“Drink this.” Napatingin si Ruthanya sa lalaking katabi niya na nagmamaneho ng sasakyan. Pagkatapos ay bumaba ang mga mata niya sa kamay nitong may hawak ng tumbler, inaabot nito iyon sa kanya. “Blueberry juice. Inumin mo. Alam kong nauuhaw ka na. Ilang oras pa bago tayo makarating ng Santa Catalina at ayaw mo namang tumigil muna para kumain sa kahit saang restaurant,” anito, ang mga mata ay nasa kalsada. Totoo iyon. Kanina pa ito nag-aalok na huminto muna sila para kumain, ngunit matigas ang pagtanggi niya. Hindi niya gustong makasalo ito sa pagkain. She didn’t even want to look at the face of the father of her children. She didn’t want to remember how deeply in love she was with him. Na isinuko niya ang lahat-lahat dito, pero nabigo pa rin siya. “I am not even thirsty.” Nagulat siya