PAKIRAMDAM ni Raven, oras na bumaling siya ng tingin kay Lhorde ay bigla na lamang itong mawawala sa kaniyang tabi. Hindi pa rin siya makapaniwala na nakasakay siya ngayon sa magara nitong kotse. Pero wala siyang ideya kung saan ba sila nito pupunta o kung trip ba siya nitong ihatid na pauwi sa dorm na siyang tinutuluyan niya. “Ellison suits you,” basag ni Lhorde sa katahimikan. Lihim na napalunok si Raven nang marinig muli ang boses ni Lhorde. “Paano mo naman nasabi?” “Because of your changes.” Huminga siya nang malalim. “Nakaayos lang ako ngayon, Lhorde. Kung wala itong ayos ko, alam ko naman na mukha pa rin akong basahan.” “Hey,” saway nito sa huli niyang sinabi. “Don’t say that.” Ibinaling niya ang tingin sa labas ng bintana. Pagbalik nila sa Ellison University, alam niya, balik