CHAPTER 5

2068 Words
Santa Catalina College Sports Fest. Mag-isang naglalakad si Ruthie, tinatahak ang daan palabas ng SCC. Nakasukbit sa isang balikat niya ang kanyang bag at kipkip niya sa isang kamay ang mga librong hiniram niya sa library. Maaga siyang uuwi dahil wala naman na siyang gagawin sa eskuwelahan nang araw na iyon. Nasa main gate na siya nang makasalubong niya si Anemone na papasok palang. Ang akala niya ay mas nauna pa itong umuwi sa kanya. "Anemone? May nakalimutan ka?" Umiling ito. "Wala. Bumalik talaga ako. Ngayon ang basketball competition, hindi ba? Samahan mo ako. Panoorin natin si Luther." Awtomatiko ang paglukso ng puso niya nang sambitin ng kaibigan ang pangalan ng binata. Magalang siyang tumanggi sa imbitasyon nito. Bakit niya ito panonoorin? Para lalo lang lumalim ang paghanga niya para rito? Luther was not an ordinary member of the basketball team; he was the star player. Ang kuwento nga sa kanya ng ibang estudyante ay kada taon nagkukumpulan ang mga kadalagahan sa coliseum para lang makita ito. "Hay, ano ka ba? Kaibigan natin si Luther. Tayo ang pinakamalapit sa kanya, kaya kailangan ay suportahan natin siya." "Marami naman nang nagbibigay ng suporta sa kanya, at nandiyan ka naman, hindi na ako kailangan d'un." Pinukol siya ng nagsususpetsang tingin ni Anemone. Naasiwa siya at nag-iwas ng tingin. "Tapatin mo nga ako, Ruthie, nag-away ba kayo ni Luther?" "H-ha? Hindi, ah!" Tumaas ang kilay nito. "Kung hindi kayo nag-away, bakit pakiramdam ko ay iniiwasan mo siya?" Napahugot siya ng hangin at mariing nakagat ang ibabang labi. Alam niyang hindi siya titigilan ni Anemone hanggang hindi siya sumasama rito. Bago pa ito makabuo ng kung anu-anong konklusyon ay tumango na siya. "Sige na, sasama na ako matahimik ka lang." Matamis itong ngumiti at hinawakan siya sa kamay saka hinatak patungong coliseum. Napansin niya agad ang mga nagtitilihang kababaehan kay Luther. Dumako sa binata ang tingin niya at napailing siya nang makitang wala itong pakialam sa atensyong ibinubuhos dito ng mga tao. His eyes never left the ball, and his mind was fixed on one thing—winning the game. "Dito tayo, Ruthie," tawag sa kanya ni Anemone. Naupo sila sa pinakaunang hanay sa gilid ng court. Inireserba na marahil ni Luther para sa kanila ang puwestong iyon. Tahimik siyang naupo at pinagmasdan si Luther habang naglalaro ito sa gitna ng court. He really was a star player. He held and dribbled the ball with admirable grace. Her gaze fell onto his hands. They were huge and fair and the veins that ran at the back of his hands to his forearms looked really sexy and very masculine. Paano kaya kung humaplos ang mga kamay na iyon sa katawan niya? Namilog ang kanyang mga mata sa naisip. Ipinilig niya ang ulo. Pagkatapos ng basketball game ay in-anunsyong panalo ang grupo nila Luther. Agad na nagsilapitan dito ang mga estudyanteng babae, umaasang makukuha ang interes ng binata. Luther only smiled politely to each one of them. May mga nag-abot pa ng regalo rito na magalang na nitong tinanggihan. Napabuntong-hininga siya at bumaling sa katabi. "Ane, mauuna na ako, baka hinahanap na ako sa bahay." "Tinawagan ko na kanina si Tiyo Rodante. Ipinagpaalam na kita. Kakain tayo sa labas, libre ni Luther." Wala siyang maapuhap sabihin. Pinag-iisipan palang niya kung ano ang idadahilan para huwag siyang mapilitang sumama sa mga ito, subalit nakalapit na agad si Luther sa tabi niya. "Let's go?" Nakangiti ito sa kanila ni Anemone. Nakabihis na rin ito at sukbit na sa balikat ang gym bag. "Ano kasi, uhm—" Napasinghap siya nang biglang matiim na tumitig sa kanya ang binata. "Huwag mong sabihing hindi ka sasama?" Disimulado niyang naikuyom ang mga kamay sapagkat tila tinambol ang dibdib niya dahil lang sa mga titig nito. Napatingin siya sa mga taong nasa paligid nila at nagulat pa siya nang makitang maraming mga mata ang nakatitig sa kanila, lalo na ang mga mata ng mga kababaehang kanina lang ay nag-aabot ng regalo kay Luther. Inirapan pa siya ng ilan sa mga ito. Sa huli ay wala rin siyang nagawa kundi ang sumama kina Luther at Anemone. _____ HINDI rin natuloy ang plano nilang kumain sa labas, dahil hindi pa man sila nakakaalis ng coliseum ay naharang na sila ng mga teammates ni Luther at inanyayahan itong sumama sa after party. Nahiya nang tumanggi ang binata lalo na at hinirang pa man din itong MVP, kaya sa halip na kumain sa labas ay inimbita na lang sila nitong sumama sa nag-iisang bar sa kanilang lugar na hindi gaanong kalayuan mula sa SCC. Pagkapasok niya sa loob ng bar ay naiharang niya agad ang isang kamay sa tapat ng mga mata. Nagulat siya sa mga nagsasayawang ilaw sa loob niyon na paiba-iba pa ang kulay. Kinalabit niya si Anemone. "Ane, puwede ba tayo rito? Hindi ba bawal ang wala pa sa legal na edad sa mga ganitong lugar?" Inginuso ni Anemone si Luther na kasalukuyang kausap ang may-ari ng naturang bar. Napakislot pa siya nang biglang lumingon sa direksyon nila ang dalawa at itinuro sila ni Luther sa kausap nito na tumango naman nang makita sila. Mayamaya lang ay lumapit na sa kanila ang binata. Hindi nakaligtas sa mga mata ni Ruthie ang ginawang paghawak ni Luther sa kamay ni Anemone. Mabilis na lamang siyang nag-iwas ng tingin. "May basbas na ni Ninong ang pagpasok n'yo rito," anito. "Basta raw ay babantayan ko kayong maigi at baka kung mapaano kayo rito." Sabay silang tumango ni Anemone at sumama kay Luther patungo sa isang bakanteng mesa. Nag-order ito ng orange juice para sa kanilang dalawa ni Anemone. Hindi naglipat minuto ay lumapit na sa puwesto nila ang mga ka-grupo ni Luther sa basketball. Humingi ang mga ito ng permiso na doon na rin maupo sa mesa nila. Pumayag naman ang binata, subalit sinigurado nitong walang ibang puwedeng maupo sa tabi ni Anemone. Ang posisyon nila ay si Luther ang nakaupo sa pinakadulo, napapagitnaan nila si Anemone, at sa tabi niya ay ang kaibigan na ni Luther. Her chest hurt, because it was clear that Luther will only protect one woman. Si Anemone iyon. Wala sa loob na inabot niya ang baso ng orange juice at inisang lagok ang laman niyon. Bahagya siyang napaigik nang gumuhit ang mapait na lasa ng matapang na likido sa kanyang lalamunan. Ano ba iyong nainom niya? Napasipol ang lalaking nakaupo sa kanan niya. "Whoa, and here I thought you couldn't drink." "Nagkakamali ka." Alkohol ba ang nainom niya? Kung oo, kaninong inumin iyon? Sa lalaking katabi ba niya? "Ito pa, kulang iyang isang baso lang," giit nito. Iiling na sana siya kung hindi lang biglang napabaling ang tingin niya kay Luther. Malambing nitong nilagyan ng onion rings ang maliit na platito at inabot kay Anemone. Ngumiti naman ang huli at maganang isinubo ang pagkain. Napabuga siya ng hangin nang maramdaman ang pait sa kanyang dibdib. Not once did Luther look at her direction ever since they got inside the bar. Bakit ba siya inimbitahan nitong sumama sa mga ito? Para maging palamuti lang? O para sumama rin dito si Anemone? Iniisip ba nitong kung hindi siya sasama ay hindi rin sasama rito si Anemone? Pinukol niya ng tingin ang baso ng alkohol na inaabot sa kanya kanina ng katabi, at walang pagdadalawang-isip na inubos ang laman niyon. Gustung-gusto niyang makalimutan ang damdamin niya para kay Luther. Kung iinom ba siya at malalasing ay makakalimutan niya ito kahit panandalian lang? Hindi na niya namalayang naparami na pala ang naimon niyang alak. Napansin niya lang na nakangisi na ang katabi niyang lalaki at nakasampay na ang kaliwa nitong braso sa balikat niya. "Masyado nang masikip dito sa bar, gusto mo bang sumama sa akin sa ibang lugar?" bulong nito sa kanya. Kumurap lang siya, subalit nanatiling tikom ang kanyang mga labi. Sa totoo lang ay hindi na maiproseso ng utak niya ang mga sinasabi nito sa kanya. "Halika na." Tumayo ito, sabay hawak sa isang siko niya upang maitayo rin siya. Subalit hindi pa man nito nagagawang humakbang ay may malaking pigura na ang humila sa kanya palayo sa lalaki. Iniharang ng pigura ang katawan nito sa kanya para hindi siya mahawakan ng pangahas. Sa kabila ng nanlalabong mga mata dala ng sobrang kalasingan ay pilit niya pa ring inaninag ang mukha ng pigura. Luther? "What the hell are you doing, Mike?" Malagom at puno ng galit ang boses ni Luther. His expression was grim, the one worn by those who are about to murder another person. Matalim ang kislap sa mga mata nito at nagngangalit ang mga ngipin. Itinulak nito ang tinawag na Mike na kaagad sumubsob sa malamig na baldosa. "Ano ang nangyari, Ruthie?" Si Anemone. Hawak siya nito sa kamay at inaalalayan. "Alam mong para ko ng kapatid iyang si Ruthie, tapos pakikialaman mo? Ang lakas din naman ng loob mo, ano?" Si Luther kay Mike. Itinaas ni Mike ang dalawang kamay, simbolo na wala itong planong lumaban. "Hey, relax. Pasensya na! Nakainom lang ako." "Isa pa iyan! Disi-siyete lang iyang si Ruthie, pero nilasing mo pa rin!" "For the record, I didn't push her to drink. Siya ang inom nang inom ng alak." Kinuha nito ang dalang varsity jacket at lumabas na ng bar. Hahabulin pa sana ito ni Luther subalit pinigilan na ito ni Anemone. Inalalayan na lamang siya ng dalawa. Pagkalabas na pagkalabas ng bar ay nagsuka agad siya sa isang tabi. "Bibili lang ako ng tubig diyan sa malapit na convenience store. Dito ka lang, bantayan mo iyang kaibigan ko," bilin ni Anemone kay Luther. Tumango ang binata. Nang silang dalawa na lang ay hinayon niya ng tingin ang lalaki bago ito matiim na tinitigan sa mga mata. "What's wrong, Ruthie?" Kumuyom ang kamay niya sa manggas ng T-shirt nito. "What's wrong? Ikaw. Ikaw, Luther, ang tanging hindi tama sa buhay ko!" bulalas niya. Kung ang impluwensya ng alak ang nagbigay sa kanya ng lakas ng loob ay hindi na niya alam. Nangunot ang noo nito. "Lasing ka nga--" "Gusto kita. Matagal na," matapang niyang pagtatapat. It really must be the alcohol, but at her current state, she felt like everything was possible. She had even summoned the courage to confess her feelings to Luther. Natigilan ang binata. Bakas ang labis na pagkagulat sa mukha nito. Then slowly he pulled away from her. Humapdi ang lalamunan niya dahil sa naging reaksyon ng binata sa ikinumpisal niya rito. He didn't look happy. He didn't even look the slightest bit conflicted. He looked like someone who was thinking of a subtle way to reject a woman's confession. "Please, Luther, do not reject me so easily. Pag-isipan mo naman muna. Baka puwede naman, 'di ba?" "Ruthie..." "Hindi mo naman mapapantayan sa puso ni Anemone si Nazaron, kaya bakit hindi mo na lang ibaling sa akin ang damdamin mo para sa kanya?" Alam niya kung gaano kamahal ni Anemone si Nazaron dahil nagkukuwento sa kanya ang kaibigan. Katulad niya na walang mapaglugaran sa puso ni Luther, batid niyang wala rin itong lulugaran sa puso ni Anemone. At bukod sa sakit na dala ng pag-ibig niya para ritong walang katumbas, ay mas nasasaktan siya para rito dahil sa walang katugon nitong pagmamahal kay Anemone. She wanted to make him happy. Sa pagkakabanggit niya sa pangalan ni Nazaron ay nagdilim ang mukha ni Luther. Tuluyan na itong dumistansya sa kanya at tumuwid ng tayo. "I've always thought of you as a sensible person, Ruthie, but turns out you're just like those women flocking around me. Nakipagkaibigan ka ba kay Anemone para lang mapalapit sa akin?" "Alam mong hindi, Luther. Totoong mahalaga sa akin si Anemone." "Pero gusto mong mabaling sa iyo ang interes ko?" He held her gaze, his eyes were cold and piercing. "Makinig ka, Ruthie... si Anemone lang ang mahal ko. At kung totoong kaibigan ang tingin mo kay Ane, sana ay huwag mong agawin sa kanya ang atensyon ko dahil alam mong ako na lang ang mayroon siya." Naikuyom niya ang mga kamay sa tapat ng dibdib. Masakit na masakit iyon. Kada pintig ay tila patalim na ini-uunday sa dibdib niya. "Kaya mo na ba ang sarili mo?" malamig nitong tanong sa kanya. Matamlay siyang tumango. "Ayokong makarating kay Ane ang ipinagtapat mo sa akin ngayon." Mapait siyang ngumiti at tumitig sa mga mata ni Luther. "Makakaasa ka. Walang makakaalam na nagtapat ako sa iyo ng damdamin." Nobody will ever know how Luther had coldly rejected her.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD