“I’LL MAKE sure na hindi mo pagsisisihan ang naging desisyon mo, Raven,” nakangiting wika ni Miss Dalyn kay Raven na tinapik pa siya sa balikat. Araw iyon ng Sabado at sinundo pa talaga siya ni Miss Dalyn sa kaniyang dorm nang umagang iyon. Halos isang libong beses yatang pinag-isipang mabuti ni Raven ang kaniyang naging desisyon. Kagabi, tinawagan niya ito para ipaalam ang naging final na desisyon niya. Pumapayag na siya sa makeover na nais nito para sa kaniya. “Ayaw ko na pong palaging napapansin ng mga tao dahil sa pagiging boring ng hitsura ko. Gusto ko lang naman po ng simpleng buhay rito sa loob ng Ellison University.” “I understand, Raven. So, shall we go?” Tumango siya. Magkaagapay sila ni Miss Dalyn sa paglalakad. Medyo mas mataas lang ito sa kaniya nang kaunti dahil nakasuo