KINABUKASAN ay gumising ng maaga si Raven para ayusin ang sarili. Kakain talaga ng oras ang pag-aayos pero sulit naman ang kinalabasan. Naglagay pa siya ng kulay gold na clip sa gilid ng kaniyang buhok na nakalugay at medyo naka-curl. Malayo sa buhok niya na palaging nakapusod. Gumuhit ang matamis na ngiti sa kaniyang labi habang pinagmamasdan ang kaniyang sarili sa harap ng vanity mirror sa loob ng kaniyang dressing room. Satisfied siya sa kaniyang ayos ng umagang iyon. Nagbunga talaga ang effort ni Miss Dalyn sa kaniya. Mga bagong gamit na rin ang kaniyang dadalhin sa kaniyang school. Goodbye na talaga sa mga lumang gamit niya. Pero hindi naman niya iyon itatapon. Itatabi lang niya iyon. Mula sa bag hanggang sa kaniyang black shoes na three inch din ang taas ng heels ay puro bago. Sig