Kumuyom ang mga kamao ni Luther nang sa ikalawang beses nilang pagtungong Maynila ni Anemone ay hindi niya pa rin natutunton ang kinaroroonan ni Ruthanya. Although he was sure that she wouldn’t take his calls, he still kept on trying to contact her, and kept on sending her messages. Kahit na alam na niyang nagpalit na marahil ito ng numero. Nagbabakasakali pa rin siya na isang araw ay tanggapin nito ang tawag niya at muli niyang marining ang boses nito. Ngayon ay nasa harapan sila ng condo unit ni Nazaron at naghihintay na buksan man lang nito ang pinto. Napatingin siya sa kababatang nakatayo sa kanyang tabi. Naaawa siya rito, pero maliban doon ay wala na ang masidhing damdamin na inuukol niya para rito noon, iba na ngayon. Ruthie... Napaungol siya at napisil ang tulay ng ilong sa pagit