PAKIRAMDAM ni Raven, surreal ang lahat ng nangyari kagabi. Na nakasama niya si Lhorde sa pag-aaring hotel ng mga ito. Nakasayaw sa Acquaintance Ball. Ito rin ang naghatid sa kaniya pauwi sa dorm. Bumuntong-hininga si Raven habang nakatitig pa rin sa puting kisame sa kaniyang silid. Kagigising lang niya at hindi pa rin niya magawang bumangon. Mukhang may hang over pa siya sa nangyari kagabi kahit na wala namang alak na involve sa lahat ng happenings ng nagdaang gabi. Niyakap ni Raven ang kaniyang unan. Gusto niyang hilingin na sana, hindi na magbago ang pakikitungo sa kaniya ni Lhorde. Pero ayaw niyang umasa na may pagbabago ngang mangyayari. Kinalunesan, nag-alangan pa rin si Raven na ipakita agad sa lahat ang bagong Raven. Which is, para sa kaniya ay best decision niya dahil sa mga ka