"Nag-away ba kayo ni Ruthie?" tanong ni Anemone kay Luther.
Napahinto sa paghakbang ang binata dahil sa tanong na iyon. Kalalabas lang nila ng SCC at nasa tapat palang ng gate. Bumaling siya sa katabi at tinitigan ito. "Mukha ba kaming hindi magkasundo?"
Kumunot ang noo ni Anemone. "Hindi mo itinanggi, Teryo, ibig sabihin ay nag-away nga kayo. Ano'ng nangyari?"
Tuluyan nang pumihit paharap sa kanya ang dalaga. Naniningkit ang mga mata nito sa kanya na wari'y nagsasabi na huwag na huwag niyang susubukang magsinungaling.
"We had a small argument, that's all. Magkakaayos din kami."
"Makikipag-ayos ka sa kanya," pagtatama ni Ane.
He forced a sluggish smile on his face, then nodded his head. "Of course, if that's what you want."
Napabuntong-hininga ang dalaga. "Tayong tatlo na nga lang ang madalas magkasama, pagkatapos ay magkakasamaan pa kayo ng loob, hindi puwede iyon. Ano ba kasi ang pinag-awayan n'yo talaga?"
Tinitigan niya ang kababata. Anemone was so pure and innocent, and he wanted nothing more in this life than to make this woman his. Mula pagkabata ay pinangarap na niyang makasama habambuhay si Aneng. Inaasam niyang buksan nito ang puso sa kanya.
Of course, he wasn't unaware of the fact that there're several women who wanted to get his attention. Minsan ay may mga numerong hindi naka-rehistro sa contact list niya na bigla na lamang tumatawag sa kanya. May mga pagkakataon din na nakakatanggap siya ng regalo, na madalas ay magalang niyang tinatanggihan. Because he didn't want them to waste their money, time, and effort on him, especially that he would never feel anything for them. In his heart, there's only one woman.
At ang dalagang iniingatan niya sa kanyang puso ay nasa harapan niya ngayon at inuutusan siyang makipag-ayos sa kaibigan nito. Hinawakan niya ito sa magkabilang balikat, maamo ang mga titig niya rito at may pagsuyo nang magsalita, "Ane, kung ano man ang pinag-awayan namin ni Ruthie, sa amin na lang iyon at aayusin namin iyong dalawa. Kaya huwag ka nang mag-alala." He gently pinched the tip of her nose then smiled warmly at her.
Nasa ganoon silang ayos ng kababata nang sa gilid ng kanyang mga mata ay nahagip niya ang isang pigura. Sabay pa silang napalingon ni Anemone sa pigurang iyon. Nakatayo ito ilang hakbang mula sa kinaroroonan nila at tila napako na sa kinatatayuan.
"Ruthie!" magiliw na sambit ni Ane.
Alanganing ngumiti ang dalaga, hindi rin ito nangahas na tapunan siya ng tingin. Ginawa nito ang lahat para lang maiiwas ang mga mata sa kanya. That somehow drew out a negative emotion in him. He couldn't tell if he was annoyed or displeased by her determination to not glance at his direction.
"Saan ka ba nagsususuot nitong huling mga araw? Hindi ka na namin nakakasamang kumain sa cafeteria. Hindi ka na rin namin nakakasama sa pag-uwi. Pinagtataguan mo yata kami, eh?"
Sa kabila ng pagngiti ni Ruthie ay malinaw niyang nababasa ang pagkaasiwa nito, at hindi nakaligtas sa kanya ang paghigpit ng hawak nito sa dalang paper bag. "Bakit ko naman kayo pagtataguan?"
"Huwag ka nang magkaila, Ruthie, sinabi na ni Luther."
Sa sinabing iyon ni Anemone ay marahas na napatingin sa kanya ang dalaga. May pagkataranta sa mga mata nito. "A-ano'ng sinabi niya sa iyo?" tanong nito kay Ane kapagkuwan.
"Na nag-away nga raw kayo. Pero ayaw naman sabihin kung ano ang eksaktong dahilan ng pinag-awayan n'yo."
Kitang-kita niya ang pagbuga ng hangin ni Ruthie na tila nakahinga ito nang maayos. Ano ba ang iniisip nitong sinabi niya kay Anemone? Ang tungkol sa pagtatapat nito ng damdamin sa kanya? Hinding-hindi niya ipapaalam kay Anemone iyon. Kilala niya ang kababata. Alam niyang oras na malaman nitong may pagtingin si Ruthie sa kanya ay gagawin nito ang lahat upang mapalapit sila sa isa't isa.
"I told her that we argued over something petty. Maaayos naman natin iyon, 'di ba?"
"Ah, oo naman!" Nagbawi ito ng tingin na tila ba isang kasalanan kung patuloy na maghuhugpong ang kanilang mga mata. Ngumiti ito kay Anemone. "Mapag-uusapan naman namin ni Luther iyong tungkol sa maliit na bagay na pinag-awayan namin."
"Talaga ba?"
Tumango ito.
"Ane, I think we should go. It's getting late already," yakag niya sa kababata. Ayaw na niyang palawigin pa ang pag-uusap ng dalawa sa harapan niya. Not that he hated Ruthie, but it was for the best. He didn't want to hurt her more. Sa maniwala man ito o hindi, naiintindihan niya ito. And he wasn't lying when he said that Ruthie was like a sister to him. So, he didn't want to cause her more pain. Kung sana ay kaya niya lang itong utusan na magmahal na lamang ng iba.
Nang ikumpisal nito ang damdamin sa kanya, hindi naging maganda ang pagtugon niya rito dahil sumagi sa isipan niya na baka ginamit nito si Anemone para lang makalapit sa kanya. Ngayong napag-isipan na niya ang mga nangyari ay napagtanto niyang hindi tama ang naging reaksyon niya. Kakausapin niya ito sa ibang pagkakataon. He needed to apologize to her.
"Ikaw, Ruthie, saan ka ba papunta sana? Baka gabihin ka sa daan. Sumabay ka na kaya sa amin ni Luther?"
Umiling ito. "Hindi na. May pinatahing sirang uniporme si Ginang Florentino sa Mama ko. Nandito ako para iabot na iyon kay Ginang Florentino. Huwag na kayong mag-alala dahil susunduin naman ako ng Papa ko rito. Palabas na iyon ng bangko at mayamaya lang ay nandito na."
Minasdan niyang maigi si Ruthie. There was something about her eyes that made him want to stay. They were lonely, and the false delight in her eyes that she was trying so hard to show did not even reach her eyes.
"Ruthie," sambit niya sa pangalan nito.
Mabagal itong nagpaling ng tingin sa direksyon niya. He knew she was scared to look him in the eye. But she has nothing left to hide anymore. Alam naman na niya ang lihim nitong damdamin para sa kanya.
"Ihahatid ko lang si Ane sa Villa. I'll be back. If by seven o'clock and you're still here, I'll bring you home."
"H-hindi na—"
"I insist. Kailangan rin kitang makausap."
Hindi na ito nakaimik pa. Nakamata lang ito sa kanya bago dahan-dahang tumango.
_____
"PA, NASAAN ka na ba?" hindi niya mapakaling tanong sa Papa niya sa telepono. Nasa bangko pa rin ito at may tinatapos pang trabaho. Limang minuto na lang ay alas siyete na ng gabi at ayaw sana niyang abutan ng ganoong oras sa lugar na iyon. Ayaw niyang makaharap si Luther. Ayaw niya itong makausap. Hindi pa handa ang puso niya.
"Naku, may problema ba at para kang hindi mapakali riyan? Sandali nga't tatawagan ko na lang iyong kaibigan mong si Luther at ipapasundo kita riyan, hindi nga naman ako mapapanatag kung mag-isa ka lang uuwi sa ganitong oras."
"Pa! Huwag na! Kaya ko namang umuwing mag-isa—"
"Ruthie?"
Nanigas ang likod niya at humigpit ang pagkakahawak niya sa aparato. Kilala niya ang boses na iyon. Mariin na lamang siyang napapikit. "Pa, nandito na si Luther."
"Mabuti! Magpahatid ka sa kanya, ha. Ipaabot mo na rin ang pasasalamat ko sa kanya."
"Sige, Pa. Mag-ingat ka rin sa pag-uwi mo mamaya." Kahit kausap pa niya ang ama sa kabilang linya ay nagsisimula nang tumahip ang dibdib niya. She wanted the call to never end, but the beeping sound of the disconnected call rang out from the other line. Ibinaba na ng papa niya ang telepono.
"May kausap ka pa ba sa telepono?" tanong sa kanya ni Luther nang mapuna nitong wala na siyang kausap sa kabilang linya.
Mabilis niyang isinuksok sa bulsa ng pantalon ang cellphone. "Ano ang pag-uusapan natin?"
"Gusto mo bang maupo muna?"
"Hindi na!" maagap niyang pagsalungat. Sana ay sabihin na lang nito kung ano man iyong gusto nitong sabihin nang makaalis na siya at matahimik na ang nagririgodon niyang puso. "Dito na lang tayo mag-usap, wala naman nang tao rito sa tapat ng SCC."
Lumingap ito sa paligid. Totoo ngang sila na lamang ang naroroon. Nakatayo sila sa ilalim ng poste ng ilaw. Mabuti na rin at maliwanag ang bilog na buwan nang gabing iyon at mapipintog ang mga bituin sa kalangitan. Pero dahil doon ay malinaw niyang namamasdan ang mahusay na pagkakahulma sa mukha ng binata.
Even at night, under the moonlight and the light post, he still shone the brightest.
Tumikhim ito. "Gusto ko sanang humingi ng dispensa sa mga nasabi ko sa iyo nang nakaraan."
"Ano ang ibig mong sabihin?"
"I was really rude to you, wasn't I? Alam kong nasaktan kita."
Natameme siya. Napatingala siya sa mukha ni Luther. There was that tiny, unsure, and miserable smile on his lips because he really was sorry. Gusto niyang maiyak. Kung sana ay sigawan na lang siya nito o batuhin ng mga masasakit na salita, mas mamarapatin pa niya iyon. Sa ganoong paraan ay baka mas maging madali sa kanya ang kalimutan ito. Pero kung ganitong mapagkumbaba ito at taos-pusong humihingi ng tawad sa kanya, paano pa ito kamumuhian ng puso niya?
"K-kalimutan na natin iyon, Luther."
Tumango ito bilang pagsang-ayon. "But I would like to let you know that I will have to put distance between us... to protect you... from getting hurt more. Hindi na siguro natin maibabalik ang kagaya ng dati na sobrang lapit natin sa isa't isa. I know there is no other way than to keep myself away from you."
Napabuntong-hininga siya at pinuno ng hangin ang dibdib. Tila may malaking kamay ang dumaklot sa puso niya. Her chest hurt so bad that she wanted to just stop breathing. Pero tama naman si Luther. Kung nasa malapit ito ay patuloy lang siyang masasaktan. Lalo na at alam niyang hindi nito lalayuan si Anemone at patuloy nitong mamahalin ang dalaga.
"Nauunawaan ko, Luther."