“Tanny?” “H-ha?” Wala sa loob na napaangat ng mukha si Ruthanya at blangko ang tinging napatitig sa lalaking nakaupo sa harapan niya. Si Frank. Nasa isang mamahalin at prestihiyosong restaurant sila dahil inimbitahan siya nitong kumain sa labas at pinaunlakan naman niya ito. Subalit hindi niya magawang iwasiwas sa utak niya ang mga sinabi sa kanya ni Luther noong huling beses silang nag-usap. Sa dinami-rami naman ng tao sa mundo, bakit si Mrs. Lambert pa ang tunay nitong ina? Ibig sabihin ay totoong apo ni Mrs. Lambert ang mga anak niya? Hindi man siya naalagaan ni Luther at hindi man nito naaruga ang mga bata ay ang ina naman pala nito ang gagawa ng mga iyon para rito. Napabuntong-hininga siya, nanlulumo. Bakit kahit ano'ng gawin niya ay palaging nauuwi ang sanga ng buhay niya sa kung