Nilingon ni Luther si Ruthie nang maramdaman nito na hindi siya gumalaw kahit isang hakbang man lang mula sa kanyang kinatatayuan. Napako ang mga paa niya sa gilid ng sasakyan at ayaw na niyang umalis sa tabi niyon. Gusto niyang tumakbo palayo, pero paano? Kung sana ay may dala siyang sarili niyang kotse. “Ruthie? Pasok tayo sa loob,” anito. Umiling siya, naninikip ang kanyang lalamunan. “I-ihatid mo na lang ako sa Casa Ballete—” He tilted his head, his brows pulled to the center. “Napag-usapan na natin iyan kanina. Ang sabi ko, hindi kita hahayaang mawala na naman sa paningin ko, kaya dito ka lang.” He marched towards her and grabbed her hand. Napakislot pa siya nang maramdaman ang pagsakop ng mainit nitong palad sa kamay niya. “Ayoko nga!” sikmat niya rito. His lazy gaze drilled in