CHAPTER 3

1613 Words
Ilang ulit nang tumanggi si Ruthie sa pangungumbinsi sa kanya ng kanilang guro na sumali siya ng Ms. Santa Catalina College at maging kinatawan ng mga estudyanteng nasa unang taon sa kolehiyo. She didn’t have the littlest of desire to join any beauty contests. Sapat na sa kanya na matataas ang markang nakukuha niya sa lahat ng kanilang mga asignatura. “Paano ko ba mababago ang kapasyahan mo, Ruthie?” tanong sa kanya ni Ginang Florentino, ang kanilang guro. Pagkatapos ng klase kanina ay sinabihan siya nitong magpaiwan muna at kakausapin siya. “Pasensya na po, Ginang Florentino, subalit wala talaga akong hilig sa mga ganiyan. Kahit ho sa hinagap ay hindi ko pinangarap na sumali sa mga patimpalak ng kagandahan. Marami naman hong iba riyan.” Pinisil nito ang mga kamay niya. “Ikaw ang napipisil ng lahat, Ruthie. Maganda ka, matalino, at kapuri-puri ang pagdadala mo sa iyong sarili.” Napabuntong-hininga siya. Kung totoong maganda siya ay bakit hindi siya matignan ni Luther katulad ng kung paano nito tignan si Anemone? “P-pag-iisipan ko po.” “Sige, Ruthie, sana ay maging pabor sa lahat ang desisyon mo.” Nagpaalam na si Ginang Florentino at naiwan siyang mag-isa sa loob ng silid. Tumayo siya at lumapit sa malaking bintana, tumanghod sa mga estudyanteng naglalakad sa ibaba. “Ruthie, ikaw ba iyan? Bakit hindi ka pa umuuwi?” Napatuwid ang likod ni Ruthie nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. A voice so gentle but sexy at the same time. The warm vibration in his deep masculine voice made her skin tingle with desire. “Luther?” sambit niya sa pangalan ng binata, sabay lingon dito. Nakatayo ito sa pintuan, nakatitig sa kanya. “Hindi ka pa ba uuwi? Mag-a-alas seis na. Kanina pa lumabas si Anemone. Hindi ko siya naihatid sa Villa dahil may tinapos pa akong proyekto.” Tumanaw siya sa kalangitan. Papadilim na nga. Hindi na niya namalayan ang pagdaan ng oras. Tumingin siya sa binata at nginitian ito. “Uuwi na rin ako.” “Sumabay ka na sa akin.” “H-hindi na.” Dahil alam niyang mahihirapan siyang huminga nang maayos kung sasama siya rito. Ngayon pa nga lang ay nagririgodon na ang dibdib niya. Nagulat na lang siya nang hawakan ni Luther ang kamay niya. “Ngayon ka pa ba mahihiya sa akin? Parang kapatid na ang turing ko sa iyo dahil ikaw ang pinakamatalik na kaibigan ni Anemone.” Kapatid... Nagsikip ang dibdib niya. Gusto niyang iwasiwas ang kamay nitong nakahawak sa kanya. Bakit kapatid lang ang tingin nito sa kanya? Bakit hindi siya nito makita bilang isang babaeng puwedeng mahalin? “May bumabagabag ba sa iyo? May malalim ka yatang iniisip?” Umiling siya. Hindi naman niya puwedeng ikumpisal na ito mismo ang laman ng isipan niya. Would he hate her if he knew that she was hopelessly in love with him? Lalayuan ba siya nito? “Iniisip ko lang kung sasali ako ng Ms. SCC. Hinihimok kasi ako ni Ginang Florentino na sumali,” pagsisinungaling niya. Tumingin sa kanya si Luther at ngumiti ito. “Sumali ka. Ano ba ang pumipigil sa iyo?” Her heart missed a beat when he smiled at her. Bakit ganoon ito? Bakit napakabait nito sa kanya? Mas madali sanang ibaon sa limot ang damdamin niya para rito kung hindi maganda ang pakikitungo nito sa kanya. But Luther was always kind. He was always polite. His inviting scent had always soothed her senses. Hindi niya namalayang napapapikit na pala siya at napahinto sa paglalakad. “Ruthie?” Napamulat siya at gilalas sa sarili nang makitang nakatingin sa kanya si Luther. Nakakunot ang noo nito at tila nagtataka kung ano ba ang ginagawa niya. “H-ha?” Nag-iwas siya ng tingin, kasabay ng pamumula ng kanyang mga pisngi. “You stopped walking, what’s wrong? Masakit ba ang mga paa mo?” “Ah, hindi! M-may naalala lang ako.” Napabuntong-hininga ito. “Iniisip mo pa rin ba kung sasali ka o hindi ng Ms. SCC?” Hindi naman iyon ang iniisip niya, subalit tumango na lamang siya. Napaigtad siya nang biglang humawak sa magkabila niyang braso ang mga kamay ni Luther. Mainit ang mga palad nito na tila nanunuot sa balat niya kahit na nakalapat lang ang mga iyon sa bahagi ng braso niyang natatabunan pa ng manggas ng suot niyang uniporme. He’s really warm. She wondered if his chest and abdomen would be as warm when their bodies are pressed closely together. Natilihan siya nang maunawaan kung ano nang tumatakbo sa utak niya. Hindi tuloy niya matignan sa mga mata ang binata. “You should join, Ruthie.” “A-ano iyon?” “Sa Ms. SCC, sumali ka. Naroroon ako para suportahan ka.” Hindi siya nakaimik. Wala siyang maapuhap sabihin. Ang tanging alam niya ay napakalakas ng pagkabog ng kanyang dibdib. Luther was smiling at her, while looking straight into her eyes. How could she say no? Humugot siya ng malalim na paghinga at sinalubong ang mga titig ni Luther. “Sige, sasali ako. Basta manonood ka, ha.” “Of course.” “Pangako iyan?” “I promise.” _____ WALANG TIGIL sa paghagod ng buhok ni Ruthie si Ginang Florentino habang nasa likod pa sila ng entablado. Mayamaya ay isa-isa nang magpapakilala ang mga kinatawan ng bawat lebel sa kolehiyo. Ruthie wore a beige modern Filipiniana gown. Ang manggas niyon ay nakataas katulad noong makalumang panahon. “Napakaganda mo talaga, Ruthie,” puri sa kanya ng guro. “Salamat po.” Tipid niya itong nginitian. Subalit wala siyang makapang tuwa sa pamumuri nito sa kanya. Kahit na purihin pa siya nang buong Santa Catalina ay hindi siya makadarama ng saya kung hindi iyon galing sa mga labi ni Luther. Gusto niya itong makita. Nangako ito sa kanya. Hindi siya nito puwedeng biguin gayung ito lang ang dahilan kung bakit sumali siya ng Ms. SCC. Nahalata ni Ginang Florentino ang panay niyang pagsulyap sa mga manonood. “May hinihintay ka ba?” Tumango siya. “Meron po.” “Ang mga magulang mo?” Umiling siya. Nauna nang nagsabi ang Mama at Papa niya na gustuhin man ng mga itong pumunta ay may importanteng lakad ang mga ito. “Hindi ba ang mga magulang mo?” Tumingin ito sa relo. “Limang minuto na lang at magsisimula na ang programa. Hayaan mo at darating din iyang taong hinihintay mo, baka naipit lang sa trapiko.” Nakagat niya ang ibabang labi. Luther was never late. He had never been late. Palagi itong maaga kung dumating, kaya hindi siya naniniwalang naipit lang ito sa trapiko. Isa pa ay hindi gaanong kakapal ang trapiko sa Santa Catalina. Nasaan ka na ba, Luther? “Oras na, Ruthie,” untag sa kanya ni Ginang Florentino. Matamlay siyang tumango at muling sumilip sa maliit na siwang ng kurtina at pinaraanan ng tingin ang mga taong nakaupo na at naghihintay sa pagsisimula ng programa. Wala pa rin si Luther. Napabuntong-hininga siya, kinimkim ang sakit na kumudlit sa dibdib niya. Kahit mahapding-mahapdi ang kanyang lalamunan dahil sa labis na sama ng loob ay pinuwersa niya pa rin ang sariling ngumiti para sa mga tao. Ruthie walked across the stage with effortless grace as if she owned it, as if she was the queen that everyone was looking up to. The crowd loved her. Lahat ng mga matang nakasunod sa bawat kilos niya ay kakikitaan ng paghanga para sa kanya. Datapwat ay wala siyang makapang tuwa sa puso niya. Halos wala siyang pinagkaiba sa manikang de-susi na gumagalaw lang ayon sa kagustuhan ng nagpapagalaw dito. Nang hirangin siyang Ms. SCC sa dulo ng programa ay ibig niyang pumalahaw ng iyak kaysa magtatalon sa saya. Nakuyom niya ang mga kamay habang kinokoronahan siya. Ang sama-sama ni Luther, nangako itong manonood at susuportahan siya, subalit hindi ito dumating. Wala naman siyang hinihinging labis dito. Hindi naman siya ang nagmungkahing manood ito, ito ang nagpresenta. Nang matapos ang programa at nagsiuwian na ang lahat ay pinili niyang magpaiwan sa awditoryum. Gusto niyang mapag-isa at makapag-isip nang mabuti. Naupo si Ruthie sa ikalawang upuan mula sa pinakakaliwa ng unang hanay, at tagusan ang tingin sa entablado. She wished for nothing but to see Luther’s warm eyes and his earnest smile as she walked across the stage. Nagulat siya nang may malakas na nagtulak pabukas sa pinaka-pinto ng awditoryum. Lumingon siya upang sinuhin iyon, subalit mula sa kanyang kinauupuan ay tanging korte lang ng tao ang natatanaw niya. She could see nothing more than the dark shape of the person against the pale light from the hallway outside. “Sino iyan?” “Ruthie!” Tila binayo na naman ang dibdib niya nang marinig ang pamilyar na boses ni Luther. Ano ang ginagawa nito roon? Bakit kailangan pa nitong magpakita sa kanya ngayon? Lumapit sa kanya ang binata, hinawakan siya sa magkabilang balikat at maingat na pinatayo. Nag-iwas siya ng mukha kahit alam niyang nakatitig ito sa mga mata niya. “Ruthie, I’m sorry. I broke my promise—” “Wala iyon. Hindi mo naman obligasyong puntahan at panoorin ako.” She pulled away then forced a smile onto her face. “It’s okay, Luther. Nanalo naman ako, eh. Uhm, paano ba, mauuna na ako? Hinihintay na ako ng mga magulang ko sa bahay. Nagluto si Mama ng espesyal na pagkain upang mapagsaluhan naming tatlo ni Papa.” Ngumiti siya at humakbang na patungong pinto, at hindi minsan man nangahas na lingunin ang binatang alam niyang nakatitig pa rin sa kanya. Hindi na nito kailangang mabatid pa na nasasaktan siya. Ang pighating dulot nito sa kanya ay itatago na lamang niya sa kailaliman ng kanyang puso.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD