“Can I borrow your phone real quick?” Mula sa kinakaing palabok ay nag-angat ng mukha si Ruthie nang marinig ang baritonong tinig ng nobyo at tumitig sa mga mata nito. Nasa canteen sila at sinamahan siya nitong kumain. He sat on the other side of the table from her, throwing casual glances at her direction. Para pa rin itong si Luther na kapatid ang turing sa kanya. Kinuha niya ang cellphone mula sa bulsa at inabot sa binata. “Thanks.” Inilabas din nito ang sariling phone. He pressed a few keys on the screen of the two phones before he returned the phone to her. “I saved my number on your contact list, and saved yours to mine.” Nag-init ang pisngi niya, dahil sa umahong kilig mula sa kanyang dibdib. “Ahh, oo nga pala, mabuti na lang naalala mo.” Luther gave her a curt nod then began s