Meet me after class at the parking lot. Napakurap-kurap si Ruthie nang mabasa ang mensahe galing kay Luther. Halos buong araw na silang hindi nagkikita dahil may game ang basketball team ng SCC laban sa ibang eskuwelahan. Kahapon ay nagpunta siya sa kabilang eskuwelahan upang silipin lang saglit ang binata pero patapos na ang game nang dumating siya. Hindi na niya ito nalapitan sapagkat kinuyog na ito ng mga babaeng estudyante mula sa kalabang team. He smiled politely, but she knew that his eyes weren’t really seeing them. Ganoon naman talaga si Luther. Magalang ito kahit na sa mga babaeng hayagang nagpapakita rito ng interes, subalit dahil kilala niya ito… alam niyang ang totoong saloobin nito ay ang dumistansya na sa mga nakapalibot dito. He was nothing like Nazaron. Magkapatid nga