CHAPTER 23

1650 Words

“Umalis na pala ng Santa Catalina si Ruthie.” Nahinto sa ere ang akmang pag-inom ni Luther ng tubig nang marinig ang tinuran ni Anemone. Tila may malamig na kuryenteng dumulas mula sa batok niya pababa sa kanyang gulugod. Nasa komedor sila at katatapos lang maghapunan ng ama niyang si Señor Giuseppe at ng asawa nitong si Eutropia. Nagpaalam agad ang dalawa at pumasok na sa pribadong silid ng mga ito, inutusan ang kasambahay na ihatid na lang ang tsaa sa kuwarto. Naibaba niya ang baso at marahas na napatingin kay Aneng, kulang ang sabihing nagulat siya. He felt his gut twisting unpleasantly. “Umalis si Ruthie?” “Oo, hindi ba nagpaalam sa iyo? Akala ko nga alam mo na kasi madalas naman kayong magkasama.” “Kanino mo narinig iyan?” Tumigas ang tono ng boses niya. Mabuti na lang at tila hi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD