bc

In Love With The Campus Heir

book_age12+
19.6K
FOLLOW
145.4K
READ
arrogant
independent
student
heir/heiress
twisted
bxg
campus
enimies to lovers
first love
school
like
intro-logo
Blurb

Published under LIFEBOOKS

Php 220.00 - Mabibili po sa Shopee / Lazada / National Book Store

_____________________________

YUGTO WRITING CONTEST 2022 GRAND WINNER - All The Young Category

_____________________________

Lumaki si Raven Trojillo kasama ang kaniyang stepmother at ang kaniyang stepsister. At para makapasok sa Ellison Academy at makatapos sa kolehiyo, kailangan niyang makapasa sa scholarship program para sa mga students na gustong maging parte ng naturang prestehiyosong unibersidad. At isa iyon sa pangarap niya.

Nakapasa si Raven sa exam na may mataas na score na lingid sa kaniyang madrasta. Ngunit ang kaniyang madrasta ay hindi pumayag nang sabihin niya rito na nais niyang mag-aral sa Ellison. Sinabihan pa siyang nababaliw dahil sa mataas niyang pangarap na iyon. Pero buo na ang desisyon niya, aalis siya sa poder nito.

Sa pagpasok ni Raven sa Ellison University ay halos tumalon ang puso niya nang makita niya roon si Lhorde, ang lalaking nakilala niya noon bago pa man siya pumasok sa naturang unibersidad. Ngunit sa muling pagkukrus ng kanilang landas sa unibersidad, tila ba malayong-malayo na ito sa lalaking nakilala niya noon. Animo hindi siya nito nakilala man lang. Ang puso niya na masayang makita itong muli ay tila ba nawasak. Akala pa naman niya, mayroon na siyang kaibigan sa loob ng unibersidad, pero mali siya. Hanggang sa malaman niya na si Lhorde ay ang heir ng Ellison Group. At nang ma-bully siya sa Ellison dahil sa pagiging mahirap niya, Lhorde avoided her for good…

chap-preview
Free preview
Chapter 01
MATAPOS magdilig ng mga halaman ni Raven, na siyang utos sa kaniya ng kaniyang madrasta, ay namamagod na naupo siya sa medyo sira ng upuan sa likod ng kanilang bahay. Ramdam niya ang pagod dahil sa pagbubuhat niya ng tubig sa timba ng ilang beses para madiligan ang mga alagang halaman ng kaniyang madrasta sa palibot ng kanilang bahay. Mamaya lang ay kailangan na niyang maghanda ng kanilang tanghalian. Napabuntong-hininga si Raven. Hindi siya maaaring magreklamo. Dahil kung gagawin niya? Wala siyang makakain para sa araw na iyon. Matapos mamatay ng kaniyang ama noong nakaraang taon, ang madrasta niyang si Patricia ay ibinigay sa kaniya ang lahat ng gawaing bahay. Wala na ang nag-iisa nilang kasambahay dahil wala ng kakayahang magpasahod ang madrasta niya. Wala rin siyang kakilalang kaanak dahil lahat ay nasa Cebu. At ang kaniyang biological mother ay sumakabilang buhay nang siya ay ipanganak. Noon, tumutulong si Patricia sa mga gawain sa bahay kahit may kasambahay sila. Pero ngayon, hindi na. Sa kaniya na lahat iniasa. Kung maaari lang siyang pumili ng buhay niya ngayon, mas gugustuhin niyang umalis sa bahay na iyon. Pero paano? Eighteen lang siya at wala siyang ibang mapupuntahan. Kung magtatrabaho naman siya, siguradong taliwas sa pangarap niya ang mapupuntahan niya. Tumingin siya sa kanilang bahay. Dalawang palapag iyon, pero hindi malaki. Tama lang. May dalawang silid sa itaas. Ngunit simula nang mamatay ang kaniyang ama ay hindi na niya nagagamit pa ang sarili niyang silid. Si Olivia na lang ang gumagamit niyon. Dahil ayaw nito ng may kasama. Ang isa pang silid ay ang madrasta niya ang gumagamit. Natutulog siya sa may salas sa gabi. Mayroong comforter si Raven na siyang ginagamit niyang panlatag sa sahig. Bawal rin siyang matulog sa sofa kaya sa sahig siya natutulog. “Raven!” sigaw mula sa kusina na nagpatayo kay Raven mula sa pagkakaupo sa bangko. “O-opo! Papunta na po riyan!” Halos takbuhin niya para lang makapasok agad sa kusina mula sa back door niyon. Ang puso niya ay kay bilis ng t***k nang makita niya ang mukhang iyon ng kaniyang madrasta. A wicked stepmother. Oo ganoon niya itong i-describe. Donyang-donya ang postura. Hindi rin mawawalan ng kolorete sa mukha nito. Gusto nito ay palagi itong maganda at fresh sa tingin ng iba. Ngunit ang mukha nito ng mga sandaling iyon ay animo galit. Pero bakit? May nagawa na naman ba siyang mali? Sa pagkakatanda naman niya ay tapos na siyang maglinis ng bahay. Wala rin naman siyang nalunod sa mga halaman nito mula sa kaniyang pagdidilig kanina. Wala talaga siyang matandaan na may nagawa siyang mali. “B-bakit po?” “Ano’ng nangyari sa oven toaster ko?!” Automatically, humayon ang tingin niya sa oven toaster nito. Her precious one. “H-hindi ko po siya ginamit kaninang umaga, Mama.” “Huh! ‘Wag mo nga akong matawag-tawag na mama. Pagod na akong marinig ang salitang ‘yan mula sa iyo. Ni hindi nga ako ang nagluwal sa iyo sa mundo. Tawagin mo akong, Ma’am. At masanay ka na mula ngayon, Raven. Maliwanag? Sagot!” Napalunok siya. “O-opo.” Ginawa na nga siya nitong alila sa bahay na iyon, pinanindigan pa nito ang pagiging amo sa kaniya. Eh, hindi nga siya nito sinusweldohan. At ang bahay na iyon, alam niyang nakapangalan iyon sa kaniya. Kung buhay lang ang kaniyang ama, alam niya na hindi siya nito hahayaan na makaranas ng ganitong buhay mula sa kaniyang madrasta. Napapitlag si Raven nang ituro ni Patricia ang oven toaster. “Kung hindi ikaw ang gumamit nito, sino?” “Baka po si Olivia,” hula niya. Stepsister niya si Olivia. Halos parehas lang sila ng edad. “At bakit naman ito gagamitin ni Olivia? Ni wala nga siyang alam sa kahit na anong gawain dito sa kusina. Gumamit pa kaya ng oven toaster?” Bakit ang himig ni Patricia ay tila ba siya ang dahilan kung bakit nasira ang oven toaster nito? Alam ng Diyos, ni hindi niya iyon hinawakan nang umagang iyon. Dahil kung hindi nito iutos, hindi naman niya iyon ginagamit. Hindi siya dapat magpadala sa emosyon. Kailangan niyang magpakatatag. “Hindi ko po kasalanan, mama.” “Ma’am!” Halos mapapikit si Raven sa pagsigaw na iyon ni Patricia. “M-ma’am…” Ayaw na nito na tawagin niya itong mama katulad noon. Sa loob ng sampung taon, nasanay na siyang mama ang itawag dito. Pero ngayon, nagbago na. Nangako pa nga ito sa kaniyang ama na magiging mabuting ina ito sa kaniya. Pero lahat ng iyon, pawang kasinungalingan lamang. Lumabas din ang totoo nitong kulay. May ngiting demonyo na gumuhit sa labi ni Olivia nang maingat itong umalis mula sa pinagkukublihan nito at hinayon ang paakyat sa hagdanan. “Hindi ka puwedeng kumain ng tanghalian, Raven. ‘Yan ang consequence mo sa pagsira ng oven toaster ko,” ani Patricia bago umalis ng kusina. Hindi siya makapaniwala sa sinabing iyon ni Patricia. Pinagbintangan siya nito sa bagay na hindi naman niya ginawa. Bakit ba napaka-unfiar nito sa kaniya? Ikinurap-kurap ni Raven ang kaniyang mga mata para lamang hindi tumuloy ang luhang gustong kumuwala sa mga mata niya. “Magpakatatag ka lang, Raven,” basag ang boses na cheer niya sa kaniyang sarili. “Malalampasan mo rin ‘yong ganitong sitwasyon,” pangako pa niya sa kaniyang sarili.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

One Night Stand (R18-Tagalog)

read
1.9M
bc

THE RETURN OF THE YOUNG BRIDE

read
250.8K
bc

Rewrite The Stars

read
98.4K
bc

WHAT IF IT'S ME

read
69.2K
bc

His Cold Heart [On-Going ]

read
39.8K
bc

MY STRICT TEACHER IS MY HUSBAND

read
1.9M
bc

MAGDALENA (SPG)

read
22.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook