Natapos ang unang taon ni Ruthanya sa kolehiyo at nagawa niyang bawasan ang mga pagkakataong nakakasama niya si Luther. Para hindi na siya kulitin pa ni Anemone ay napilitan siyang magpalista bilang miyembro ng teatro, bagay na matagal ng inuungot sa kanya ni Ginang Florentino. Mabuti na rin iyon upang may dahilan siyang huwag nang sumama pa sa dalawang taong bagaman importante sa kanya ay kailangan na niyang layuan. Para sa ikakapanatag ng loob niya at ni Luther na rin.
Kapag nakikita naman niyang mag-isa si Anemone ay nilalapitan niya ito at kinakausap. May mga pagkakataon pa rin namang nakakasama niya ang dalawa, dahil naipit na siya sa sitwasyon.
Naroroon pa rin ang espesyal niyang damdamin para sa binata, subalit sapat ng silang dalawa lang ni Luther ang nakakaalam ng tungkol sa bagay na iyon. Hindi na iyon dapat pang mabatid ng ibang tao. Lalo na ni Anemone.
Ngayon ay nasa ikalawang taon na siya sa kolehiyo. Kabababa lang niya mula sa owner-type-jeep ng Papa niya nang pumarada sa tabi nila ang bagung-bagong Toyota Vios ni Luther. Nagpanggap siyang hindi nakita ang kotse ng binata at itinuon ang tingin sa unahan, subalit sa gilid ng kanyang mga mata ay nakita niyang umibis ng sasakyan si Luther at umikot patungong passenger's side para mapagbuksan ng pinto si Anemone.
Lihim niyang sinita ang sarili, at ipinako ang mga mata sa nilalakaran. Normal lang ang tulin ng paglalakad niya kaya hindi na nakapagtatakang nasa likuran na niya ang dalawa.
She shut her eyes briefly when she caught a whiff of his deep masculine, and fresh earthy scent. He smelled so good, as usual. Ipinilig niya ang ulo at binilisan ang paghakbang. Gayunman ay hindi niya magawang makalayo nang tuluyan dahil sa makapal na bilang ng mga estudyanteng nasa kanyang harapan. Maybe she just had to endure it for a short while. Anyway, they hadn't noticed her presence yet.
"Hindi mo ba nami-miss si Ruthie?" tanong ni Anemone kay Luther, na nagpatuwid sa likod ni Ruthanya. Hindi niya inaasahang itatanong iyon ni Anemone sa kababata nito. "Hindi na natin siya nakakasama nang madalas magmula nang sumali siya ng teatro."
Tahimik siyang nakinig.
"There you go again, Ane. Stop playing the role of a matchmaker."
Umingos ito. "Hindi ko lang kasi maintindihan kung ano ang inaayaw mo kay Ruthie. Mabait si Ruthie, matalino, at ang pinakamagandang Ms. SCC ng paaralan natin. Ipaintindi mo kasi sa akin kung bakit ayaw mo sa kanya."
Dinig niya ang malakas na pagbuga ng hangin ng binata. "We've already talked about this, Ane, but okay I'll give you an honest answer. Ruthie is just like a little sister to me. Hanggang doon lang. Kagaya ng sabi ko sa iyo dati, kung gusto ko si Ruthie sana ay matagal na akong nanligaw sa kanya, pero hindi ko ginawa, hindi ba?"
Mapanglaw ang ngiting gumuhit sa mga labi ni Ruthie na nakikinig lang sa dalawa.
"Alam mo, umaasa talaga akong kayo ang magkakatuluyan."
"Huwag ka nang umasa, Aneng. It will never happen again."
Oo nga naman, imposibleng mahalin siya ni Luther sapagkat ang debosyon nito para kay Anemone ay walang kapantay.
_____
TAHIMIK na naglalakad sa school canteen si Ruthie. Wala pa ang eksaktong oras para sa lunch break ay nauna na siyang lumabas. Kung hindi siya mauunang lumabas ay tiyak na pipilitin siya ni Anemone na sumamang kumain rito at kay Luther. Nagdahilan na lang siyang masakit ang ulo at manghihingi ng gamot sa clinic. Pero ang totoo ay palakad-lakad lang siya sa tahimik na pasilyo hanggang sa dalhin siya ng kanyang mga paa sa canteen.
Napansin niya ang isang lalaking kumakain nang mag-isa. Malaki ang pagkakahawig nito kay Luther. Despite this man's strong facial resemblance to Luther, his aura was a different story. This person looked unfriendly and indifferent. Nagsasalubong din ang mga kilay nito at tila hindi marunong ngumiti.
Natigilan siya. Hindi kaya ito na ang sinasabing kapatid sa ama ni Luther na si Nazaron? Ito ba ang lalaking iniibig ni Anemone? If she were Anemone, she wouldn't feel the slightest bit of attraction for this man.
Napaigtad pa siya nang biglang dumako sa kanya ang tingin ng binata. The corner of his mouth twisted into a mocking smile. Mabilis siyang nagbawi ng tingin. Mayamaya lang ay nagdagsaan na ang mga babaeng estudyante roon nang sumapit ang oras ng pananghalian. Naghahagikhikan ang mga ito habang nakamasid sa binata.
Napailing na lang siya. Why can't Anemone see that Luther was way better than his half-brother? Nalulungkot siya para kay Luther. Kung tutuusin kasi ay wala halos pinagkaiba sa pisikal na aspeto ang dalawa. Kaya bakit hindi na lang nito magawang ibaling ang pagtingin kay Luther?
"Ano'ng meron?"
Muntik na siyang mapasinghap nang bigla na lang sumulpot sa tabi niya si Anemone. Isa pa man din ito sa iniisip niya.
Ruthie hid her sadness right away, and feigned enthusiasm. "Transfer student. Ang guwapo!" kunwari ay kinikilig niyang sambit. "Wala lang nangahas lumapit at mukhang suplado."
"Totoo? Saan?"
Hinila niya ang matalik na kaibigan at walang pakundangang sumiksik sa mga nagdidikitang estudyante. Tinuro niya ang dulong mesa kung saan nakaupo ang binata. "Ayon!"
Sinundan nito ng tingin ang itinuro niya at kitang-kita niya nang halos mawalan ng kulay ang mukha nito. "N-Nazaron..."
"Ano iyon, bes?"
Namilog ang mga mata niya nang bigla na lang itong humakbang palapit kay Nazaron. Natahimik ang mga estudyang naghahagikhikan kanina.
Nataranta siya. Hindi niya malaman kung paano pipigilin si Anemone. Sinutsutan na lamang niya ito. "Hoy bes, saan ka pupunta?"
Hindi niya masabi kung hindi lang siya nito narinig o tahasan siyang inignora. Nagpatuloy lang ito sa paglapit kay Nazaron na ngayon ay seryoso ang mukhang nakatitig dito.
Kung kailan buo na sa loob niya ang hilahin ang kaibigan ay saka naman may matangkad na pigurang dumaan sa harapan niya. Si Luther. Hinawakan nito ang kamay ni Anemone.
"Ano ang ginagawa mo rito?" tanong ni Ane sa kababata.
Ngumiti ito at ginulo ang buhok ng dalaga. Sumabay ito sa paglapit kay Nazaron. The people now were totally silent. Nakamasid lang.
"Ano ang ginagawa mo rito?" walang ligoy na tanong ni Luther kay Nazaron.
Anemone was staring at Nazaron's face, in awe.
Tumaas ang mga kilay ni Nazaron sa kapatid at iminosyon ang wala nang lamang plato. "What else should I be doing in this place? Isn't this the canteen? Hindi mo ba nakikita, I just finished eating."
"Alam mong hindi iyan ang ibig kong sabihin."
"Linawin mo."
Humigpit lalo ang pagkakahawak ni Luther sa kamay ni Anemone. Dumako roon ang tingin ni Nazaron. Disgusto ang nakita niya sa mga mata nito.
"Bakit nandito ka sa SCC?"
"Why the hell not?" Ngumisi ito at natawa nang makitang nag-igtingan ang panga ng kapatid. "I'm a transfer student. Pinalipat ako ng Papa rito."
"Bakit?"
"Ask your old man. Hindi ko rin gusto 'to. My life is in Manila. My condo, my stuff, and my girlfriend are all in Manila."
"M-may girlfriend ka na?" hindi napigilang itanong ni Ane.
Sabay na napatitig dito ang dalawang lalaki.
"Pabayaan mo siya, Anemone. Hindi naman bawal ang magkaroon ng girlfriend." Si Luther.
Hindi nagawang umimik ng dalaga, subalit malinaw ang pagguhit ng lambong sa mga mata nito. Malungkot ito at nagdaramdam.
"You don't look happy for me, Anemone," puna ni Nazaron dito. "Anyways, how long have you two been together?"
Nanlaki ang mga mata ni Ane. "Iniisip mo bang magkasintahan kami ni Luther?"
"Hindi ba?" His gaze fell upon their intertwined fingers. "You look like a couple to me."
"Magkaibigan lang kami, Nazaron. Kagaya pa rin noon."
"Tara na, Ane. Marami pa tayong aasikasuhin. Mauna na kami, Nazaron." Hinila na ni Luther palayo roon si Anemone.
"Addio!" malamig na sambit ni Nazaron.
Ngayong nagbalik na ang lalaking tunay na nagmamay-ari sa puso ni Anemone, ano na ang mangyayari kay Luther?