I HAVE you in what way, Lhorde? As a friend? Ani Raven sa kaniyang isipan. Bakit parang may iba ka pang gusto bukod sa as a friend lang, Raven? epal naman ng isang bahagi ng isipan ni Raven. Pasimple niyang ipinilig ang kaniyang ulo. Ayaw niyang bigyan ng kulay ang sinabing iyon ni Lhorde. Pero Diyos na mahabagin, parang sirang plaka na paulit-ulit niyang naririnig ang sinabi nito na, ‘You have me’. Tuwing nasa paligid lang si Lhorde, oo, ramdam niya na hindi siya basta mag-isa lang. Dahil nakakasiguro siya, lalo na ngayon, na naka-back up na ito sa kaniya. Pero dapat ba niyang sanayin ang kaniyang presensiya rito? Paano kung isang araw, mawala na naman ang presensiya nito? Panibagong adjustment na naman iyon para sa kaniya. Fifty-fifty lang muna, Raven, aniya sa kaniyang sarili. ‘Wag