“NOT BECAUSE you changed yourself, ma-i-intimidate na ako sa iyo, Raven. You’re still the cheapest girl I’ve ever met,” ani Magi nang harangan siya nito sa akmang paglapit niya sa kaniyang upuan. “Nabihisan ka lang naman, eh. Sino’ng sponsor mo? Let me think, siguro may sugar daddy ka, ‘no? ‘Yon lang naman ang kayang sumuporta sa iyo.” Simula nang tuluyan niyang baguhin ang sarili ay hindi pa niya ulit nakakausap si Magi dahil hindi rin naman siya nito pinapansin na at iniimikan. Pero nagbago yata ang ihip ng hangin ngayon? At habang kausap nga siya ni Magi ng mga sandaling iyon ay may kumukuha pa sa kanila ng video. “Hanggang diyan lang ba ang kayang isipin ng madumi mong utak, Magi? Kung totoong hindi ka na-i-intimidate sa akin, bakit kailangan mo pang abalahin ang sarili mo sa akin n