BUMUNTONG-HININGA si Miss Dalyn. Ang maganda nitong mukha ay bakas ang simpatya kay Raven matapos niyang magkuwento rito. “Kaya po, kung napansin ninyo noong unang araw na tumuntong ako rito sa Ellison, kakaibang-kakaiba po ako sa mga kasamahan ko na scholar. Sila, kaya nilang makipagsabayan sa mga elite student. Habang ako, hindi. Pero wala naman pong kaso sa akin ‘yon. Kasi narito naman ako sa Ellison para mag-aral at hindi para makipagsabayan sa mga student dito,” aniya na sinikap na ngumiti. “Change that mindset, Raven,” anito kapag kuwan. “The truth is, kailangan mong makipagsabayan sa mga estudyante rito sa Ellison University. Kahit sabihin mo na narito ka lang para mag-aral. Nakarating sa akin na nabu-bully ka. Dahil kakaiba ka sa kanila. Walang masama sa pagiging simple at plain