Hindi mapakali si Ruthie at naging mailap sa kanya ang antok. Kanina pa niya ipinipikit ang mga mata, subalit hindi pa rin siya makatulog. Lalo na at nasa katabing silid lang ang lalaking ama ng kanyang mga anak. Inis siyang bumangon at isinabunot sa buhok ang magkabilang kamay. “Bakit ba ayaw mong matulog?” pasikmat niyang tanong sa sarili. Ang dami kasing tumatakbo sa loob ng utak niya na hindi niya mapalis-palis at sa tuwing ipipikit niya ang mga mata ay bumabalik lang sa gunita niya ang mga nangyari kanina. Bumaba siya ng kama at ibinalot ng roba ang suot niyang pantulog saka siya humakbang patungo sa kanugnog na terasa ng kanyang silid. Nakapaa lang siya at hindi na nag-abalang magsuot pa ng tsinelas, dahil masarap sa talampakan ang temperatura ng kahoy na sahig. Napahinto siya sa