ng babae. This time ay wala na ang pamatay na tingin at medyo umaliwalas ang mukha. ''By the way, met my wife Zarina. Honey, this is Sabrina. She's Kristha's friend,'' pakilala ni Zion sa aming dalawa. ''Hi, Zarina.'' I gave my very friendly smile. ''Hello,'' tipid na ganti nitong sagot. Hindi pa rin ngumingiti pero umamo naman ng bahagya ang mukha. Kung hindi lang ito buntis, kanina ko pa ito tinarayan, eh! Kung patayin ako sa tingin gano'n-gano'n na lang. Tapos ngayong nalamang friend ko rin si Kristha biglang umamo. ''Can I use your phone? Please,'' pakiusap nitong pinalambing pa ang boses. Nagulat man ay bigla kong iniabot sa kanya ang cellphone kong nakapa ko na sa aking bulsa. ''Yeah, sure,'' tugon ko kahit nauna ko na 'yong maiabot sa kanya. ''Here's mine. Bakit sa kanya ka pa nanghiram?'' ani ni Zion na itinaas pa ang hawak na cellphone. Ngunit irap lang ang isinagot ng asawa nito sa kanya. ''Gusto ko ang cellphone n'ya, eh!'' masungit na sagot lang nito, at nagta-type na ng kung ano sa cellphone ko. "Attitude ka, ghorl!" ayon naman ang sutil kung isip. ''Here, thank you.'' The sweet smile plastered on her face while staring back at me. After she handed back my phone. Nawiwirduhan man ay tinanggap ko na lang ang phone ko at ginantihan ng matamis na ngiti ang kanya. ''Mauna na kami, Sab,'' paalam na ni Zion. ''Naistorbo ka pa namin,'' dagdag pa nito. ''No, it's fine,'' sagot ko sabay iling pa. ''Ako nga yata Ang nakaabala sa inyo, eh. Nice to met you, Zarina,'' sabi kong binalingan si Zarina sa tabi nito. ''You can call me, Ate Zarina nalang,'' wika niya at hinawakan pa ako sa magkabilang braso at niyakap pa. ''Honey, don't scared her,'' awat ni Zion. ''Did, I?'' kunot-noong tanong nito sa asawa. ''I'm just happy you know. I like her kaya,'' malambing na sabi niya sa asawa at kumapit na sa braso nito saka ako nginitian ulit. Hilaw yata ang naging ngiti ko. Patay na! Pinaglilihian pa yata ng babaeng ito ang beauty ko! Kanina lang halos patayin niya ako sa tingin na akala mo aagawin ko ang asawa niya, tapos ngayon she likes me daw? May pamahiin pa naman sa probinsya namin na kapag napaglihian ka raw ng buntis. Papangit ka raw at babalik lang ang beauty mo once na nakapanganak na ito. ''Ilang buwan na 'yang t'yan mo?'' wala sa sariling tanong ko. Nagpa-panic na ang kaluluwa ko sa isiping papangit ako! ''Five months na,'' si Zarina- este Ate Zarina pala. Five months palang?! At may four months pa! Paano nga kung pinaglilihian ako ng babaeng 'to? Four f*cking months akong papangit! It can't be! Paano na lang ang love life ko nito?! ''Ako nga pala ang ate ni Zack,'' pakilala ni Ate Zarina. ''Bye, Sab. See you again!'' Kumaway pa ito habang palayo sila ni Zion. Ano raw? Ate s'ya ni Zack? Magkapatid sila? Kaya pala pamilyar ang mukha niya dahil siya pala ang Ate ni Zacariaz Montero. Ang bebe ko! Dahil wala ng oras ay hindi na ako nakapunta pa sa department area nina Rico. Iti-text ko na lang ulit ang baklitang 'yon mamaya after ng shift ko. Mas dumoble ang ganda ng mood ko kinahapunan dahil nakilala ko na rin ang isa sa kapamilya ni Zack. At masarap isiping gusto ako ng ate niya. Pero baka dahil sa hormones ng buntis kaya gano'n iyon. Kanina lang akala mo kakainin ako. Pero kahit ano pa 'yan, masaya pa rin ako dahil na-meet ko ang kapatid ng crush ko! Nasa labas na ako ng hospital and I'm ready to go home na when my phone rang. Kinuha ko iyon sa bulsa ng uniform ko at unregistered ang number kaya hinayaan ko na lang. I ignored the call to think that it was Alex again. Madalas niya kasing gawin iyon. Kung hindi lang talaga mahalaga ang sim kong gamit ay matagal na akong nagpalit ng number. ''Kainis!'' Nagulo ko pa ang aking buhok dahil nag ring na naman ang cellphone ko. ''Ano na naman ang kailangan mo!'' bulyaw ko agad matapos sagutin ang tawag. Nagsalubong ang kilay ko dahil walang sumagot sa kabilang linya. Tiningnan ko ang phone ko at active pa naman ang caller. ''Sabrina?'' I know it was him! Hindi ako pwedeng magkamali dahil sa ilang beses naming pag uusap ay kabisado ko na agad ang boses niya. ''Zack?'' hindi makapaniwalang banggit ko sa pangalan niya at sinipat ulit ang phone ko. He cursed in the other line. He murmured something that I can't understand dahil sa hina ng boses niya. ''I thought it was Ate Za,'' he said. "Can I use your phone?" Ginamit nga pala ni Ate Zarina kanina ang phone ko. So, si Zack pala ang ti-next nito. ''I met her here in the hospital kanina. She used my phone. Ikaw pala ang ti-next n'ya,'' paliwanag ko. ''May kailangan ka ba?'' tanong ko pa. ''Nasa hospital ka pa ba?'' ''In the parking,'' tugon ko. ''I am here too.'' Nagpalinga-linga ako sa paligid para hanapin si Zack, at sinugod yata ng maraming paru-paro ang aking tiyan dahil sa kiliting aking naramdaman ng makita siya ng mga mata ko habang papalapit. ''Hi!'' bati ko. ''Bakit pumunta ka pa dito?'' ''Akala ko kasi nandito pa si Ate Zarina, sabi n'ya puntahan ko raw s'ya dito bago mag alas nuebe. Napag trip-an na naman ako ng isang 'yon,'' anitong naiiling pa sa akin. ''Wanna go out with me? Dinner?'' maya maya ay tanong nito. Hala! He asked me out for dinner? Totoo ba ito? ''Sure ka?'' parang tanga kong tanong. Gusto ko tuloy sabunutan ang aking sarili dahil obvious namang narinig ko at sinabi niya pa. ''Sasama ka ba o hindi?'' At nagsungit na naman po si Manong Zack. MagkapatId nga sila ni Ate Zarina dahil ganito rin ito kanina magsungit no'ng hindi pa kami pormal na naipakilala ni Zion sa isa't isa. ''Sasama!'' excited kong sagot. Natural sasama ako! Aarte pa ba ako? ''Crush ko na ang nag-invite sa akin tatanggi pa ba ako? And I consider this as a date, not as a simple dinner,'' maarteng sabi ko pa na medyo hiningal dahil sa litanya ko. ''Suit your self. Let's go.'' At tinalikuran na ako. ''Wait! How about my car?'' pahabol kong tanong. ''Convoy, then." Saka pumasok na sa kanyang sariling sasakyan. Taray ng lolo n'yo magyaya ng dinner ha! Siya pa talaga ang masungit. Parang napipilitan lang yata 'to! Hay naku! Kung hindi ko lang talaga crush ang isang 'to! Nungkang pagtya-tyagaan ko ang kasungitan nito. Iyong iba nga halos latagan na ako ng carpet kapag dadaan mapansin ko lang. Tapos itong menopausal man na ito susungit sungitan lang ako! ''Ano ba 'yan!'' Nasipa ko tuloy ang gulong ko. Kung minamalas ka naman talaga, oo! Nahilot ko na lang ang batok ko dahil ngayon pa talaga na flat ang gulong ng sasakyan ko. Narinig kong pabagsak na nagsara ang pintuan ng kotse ng kung sino sa parking pero hindi ko pinansin dahil sa flat kong kotse. ''It's getting late!'' naiiritang tawag pansin sa akin ni Zack. Nag init ang ulo ko dahil sa tono ng boses niya. Kasalanan ko bang na flat ang gulong ko? Tiningnan ko ang oras sa suot na relo at fifteen minutes na lang bago mag alas nuebe. Gabi na nga pero ako ba dapat ang sisihin dito? ''Alam mo! Kung magrereklamo ka lang rin d'yan. Umuwi ka na lang!'' Tumaas ang boses ko pagbaling sa kanya. ''Mukhang atat na atat ka ng umuwi, eh! At napipilitan ka lang yatang yayain akong kumain. So, feel free to leave! Sabi mo nga late na at hindi ko naman hiningi sa 'yo na ilabas mo ako for dinner. Then get lost 'cause I don't need you here!'' Natulala siya sa biglaang pagsabog ko. Hindi siya naka imik at napatingin lang sa gulong ng kotse ko. ''Ipapagawa ko pa ang kotse ko kaya umuwi ka na! Hindi ko kailangan ang pa-dinner mo dahil baka maging utang na loob ko pa!'' pagra-rant ko pa habang kinukuha sa loob ng kotse ang gamit ko. Iiwan ko muna ito dito ngayong gabi at bukas ko na ipapaayos sa mekanikong kakilala ko. Dala na rin yata ng pagod sa maghapong trabaho at frustration sa na flat kong gulong ay umalpas na ang inis ko. Nakadagdag pa ang tono nitong parang kasalanan ko pang nasayang ang precious time niya dahil sa pag aaya ng dinner. Ito ba ang kapalit ng buong linggo kong pagiging inspired at masaya? ''Sorry,'' he said. Napabuga lang ako ng hangin dahil malakas pa rin ang pintig ng puso ko dahil sa biglaang galit kani-kanina lang. ''Teka!'' Napatili ako roon ng basta niya na lang akong hilahin. Pinapasok niya ako sa kanyang kotse. At tuluyan akong sumimangot nang makitang ang daang tinatahak namin ay ang daan pauwi. Talaga nga palang gusto niya ng umuwi. Si Ate Zarina nga naman ang ipinunta niya sa hospital at hindi ako. Matapos niya akong pagbuksan ng pinto ay hinila niya na naman ako papasok ng elevator. Gusto ko mang kiligin dahil sa magka holding hands naming kamay ay hindi ko magawa dahil medyo nagtatampo talaga ako sa kanya. Masyado akong nilalamon ng tampo ko dahil sa isiping napilitan lang ito na kumain kasama ako. Pero hindi ko naman hiningi 'yon 'di ba? Siya ang nagyaya ng dinner na hindi na rin natuloy dahil nandito na kami sa condo. Napapabuntong hininga na lang akong sumulyap kay Zack. Kagaya ko ay tahimik rin siya at parang malalim ang iniisip kaya hindi pansin ang paninitig ko sa kanya. Napatingin siya sa magkahawak naming kamay ng hilahin ko ang akin. ''Lumagpas na ako,'' nakasimangot kong saad dahil nasa tapat na kami ng unit niya. Tumalikod ako at tinungo ko na ang pintuan ng unit ko. Hindi niya man lang talaga ako pinigilan. Pagkatapos kong mag half bath at magpalit ng pambahay ay muli akong lumabas ng kusina. Gutom ako pero wala akong gana. Naiinis na naman ako kasi ni hindi niya man lang talaga ako tinawag kanina. ''For what, Sab?'' kuwestyon ko sa aking sarili. ''Para kang girlfriend kong mag maktol! Eh, ni wala nga yatang katiting na gusto sa 'yo ang menopausal man na iyon!'' pagalit na saway ko pa sa aking sarili. Sa huli ay laglag ang balikat kong umalis ng kitchen. Itutulog ko na lang ang gutom at pagtatatampo ko. Pasara na ang pinto ng kwarto ko ng marinig ang tunog ng door bell. ''Baklang ito talaga!'' naiiling kong saad. ''Pinaglalaruan na naman ang door bell ko,'' ani ko habang palapit sa pintuan. Si Rico lang naman ang inaasahan kong laging bisita. Mabuti ngang narito ito dahil may mapagku kwentuhan na ako ng mga saloobin ko. Libu-libong paru-paro yata ang sumalubong sa akin ng mabungaran ko kung sino ang nasa labas ng pintuan. Simpleng t-shirt at maong pants lang naman ang suot nito pero malakas talaga ang dating sa akin ng menopausal man na ito. Wala pa rin siyang imik at ayon na naman sa paghatak sa kamay ko palabas ng unit ko. Pumasok kami sa unit niya at napahanga ako sa lalaking-lalaking kulay at ayos nito. Iisa lang naman ang disenyo ng lahat ng unit dito kaya nasa may ari na kung paano iyon mapapaganda. ''I'm sorry for what happened earlier,'' ani Zack habang nasa likod ko pa rin pala. Pumihit ako paharap sa kanya at saka sinalubong ang kanyang mga mata. Nakita ko naman ang sensiridad doon kaya marahan akong tumango. Bahagya siyang ngumiti at muling hinawakan ang kamay ko. Nagpi pyesta na naman ang mga paru-paro sa tiyan ko dahil sa isang hawak lang ni Zack sa akin ay para akong kinukuryente. Panay ang hila ng lalaking ito sa akin! Saan niya ba ako dadalhin? Nanlaki ang mata ko ng makitang papuntang kwarto ang tinatahak namin. Oh my! I'm not ready for sukuan of bataan! Crush ko lang s'ya at hindi pa oras ng pagsuko! Kailangang maglakad pa muna ako sa gitna ng aisle dahil baka biglang bumangon sa hukay ang nanay ko! Pero ganoon na lang ang pagkapahiya ko sa sarili ng lagpasan lang namin ang kwarto niya. Iisa lang ang designs ng mga unit namin at magkasunod lang ang bedroom at terrace na ngayon ay tinatalunton na namin. Naipilig ko na lang ang aking ulo dahil sa harot ng pag iisip ko! Napapahiya tuloy ako rito. Napatingin na lang ako kay Zack ng hawakan niya ang magkabilang balikat ko. ''Eat with me.'' Napalingon ako sa loob ng terrace at nakita ko ang round table na puno ng pagkain. May pa wine pa talaga ang lolo n'yo! At dahil nga marupok ako pagdating kay Zack bebe. Napangiti ako ng malapad at sunud-sunod na tumango. Lalo akong napangiti nang makitang ngitian niya ako pabalik. This is the best dinner ever! At sana hindi na matapos ang gabing ito dahil ngayon ko lang nakikitang ngumingiti ang bebe ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD