bc

Baby, It's You

book_age18+
1.2K
FOLLOW
3.8K
READ
family
brave
bxg
lighthearted
city
friendship
nurse
teacher
like
intro-logo
Blurb

Ang pag-ibig daw ay hindi hinahanap, ito ay kusang dumarating sa tamang panahon at tamang pagkakataon.

Parang si Sabrina, dalawang beses nabigo sa pag-ibig ngunit sadyang may inilaan talaga ang Diyos para sa kanya.

Ngunit paano ba mapapa-ibig ni Sabrina ang isang Zack Montero kung ang puso nito ay nakatali pa rin sa nakaraang pag-ibig at sa babaeng kanyang unang minahal?

Paano hihilumin ni Sabrina ang sugatan nitong puso? Kung sa una pa lang takot na si Zack na muling mag-mahal at masaktan.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
"I'm really sorry, Sab.'' Nakayukong hingi ng tawad ni Rico sa akin. Napabuga na lang ako ng hangin. ''Bakit kasi di mo agad sinabi sa akin?'' tanong kong naka pamewang pa. "Maiintindihan ko naman.'' Nasa boses ko ang inis. ''I'm scared?'' maarteng tugon niya. Patanong pa. ''Scared for what?'' Pinandilatan ko siya. ''You used me! Sana una pa lang sinabi mo na, nang hindi tayo nagka gulatan ng ganoon!'' asik ko pa. ''Good for you kung naiintindihan mo ako. Paano naman ang family ko?'' Biglang lumungkot ang boses ni Rico. ''Kung sana, kapareho mo silang malawak ang pang unawa," wika pa nito habang nilalaru-laro ng tinidor ang carbonara sa kanyang plato. Nandito kami ngayon sa condo ko. Umaga pa lang ay pinuntahan na agad ako ng baklang ito para mag-sorry. Nakikitira ako dati kina Lorren. At simula ng maging regular nurse ako sa pinapasukang hospital ay bumukod na rin ako ng tirahan. ''Paano kung malaman nila?'' seryosong tanong ko. ''Unless sabihin mo 'di ba?'' pairap nitong sabi sa akin. ''Hoy! Hindi ako madaldal ano!'' ani kong dinuro pa s'ya ng tinidor. ''Kung hindi ka ba naman kasi gaga! Umamin ka kay Emil hindi ka pa pumili ng lugar!" litanya ko. ''Paano kung hindi ako ang pumasok doon?'' gigil ko pang tanong Sa kwarto pa kasi talaga ng mga nurse naghalikan. Laglag nga ang panga ko ng makita ko iyon. At kapag naaalala ko nangingilabot ako. Hindi naman ako ignorante at inosente sa ganoong bagay. Pero first time ko ang makakita ng actual na man to man kiss! But I'm happy for Rico. Gusto rin naman siya ni Emil. ''He promised me na hindi n'ya sasabihin sa mga ka-trabaho natin.'' kinikilig na anito. ''Saka mahal n'ya 'ko, 'te!'' patiling saad nito. Pinagsalikop pa ang dalawang palad at inihilig ang mukha doon. Habang namumungay pa ang mga matang nakatingin sa kawalan. ''Landi mo!'' Natatawang binato ko siya ng nilamukos kong tissue. ''Landi agad? Hindi ba pwede'ng inlove lang?'' maarteng sagot niya sa akin. ''Basta! Mag ingat ka lang. Kapag nabuko ka ni Tito, bugbog Berna talaga abot mo!'' Pastor kasi ang Daddy ni Rico. Tinitingala ang pamilya nila at isang kahihiyan kapag nalamang bakla ito. Malaki at matibay kasi ang paniniwala ng pamilya nilang dalawa lang ang nilalang ng Diyos. Isang lalaki at isang babae kaya walang puwang ang ibang kasarian. Minsan ko na ring na-meet ang family niya. At ang masasabi ko lang. Kulang na lang ay babaan sila ng mga anghel sa sobrang pagka relihiyoso. Hindi naman naging masakit sa akin ang nangyari sa amin ni Rico. Tanggap ko at mas masaya ako kasi may extra akong kaibigan. May dumadalaw lagi sa unit ko at nawawala ang loneliness ko dahil sa pagka kwela ng bading na ito. Madalas ay dito ang tagpuan ng mag-jowa sa condo ko. Ayos lang rin naman sa akin dahil dalawa naman ang kwarto ko at madalas rin akong wala. Hindi ko ma-consider na ex si Rico dahil nga juding. And speaking of ex, nakita ko na naman ang unang ex-boyfriend ko. Nakikipag balikan sa akin. Ang kapal ng face! Pagkatapos niya akong ipagpalit sa co-nurse rin namin. Ipinagpalit niya ako sa ka-trabaho kong masasabi kong ulam ng bayan. Hindi ko lang isinuko ang bataan. Aba't! Iniwan ako! Well, karma is real dahil iniwan rin siya ni ate girl at sumama sa may perang foreigner. Buti nga! Hindi naman masama ang maging single. Mas na-i-enjoy ko nga dahil napupuntahan ko lahat ng gusto kong puntahan. Walang naghihintay sa pag-uwi ko at walang nagbabawal. Anytime ay uuwi ako kung kailan ko gusto. Pero minsan nakaka inggit rin naman. Ako na lang kasi ang single sa barkada. Lahat sila ay may kani-kanya ng buhay pamilya. Hanggang abay na lang talaga yata ang papel ko sa simbahan. Abay ako ngayon sa kasal ni Kristha at Fher. Sa kasal nina Monnette at Jared sa susunod ay abay akong muli. Kina Carmina at Rocky lang yata ako pumalya dahil sa ibang bansa ikinasal ang mga ito matapos makapag tapos ng pag-aaral si Carmina. ''Kaka inggit sila, girl!'' Yugyog ko kay Monnette nang pumasok na sa reception hall ang newly wed. ''Ako kaya kailan makakatagpo ng prince charming?'' Naka pangalumbabang tanong ko pa habang tanaw ang couple na nagsasayaw sa gitna. ''Darating din 'yon. 'Wag ka lang mainip." Pampa lubag loob ng kaibigan ko sa akin. ''Kailan pa?'' simangot ko pang tanong. ''Sa ating lahat ako na lang ang walang boyfriend." At nilaru-laro ang yelo sa aking baso. ''Hindi ba't may boyfriend ka? Nasaan na ba 'yon?'' Usisa niyang panay subo ng cake. ''Si Rico ba? Juding pala ang loko!'' pairap kong sagot dito. ''Mabuti pa si Carmina, happy na sa two kids n'ya. At si Kristha may baby girl na," ani ko. ''Si Lorren, may twins na rin. Tapos ikaw, matutuloy na ang happy ending n'yo ni Jared." Napabuntong hininga na lang ako at tinungga ang wine sa hawak kong baso. ''Don't lose hope, okay." Tapik ni Monnette sa aking braso. ''Malay mo naman. Nandito lang sa tabi-tabi ang the one mo," nakangiti pang saad niya. ''Asa!'' Irap ko na lang sa hangin na ikinatawa rin niya. Nasa iisang table ang grupo namin habang nag-iikot ang bagong kasal para bumati at magpasalamat sa mga taong dumalo. ''Congrats, pare!'' bati ni Zion kay Fher ng maabutan ng mga ito ang newlywed sa table namin. Kakatapos lang ng grupong Blues na tumugtog at nagpahinga na rin dahil mula sa simbahan ay instrument na ang hawak ng mga ito. Medyo gabi na rin kasi at ang ilan ay umuwi na rin gaya ng mga business partners ng mga magulang ni Kristha at malayong kamag-anak na uuwi pa. Napataas ang kilay ko nang makitang binulungan ni Monnette si Kristha, at ganoon rin ang ginawa ni Kristha sa asawang si Fher. Tumingin si Fher sa akin at binigyan ako ng nakakalokong ngiti na ikina kunot ng aking noo. ''Excuse me, kuya. Pwede bang paki-extend ng isang table dito?" pakiusap ni Fher sa isang waiter. ''Dito na rin kayo maupo, pare." Baling pa nito sa grupo nina Zion. Matapos maayos ang table and chairs ay nagdala ng mga inumin at pagkain ang ilang waiters para sa grupo. ''By the way, guys. Sila ang friends ng misis ko since high school," ani Fher na inilahad ang kamay sa amin at isa-isang binanggit ang mga pangalan ng mga kaibigan ko. ''And last but not the least, ang single ng barkada si Sabrina." Nakangiting pakilala niya pa sa akin sabay kindat. What the heck?! Balak pa yata akong ibenta ng lalaking ito. Napa inom na lang tuloy ako ng alak na nasa aking baso. ''This is Zion, Hanz, Jao, Peir, and Zack." Pakilala rin ni Fher sa mga ito. Active pa rin si Fher sa showbiz industry at ang grupong Blues ay halos dalawang taon na rin yata. Taga-probinsya ang mga ito at nag-audition sa isang talent search at naging grand winner. Pero hindi ko kilala si Zack ngayon ko lang ito nakitang kasama nila. Si Vilson ang official guitarist nila. Ito yata ang sinasabi sa interview ng grupo noon na teacher na. Well, magaling naman ito. Sa simbahan ay agaw atensyon din dahil bukod sa malakas ang dating sa pagtugtog ay gwapo rin naman. Ngitian at tanguan lang ang sagot ng mga ito sa isa't isa. Hindi na nagtangka pang makipag kamay dahil mga may bakod na ang mga kasama ko. ''Single pa ba?'' nangingiting tanong ni Monnette. Nakakuha tuloy ng masamang tingin mula sa fiancee. Binulungan lang siya ng kaibigan ko at lumiwanag naman bigla ang mukha at naka ngisi na ring bumaling sa akin. ''Taken na!'' Taas kamay na sagot ni Zion, na ikinatawa ng mga ito. Hindi ko naman bet ang Zion na ito kahit na gwapo pa. Parang good boy ang dating! ''Si Zack, single na single," ani Hanz na tinapik-tapik pa ang balikat ng katabing si Zack. Hinawi lang nito ng balikat ang kamay ng kaibigan na ikinatawa muli ng grupo nila at maging ng mga kaibigan ko. ''Tamang-tama pala at single pa ang pinsan ko," nangingiting singit ni Lorren. Pinandilatan ko ito ng mga mata ngunit hindi man lang nasindak sa akin at tinawanan lang ako lalo. ''Uy! Pre! Magkaka love life ka na ulit!'' si Peir. ''Mali pala ang upo ko. Dapat pala magkatabi kayo 'no!" At tumayo agad ito. ''Ulol!'' naiiling na palatak ni Zack, at pabirong sinuntok sa balikat si Peir. Pero tumayo na rin naman at naupo sa tabi ko kung nasaan si Peir kanina. Kalaunan ay nagkapalagayan na ng loob ang mga boys kaya negosyo at mga investments na ang pinag-uusapan ng mga ito. Tahimik lang akong umiinom sa aking baso. Pinakikiramdaman ko ang aking katabi na nakikitawa at sumasagot naman sa tanong ng mga ito pero 'di man lang ako tapunan ng tingin o kahit kausapin. Tatahimik lang ito kapag hindi nakikisali sa usapan at parang malalim lagi ang iniisip habang pinaglalaruan ang yelo sa basong hawak. Napabuga ako ng hangin at napairap sa kawalan dahil walang kwenta ang katabi ko. Kaysa mapanis ang laway ko ay itinuon ko na lang ang pansin sa alak na nasa harap ko. Uminom ako nang uminom at sunud-sunod pa ang pagtungga ko. Nagpaalam na rin ang mga kaibigan namin at nagpaiwan ako dahil nasa unit pa ang lovers. Eleven pa ang duty ng dalawang iyon sa hospital. ''Hey! Stop it!'' Napatingin ako sa katabi ko. Pigil-pigil kasi nito ang kamay kong tutungga na sana ng alak sa basong aking hawak. Hindi pa naman ako lasing. Mataas ang alcohol tolerance ko sa katawan kaya 'di ako agad malalasing. ''Nagsasalita ka pala," nakangisi kong sabi na dinuro pa siya. ''Akala ko bato ka na d'yan, eh!'' Saka tinungga na ang alak sa basong hawak ko. Magsasalin pa sana ako ng alak sa baso nang ilayo niya ang bote. ''You're drunk!" may diing sabi niya. Namumula na yata ang mukha ko kaya akala niya lasing na ako. Napangiti ako ng lihim dahil may naisip na kalokohan sa aking isip. ''Ka-babaeng tao! Ang lakas-lakas uminom!'' bulung-bulong nito. ''Hoy! Narinig ko 'yon, ah!'' singhal ko. ''Sa panahon ngayon wala ng babaeng hindi umiinom. All is equal!" ''Meron!'' he said and then glared at me. Problema ng lalaking 'to? Kung makatingin akala mo nakapatay na ako, ah! ''Sino? At ipakilala mo nga sa akin," hamon ko. ''It's none of your business!'' masungit na sagot niya sa akin. Sinulyapan nito ang suot na relo at tumingin sa gawi nina Peir at Hanz na producer yata ang kausap sa kabilang table. Umuwi na rin kanina pa si Zion na may emergency at naki-sabay na si Jao dahil walang dalang sasakyan. ''It's none of your business." I mocked. ''Girlfriend ba?'' pangungulit ko. ''Ex kaya," nakangisi ko pang dagdag. "H'wag ka nga'ng tsismosa!'' iritang baling nito sa akin. ''Ayan! Uminom ka na lang ng matigil ka! At 'wag mo akong kausapin!'' Taray ni kuya! Natawa ako sa aking sarili. Siguro nga ex ang naalala nito. Affected pa yata kaya nagsusungit. ''Alam mo para kang lalaking nagmi-menopause!'' pang iinis ko. ''Ilang taon ka na ba? Naku! Dapat mag-asawa ka na!'' ''Tss!'' Sabay tayo at iniwan ako sa table. Nakita kong tumayo na rin sa kabilang table sina Hanz at Peir kaya siguro iniwan na rin ako ni menopausal man. Naka-receive na ako ng text galing kay Rico kaya uuwi na rin ako at wala naman na akong gagawin dito. Kanina pa rin nag uwian ang mga kasama ko. Nagpaalam na sina Peir at Hanz sa bagong kasal hindi na lumapit si Zack sa mga ito at naglakad na lang sa gilid. At dahil natutuwa akong inisin siya ay mabilis ko itong sinundan at ipinulupot ang aking mga braso sa kanyang leeg nang mag-over take ako at humarap sa kanya. Lulubus-lubusin ko na ang pang aasar kay menopausal man dahil hindi ko naman na ito makikita bukas. ''What the hell?'' galit na sabi nito at nahinto sa paglakad. ''I'm Sabrina nga pala." Pakilala ko na humagikhik pa na parang lasing para maging kapani-paniwala ang acting ko. Hala si kuya! Nanigas pa yata nang idikit ko ang katawan ko sa kanya. ''Pre, una na ba kami?'' tanong ni Peir na may halong pang aasar. ''Why- no! Wait!'' ''May ihahatid ka pa, eh!'' nakangising anito at tumingin sa akin. ''Anong ihahatid?'' protesta ni Zack, sabay tingin ng masama sa akin. ''Hindi ko nga kilala 'to!'' At pilit na inaalis ang aking braso sa kanyang leeg. ''I said, Sabrina ang pangalan ko. I introduce my self to you, 'di ba?'' Naku! Sab! Anong kagagahan itong ginagawa mo? Patay na talaga ako nito bukas sa mga kaibigan ko dahil sa pagkakalat ko ngayong gabi. ''Anong meron dito?'' tanong ni Kristha nang makalapit sa amin. ''Your friend is drunk!" inis na sabi ni Zack na tiningnan pa ulit ako ng masama na ngitian ko naman ng pagkatamis-tamis. Sumandal pa ako sa dibdib ni Zack na parang napapaso namang inilalayo ang sarili sa akin. Pinandidilatan na ako ni Kristha but I winked at her lang. ''Yeah! Yeah!" ani Kristha na itinaas-taas pa ang dalawang kamay. ''Can I ask you, guys, a favor?'' kunwaring problemadong tanong nito sa tatlo. ''P'wede bang paki-drop by naman ang kaibigan ko sa condo n'ya, please. Kung p'wede lang naman at hindi nakakaabala," pakiusap pa niya. ''Sure! Sure!" si Peir na ang sumagot. ''Don't worry, safe ang friend mo kay Zack." ''Wala naman akong-'' ''Gentelman 'tong kaibigan namin. Kaya 'wag kang mag alala." Peir assured Kristha, while grinning from ear to ear ''Oh! That's nice to hear," sabi ni Kristha na napahinga pa ng maluwag. Ngumiti ito sa akin at inayos pa ang hibla ng buhok kong tumabing sa aking mukha. At saka ako tiningnan ng 'explain this to me tomorrow' look. ''Bye, Kristha. Congrats ulit." Kaway ni Peir nang iwan na kami ng kaibigan ko. ''How about this?'' problemadong tanong ni Zack. ''Kaya mo na 'yan. Malaki ka na," si Peir pa. Tinungo na ang kotse kasunod si Hanz na tatawa-tawa. ''Let's go home na, bebe ko." Maarteng yaya ko na kay Zack. Isang bakol ang mukha ni Zack at gusto na yata akong ihagis sa malayo sa sama ng tingin sa akin. Narinig ko pa ang tawanan nina Hanz at Peir na nasa unahan lang namin. Hindi pa talaga umaalis ang mga loko. ''Bumitaw ka nga! Hindi ako maka lakad!'' singhal niya. Naka nguso akong bumitaw sa leeg ni Zack pero mabilis kong ipinulupot ang aking mga braso sa braso niya. Bumukas ang bintana ng sasakyan ni Hanz. ''Bye, bebe ko," pang aasar pa nito matapos ihinto sa harap namin ang kanyang kotse. ''Gago mo!'' asar na ani Zack ni dito. Tumawa lang ang loko at pinaharurot na ang sasakyan at nawala na sa paningin namin. ''Una na rin ako, pre!'' paalam ni Peir at sumaludo pa kay Zack. ''Ingat pag uwi. Ingat ka, Sab. Nangangagat 'yan," biro pa nito sa akin Humalakhak pa si Peir samantalang si Zack ay masama na ang tingin sa kaibigan. Kotang-kota na yata sa inis at kulang na lang ay bigyan ng kutsilyo dahil mala-chuckie na ang peg. ''Ay! True ba?'' Pakikisakay ko sa biro nito. ''Willing naman akong magpa kagat, eh!" I giggled. ''Will you keep your mouth shut!'' And he glanced at me with his murderer looks. ''Pumasok ka na at baka magbago pa ang isip ko!'' galit pa niyang sabi. ''Galit ka ba?'' Pilit kong pinalambing ang aking boses. ''P'wede namang kay Peir na lang ako sumabay. Hindi yata nangangagat 'yon." Bumungisngis pa ako. Dumaan ang kotse ni Peir sa harap namin at paparahin ko na sana nang hablutin niya ang aking braso. ''Get in!'' sigaw niya sa akin sabay turo sa bukas na pinto sa front seat. ''Nagagalit ka naman, eh!'' may papadyak ko pang sabi. Napa pikit pa ito sa inis at siya na ang nagpasok sa akin sa loob. Isinara ang pinto sa gawi ko at umikot na sa kabila. Napangiti ako dahil sa busangot nitong mukha. Hindi ko talaga alam kung ano ang pumasok sa utak ko at ginagawa ko ito. At may kung ano sa parte kong humihiling na sana ay hindi lang ito ang huling pagkikita namin. Sana may kasunod pa. Sana pagtagpuin ulit kami. Ang weird ng mga iniisip ko. At napapangiti ako habang tinitingnan ko siyang nagmamaneho. Gwapo naman ang menopausal man na ito masungit lang. ''Stop staring at me!'' saway niya. ''Ang gwapo mo kasi." ''I know!' masungit na sagot niya. Nanahimik na lang ako at pangiti-ngiting sinusulyapan siya. Kung hindi kami magkikita. Ako ang gagawa ng paraan para makita ko s'ya. Nakakaloka! First time kong maloka ng ganito. Feeling ko type ko na s'ya!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
138.8K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
79.9K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
181.2K
bc

His Obsession

read
89.9K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
27.9K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
11.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook