“RAVEN.” Saka lamang nagawang kumurap-kurap ni Raven nang marinig ang boses ni Lhorde. Nabuksan na pala nito ang pinto sa may gilid niya pero hindi niya namalayan dahil sa pagka-engross niya sa paligid ng Ellison Hotel. “Bumaba ka na.” Lihim pa siyang napalunok bago nagawang kumilos. Inalalayan pa siya ni Lhorde sa pagbaba sa kotse nito dahil sa suot niyang gown. Tama ba na sumama pa siya rito? Paano kung dagdag issue na naman iyon sa part niya? Baka mas dumami ang haters niya kapag nalaman ng mga taga Ellison University kung sino ang kasama ngayon ni Lhorde. Sa pagbaba pa nga lang niya sa kotse ni Lhorde ay may mga pares na ng mga mata na nakatutok sa kaniya. “Don’t mind them,” ani Lhorde nang mapansin ang pagkailang na nararamdaman niya. Pagkabigay ni Lhorde ng susi ng kotse nito s