SOBRA bang nakaka-intimidate ang ganda niya? Iyon ang katanungan ni Raven simula pa kanina na pumasok siya. Lahat ng babae ay hindi siya magawang kantiin. Na kahit ang grupo nina Garette ay hindi siya magawang pagsalitaan ng masama. Pero hindi niya inaasahan nang sa paglabas niya sa department building niya kinahapunan ay harangin siya ng grupo ni Garette. Pero hindi para i-bully. “I heard, ikaw at si cheap girl ay iisa,” wika pa ni Garette sa kaniya. Taas noo naman niya itong tiningnan. “Wala na ang dating cheap girl, Garette. Kung mam-bu-bully kayo sa akin, pag-isipan ninyo muna ng isang milyong beses, dahil hindi ko kayo aatrasan ngayon.” Ngumiti nang matamis si Garette. “At sino namang may sabi na ibu-bully ka namin? Look, malay ko ba na kaya mong mag-transform ng ganyan. O baka n