Matapang na sinalubong ni Ruthanya ang matitiim na titig sa kanya ni Luther. While the man subtly swayed his chair back and forth, his eyes were focused on her but they held a glint of amusement in them. Tila ito napapantastikuhan sa nakikitang masidhing ekspresyon sa kanyang magandang mukha. “I will only be staying in this office until today." Napansin nga niyang wala na itong mga personal na gamit sa opisina nito. Kahit na ang name plate sa lamesa ay pinatanggal na rin nito. "Are you done with your endorsements?” tanong nito, nakataas ang magkabilang kilay. “Nagpunta lang ako rito para sabihing hindi ako sasama sa iyo sa Santa Catalina,” buo ang loob niyang sambulat. Alam niyang ang ginagawa niyang ito ngayon ay tahasang pagsalungat sa kahilingan ni Mrs. Lambert, subalit hindi niya m