bc

THE CEO'S REJECTED LOVER

book_age18+
12.0K
FOLLOW
192.4K
READ
HE
office/work place
rejected
like
intro-logo
Blurb

"The CEO does not see her as a LOVER. So, he REJECTED her."

Luther Altieri, the amiable and charming CEO, never paid attention to the one woman who had always been in love with him. Ang dalagang tahimik na umaasa sa pagtugon niya sa damdamin nito. At hindi ito minsan man nangahas na ipilit ang pagsinta nito sa kanya dahil alam nitong walang lugar sa puso niya ang bagong pag-ibig.

Para sa kanya, si Ruthanya 'Ruthie' Capili ay isa lang matalik na kaibigan ng babaeng tunay niyang mahal.

But when he was at his most broken state, he agreed to have a relationship with her. Isang relasyon na maikli at kaagad din niyang tinapos nang mapagtanto niyang ibang pangalan pa rin ang sinisigaw ng puso niya.

He rejected Ruthie's love and told her not to wait for him. So, she did just that... she obeyed him.

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
Luther Altieri. Eksperto itong nakasakay sa kabayo nitong si Wind Walker, tuwid na tuwid ang likod habang mahigpit na nakakuyom ang isang kamay sa renda. Bukas ang mga butones ng suot nitong itim na polo kaya kitang-kita ang balisaksakan nitong katawan lalo na sa tuwing umiihip ang malakas na hangin. His masculine shirt couldn’t even hide the strong muscles that ran along on each sides of his torso. Luther rode the horse as if he was a radiant knight and Wind Walker was his war horse. Umaalimbukay pataas ang alikabok sa daang tinatahak ng kabayo, na tila mga kalabang nagpulasan nang makita ang magiting na mandirigma. Napasinghap si Ruthanya ‘Ruthie’ Capili na nakaupo sa loob ng kulay pilak na owner-type-jeep ng kanyang ama, at tahimik na nakatanaw sa binatang si Luther na nakikipagkarera sa kababata nitong si Anemone. Nakaparada ang sasakyan nila sa labas ng merkado, at may binili ang Papa niya sa loob. Alam niyang sa merkado rin papunta sina Luther at Anemone. Napakaganda ni Anemone at napakabait. Kaklase niya ito sa Santa Catalina College (SCC). Nasa unang taon na sila sa kolehiyo at kumukuha ng kursong Education. Mula Tanjay ay permanenteng lumipat ang buong pamilya nila roon nang makakuha ng magandang trabaho sa bangko ng Santa Catalina ang Papa niya. Si Anemone ang pinakauna niyang naging kaibigan sa SCC at ngayon ay itinuturing na niyang matalik na kaibigan. Kaya nakakapanlumo na ang lalaking una at tanging nagpapatibok ng puso niya ay kababata nito. Hindi rin lingid sa lahat na mahal ni Luther si Anemone. Sa unang sayad palang ng mga mata niya sa mukha ni Luther ay naging eratiko na ang pintig ng puso niya. Dalawang taon ang tanda ni Luther sa kanila ni Anemone at nasa ikatlong taon na ito sa kolehiyo. Luther was tall. Almond brown hair. Brown eyes. He’s half-Filipino, half-Italian. Ang ama nitong si Señor Giuseppe ay nagmamay-ari ng napakalawak na lupain sa Santa Catalina. Kilala ang pamilya nito, at walang residente ang hindi nakakakilala sa apelyidong Altieri. May kapatid din si Luther. Kapatid nito sa ama, si Nazaron. Ang pagkakaalam niya ay hindi malapit sa isa’t isa ang magkapatid. Nakita na niya si Nazaron sa litrato. He looked 80% like Luther. Both were well-built and tall. Pero mas gusto niya si Luther. Maybe because Luther was always polite, gentle, and friendly. Nakikita niya kung paano nito alagaan si Anemone at gusto niyang mainggit sa atensyong ibinubuhos nito sa kababata. Si Nazaron naman, batay sa kung paano ito ilarawan ng mga tao, ay madalang ngumiti. Mukha raw itong masungit at palaging seryoso ang mukha. “Ruthie!” tawag sa kanya ni Anemone na nagpaigtad sa kanya. Kinawayan niya ang mga ito at bumaba ng sasakyan. Itinali nina Luther at Anemone ang kabayo ng mga ito sa malapit na punong-kahoy at masiglang lumapit sa kanya. “Ano’ng ginagawa mo rito? Sino ang kasama mo?” “Si Papa. Nasa loob ng merkado, may binili lang. Kayo?” “Diyan kay Aleng Mameng. Nag-ayang kumain ng Bihon Guisado itong si Teryo.” Teryo ang tawag nito minsan kay Luther. Tanging ito lang ang tumatawag ng ganoon sa binata. Aneng naman ang tawag dito ni Luther. “’Di ba, Teryo, ikaw ang gustung-gustong kumain ng Bihon Guisado?” Kinalabit ni Anemone si Luther. Hindi niya napigilan ang sariling tingalain ito. He was taller than her, so she needed to look up to see his face. Wala siyang maipipintas sa mukha ng binata. Para sa kanya ay isa itong tunay na mandirigma na may kapuri-puring tindig at napakaamong mukha. Matangos ang ilong ni Luther na manipis at perpekto ang hugis mula sa tulay niyon hanggang sa pinakadulo ng ilong. Bumagay ang magandang hulma ng ilong nito sa kulay ng mga mata nito at sa natural na mapula nitong mga labi. Luther was the kind of man who’s well aware of his excellent physique, but never use it to collect and play with women. In fact, he had never been involved in dating rumors. Sa kay Anemone lang ito palaging inuugnay. At hindi nito itinatanggi ang damdamin nito para sa kababata. “Tikman mo rin ang Bihon Guisado ni Aleng Mameng, Ruthie,” sambit ni Luther. Lihim siyang nanlumo. Hindi siya mahilig sa Bihon Guisado. Gayunman ay pinilit niya pa ring pasiglahin ang boses. “Oo ba, pero baka sa sunod na lang naming punta ni Papa rito. Marami pa kasi kaming pupuntahan pagkatapos dito kaya hindi puwede ngayon.” “Sayang naman.” Tipid na ngumiti si Luther, at tumingin na uli ito kay Anemone. Lihim siyang napabuntong-hininga. Hindi na niya mabilang kung ilang daang ulit na ba niyang nahiling na sana ay siya na lang si Anemone. But she couldn’t be greedy, could she? Hindi niya puwedeng kunin ang hindi naman sa kanya. Kaya ang tanging magagawa niya lang ay ang ibulong sa hangin ang mithiin ng kanyang pusong sawi. _____ PABILING-BILING sa kama si Ruthie. Kahit ano ang gawin niya ay hindi siya dalawin ng antok, dahil lang nakita na naman niya ang binatang nagpapasikdo sa dibdib niya. Luther… He was older than her. Popular. Wealthy. And his heart was loyal to Anemone. Napakahirap nitong abutin, pero bakit ayaw sumuko ng puso niya? Napaupo siya at naihilamos ang mga palad sa mukha. Mayamaya ay tahimik niyang minasdan ang liwanag ng buwan mula sa nakabukas na bintanang capiz. Kasabay niyon ay ang pagdaloy ng alaala noong araw na una niyang nasilayan ang binata… Pumarada ang kulay pilak na owner-type jeep sa tapat ng mataas na gate ng Santa Catalina College at bumaba ang dalagang si Ruthanya. Humigpit ang pagkakahawak niya sa strap ng bag na nakasukbit sa manipis niyang balikat at nagpakawala ng malalim na paghinga. Iyon ang unang araw niya sa eskuwelahang iyon, at ang unang taon niya rin sa kolehiyo. Wala siyang kakilala at wala pang kaibigan. “Ruthanya, anak!” tawag ng ama niya na nagpalingon sa kanya. “Huwag kang mahihiyang makipagkaibigan sa mga kaklase mo, ha.” Her father was an adorable man. Short, stout, like a tea pot, but with a huge heart. Masayahin din ang ama niya at palaging nakangiti. At hindi siya nagmana rito. Matangkad siya at balingkinitan. Tipid siyang ngumiti at marahang tumango sa amang si Rodante bago tuluyang naglakad papasok ng SCC. Maaga pa kaya kakaunti palang ang estudyante at hindi rin maganda ang panahon. Habang naglalakad ay hindi niya napigilan ang sariling tingalain ang bumibigat na mga ulap sa kalangitan. Dahil sa ginawa niya ay hindi niya nakita ang kuwadradong rehas na bakal na nagsisilbing pinakatakip ng paagusan ng tubig. Nahulog ang takong ng kaliwang sapatos niya sa butas na nasa pagitan ng mga bakal. Pilit niyang iginalaw ang sapatos at hinatak pataas, subalit hindi niya iyon maalis sa butas. Napalingap siya sa paligid, nagsimula nang mawalan ng kulay ang mukha niya. At ang masama pa ay nagsimula nang pumatak ang ulan! Hindi na niya alam kung ano ba ang dapat niyang gawin. Iiwan ba niya ang sapatos d’un o— Naputol ang pagdaloy ng mga isipin sa utak niya nang bigla na lamang umangat ang manipis niyang katawan at may malalakas na bisig ang pumangko sa kanya. Unang dumako ang tingin niya sa naiwan niyang sapatos, bago sa mukha ng estrangherong bumuhat sa kanya. Nang mamalas niya ang mukha ng estranghero ay saglit niyang nakalimutan kung paano ang huminga. Ang mukha ng lalaking pumangko sa kanya ay napakaamo. He was wearing the uniform of SCC, so he should be a student, too. He was so handsome with finely chiseled features. Strong and sharp jawline. The nose looked like it was carefully shaped by a chisel, giving it the sharp tip and a high bridge. His lips had more color than a fresh cherry. Smooth skin. And the man was very tall. “Are you okay, Miss?” Gumapang ang kuryente sa likod niya nang marinig ang buo at lalaking-lalaki nitong boses. Tinitigan siya ng lalaki sa mga mata at tila nalunod siya sa kulay ng mga iyon. “Miss?” Napakurap-kurap siya. “H-ha?” “Are you okay?” “Ha? Ah, oo!” Namula ang mga pisngi niya at nag-iwas siya ng tingin. Pakiramdam niya ay nagmumukha siyang tanga sa harapan nito. Ibinaba siya ng binata sa gilid, sa bahaging may bubong na, para hindi siya mabasa ng ulan. Tapos ay binalikan nito ang sapatos niya, hindi alintana kung nababasa na ito ng ulan, at kinuha iyon. “Here’s your shoe.” “S-salamat.” Aminado siyang kinikilig siya. Aabutin na dapat niya ang sapatos, subalit nauna itong yumukod at isinuot sa paa niya ang sapatos. To say that her spine had been electrocuted when his skin touched hers would be an understatement. Tumuwid ito at ngumiti sa kanya. He shouldn’t have done that. He shouldn’t have smiled at her. Because it made her heart pound more in her chest. Tumingala siya rito at tumingin sa mga mata nito. Gusto niyang itanong kung ano ba ang pangalan nito, pero nahihiya siya. Disimulado niyang natutop ang dibdib. Ngayon lang siya nakadama nang ganito para sa lalaki. “Ahm, ano… uhh…” Nag-iipon pa siya ng lakas ng loob para maitanong ang pangalan nito pero… “Sige, I’ll go ahead. Enjoy your day!” Mabilis na itong nagpaalam at hindi man lang lumingon sa kanya. Pero ang puso niya hindi na bumalik sa normal ang pagtibok. Muli siyang napatingin sa sapatos at matamis na napangiti. For a brief magical moment there, she felt like she was Cinderella.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Belles and Saints 1: RAVISHED R-18

read
48.6K
bc

The Sex Web

read
151.5K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
142.3K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
14.6K
bc

THE BILLIONAIRE'S AMNESIA (COMPLETED)

read
95.1K
bc

NANNY FOR THE BILLIONAIRE'S TWINS

read
69.8K
bc

Escaping My Mafia Boss Fiance

read
38.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook