“Tinatapos ko na ang relasyon natin, Ruth. May mga bagay akong kailangang ayusin sa ngayon at ayokong paghintayin ka habang ginagawa ko ang mga iyon.” Magkatabi silang nakatayo sa talampas at nakatanaw sa malawak na karagatan sa ibaba. Bumaling sa kanya ang dalaga, tumingin ito sa mga mata niya. Walang kislap ng buhay ang mga mata nitong iyon. “Dahil kay Ane ba?” Hindi siya umimik. Sinubukan niyang abutin ang kamay nito, pero bago pa man niya magawa iyon ay umiwas na ito at pinagsalikop ang mga kamay nito. “P-pasensya na kung itinanggi ko ang relasyon natin sa harapan ni Aneng. Magulo kasi ang isipan niya ngayon ay ayoko sanang pati sa akin ay ilayo niya ang loob niya, lalo na ngayon.” Kumuyom ang mga kamao niya nang maalala ang mukha ng kanyang kababata. Wala ng ginawa ang kapatid niy