DOON din ako tumakbo para masalubong ko si nanay. "'Nay! Ano ka ba naman po! Umaambon oh!"
"MGA PUTANGINANG MGA BASTOS! BUMALIK KAYO RITO MGA PUNYETA!" gigil na gigil na usal ng nanay ko na'ng hinarangan ko s'ya. Um-echo ulit ang malulutong n'yang mga mura sa buong baranggay.
Nagsitahulan tuloy ang mga aso. Hindi halatang may sakit sa puso ang nanay ko dahil warrior ko 'to.
"'Nay, naka-istorbo ka po sa mga kapit bahay!" Inagaw ko sa kamay n'ya ang paboritong walis tingting.
"Ano ang ginawa nila sa 'yo, Mira?! Binastos ka na naman ba nila?!"
"Muntik na po pero dumating kayo. Umuwi na po tayo, 'nay. Baka tumaas na naman ang bp n'yo."
"Dyos ko, patawarin n'yo ang bibig ko." Nag-sign of the cross pa si nanay. "Tama ang desisyon kong sunduin kita dahil siguradong haharangan ka ng mga 'yon!"
"MIRABELLA! TITA MIRABEL!" Napa-silip ako bigla sa likod ni nanay dahil narinig ko ang matinis pero malumanay na boses ni Fairy. Tumatakbo s'ya palapit sa 'min habang nahihingal.
"PERNANDO! Ano ba ang ginagawa mo?! Naka-takas ulit si nanay sa bahay!" Huminto s'ya sa tabi ni Nanay habang hinahabol ang sariling hininga.
"P-Pasens'ya ka na, sis. N-Nagsasaing kasi ako!"
"Sabi ko sa 'yong bantayan ng maigi si nanay 'e." Inakay ko na si nanay.
"Akin na 'yang dala mo, sis. Sorry talaga." Inagaw n'ya sa 'kin ang plastic bag na hawak ko at nag-lakad na kami paalis. "Wow, mukhang ang sarap ng ulam natin ngayon ah?"
S'ya nga pala, s'ya si Pernando alyas Fairy. Alam n'yo na kung bakit gan'yan ang nickname n'ya. Lalake s'ya na may pusong babae na mas babae pa sa 'kin. Best friend ko 'yan. Friend ko lang si Rala dahil sa work ko lang naman s'ya nakilala pero si Fairy, kababata ko na 'yan noon pa.
Sa kan'ya ko iniiwan si Nanay. Umuuwi rin s'ya tuwing gabi. Sometimes sa bahay na s'ya natutulog. Binabayaran ko naman si Fairy sa pagbabantay sa nanay ko habang nasa work ako.
Pagdating namin sa bahay, nag-hugas muna ako ng kamay. Inaasikaso na ni Fairy ang ulam na dala ko. "Si Tita Mirabel ulit ang naging tagapagtanggol mo sa mga chaka. Hinihinaan ko lang ang apoy sa dirty kitchen tapos pag-balik ko rito sa kusina, wala na si tita. Lumabas na pala," kuwento ni Fairy.
Hinarap ko s'ya. Isa-isa n'yang nilalapag ang tatlong plato sa ibabaw ng parisukat na mesa— sa harapan ng tatlong upuan. Nasa dirty kitchen si Nanay. Kahoy ang panggatong namin doon. Hindi pa kasi kami naka-bili ng LPG. Wala pang pambili. "Pernando," seryosong tawag ko.
Tinitigan n'ya ako sabay sinimangutan. "Ano na naman 'yan? May seryoso ulit tayong paguusapan, ano?" malumanay n'yang usal kaya tumango ako. Hinagipan ko muna ng tingin ang naka-saradong pintuan sa kabilang dulo nitong kusina.
"Oo. Aalis ako mamayang gabi. Sideline," mabilis kong tugon. Sumalin ulit sa kan'ya ang atens'yon ko. "Doon ka muna humiga sa higaan ko." Tinanguan n'ya ako. Gets n'ya na kung ano ang gagawin namin.
"Magiingat ka, sis," bulong n'ya.
"Kumain na tayo, mga anak." Maya-maya, bumukas na ang pintuan ng dirty kitchen. Pumasok si Nanay dito sa kusina habang kapit-kapit ang isang bandehadong gabundok na umuusok na kanin.
Sinalubong naman kaagad s'ya ni Fairy para kunin 'yong dala n'ya sabay nilapag sa gitnang parte ng mesa.
Umupo na kami sa mga bangko. "Mag-dasal muna tayo." Tinukod namin ang aming mga siko sa ibabaw ng mesa at nag-hawak kamay. Pinikit namin ang mga mata. Nagsimula na si nanay para mag-pasalamat sa aming hapunan ngayon.
"Kumain na tayo." At nilantakan na namin 'yong ulam.
Ganito ka-simple 'yong pamumuhay namin. Hindi kami naka-tira sa bukid kaya hindi kami masagana sa lupa at pananim. Maliit lang ang aming bahay na halos dikit-dikit lang ang mga kabahayan sa barangay namin.
We had a few vegetables growing in our backyard. May sapa sa ibaba pero kasing itim ng burak ang tubig. Maraming basura. Ang ingay rin dito.
Kahit nga kumakain kami ngayon sa kusina, rinig na rinig namin ang samo't saring mga boses. Iyak ng mga bata, kantahan, at siwagan.
"NAISIPAN MO PANG UMUWI?! APAT NA ARAW KANG INANTAY NG MGA ANAK MO! DOON KA NA NAMAN TUMIRA SA KABIT MONG MALANTOD?!" Kagaya na lang n'yan.
Tapos magbabatuhan pa ng kung anong babasaging gamit at may babalahaw ng iyak. Sanay na sanay na kami. Kahit ang ingay, nakakatulog pa rin ng maayos. Ganito ang buhay ng mga pamilyang nasa lower class.
"'Nay, maliligo muna ako." Nauna akong natapos kumain. Umakyat ako sa kuwarto namin ni nanay. Maliligo muna ako bago ayusin ang mga susuotin ko mamaya.
Hindi kami nagbabayad sa upa. Sa 'min 'yong lupa pati bahay. Simentado pero walang kisame. Bubong lang. Binilisan ko na ang paliligo dahil baka papasok na si nanay sa kuwarto.
Nilabas ko na ang mga susuotin ko. Inayos ko na rin ang silicon face mask. Sa sahig kasi ako natutulog tapos, sa kama si nanay. May isang kuwarto naman sa kabila pero dapat, kasama ko s'ya sa iisang silid.
Tinago ko na sa cabinet—doon sa pangalawang kuwarto ang mga gamit ko.
Doon ako magbibihis mamaya. "Good night po, 'nay..." Kinumutan ko na ang sarili ko.
"Maaga ka pa bukas anak. Ako na ang magsasaing," sabi ng nanay ko habang naka-higa na sa single bed.
"Opo." Naka-hilata na rin ako sa sahig. May kutson naman ako dahil ang lamig kaya. Naka-patay na ang ilaw. Hindi namin iniiwang naka-bukas ang bulb dahil naka-on naman ang street lights sa labas. Lumulusot ang liwanag sa dalawang jalousie window.
Hinintay ko talagang marinig ang mahihinang hilik ng nanay ko. "Psst... sis... switch na tayo..."
Mukhang kanina pa pinapaparamdaman ni Fairy si nanay dahil narinig ko na ang boses n'ya sa bungad ng pinto. Bumangon ako sa pagkakahiga at nag-lakad palabas ng pintuan.
"Good luck, sis. Take care..." mahinang bulong n'ya na'ng s'ya naman 'tong pumasok sa loob ng kuwarto.
S'ya ang hihiga sa higaan ko. Dapat naka-balik na ako bago pumutok ang liwanag. Nagmadali akong nag-bihis ng black leather jacket, stretchable fitted black long pants, boots at most importantly, my silicon face mask. Maskara ng isang blond na babae.
"My bag pack." Sinuot ko muna ang malaking bag na naglalaman ng tools. Like silent grinder, drill, glass cutter, adjustable ladder, grappling hook with rope, emergency penlight at flashlight tapos kung ano-ano pa.
Ginagamit ko 'yong mga nauna kong binanggit para mabuksan ang mga solid na pinto or mga salamin. May mga daggers din akong dala for self-defense kahit hindi naman ako expert. Magaling lang ako sa kalmutan. Ang matatalim kong mga kuko ang sandata ko.
"Ala syete pa lang ng gabi," bulong ko na'ng makalabas na sa bahay namin. May mga tambay pa sa kanto. Sa magkabilang gilid ng kalsada pero mukhang wala na 'yong mga gagong muntikan na'ng mahataw ng nanay ko.
Med'yo umaambon pa rin kaya sinuot ko 'yong hood ng leather jacket ko. Nilakad ko na ang mabasang kalsada at madilim na parte ng kalye. Walang nakakilala sa 'kin kapag ganito ang outfit ko. Pagkatapos ko kasing magamit ang silicon face mask, sinusunog ko agad. Kahit mahal, bumibili ako ng bago 'pag may target kami.
Approximately, tatlong oras ang lakaran bago ako maka-pasok sa loob ng village na 'yon. Ang isa sa mga village ng mayayamang personalidad dito sa lugar namin.
Unusual ngang maka-hanap ng mans'yon na walang guard pero may tiwala ako sa surveillance ni Rolie. Isa pa, mahahalata ko pa rin kung may tao nga roon. Ako mismo ang aatras sa raket.
"Punyetars. Ang dilim naman sa village na 'to." Ang lalayo ng agwat ng mga mans'yon dito. Walang street lights. Makakasagap lang ako ng liwanag kapag may madadaanan akong bahay. I was right. Halos 3 hours nga ang nilakad ko bago ako naka-pasok sa village.
Kinuha ko sa bag pack ko ang pen light para may ilaw ako sa daan. Magubat ang village na 'to. Tinandaan ko naman sinabi ni Rolie kung saan banda ang target mansion na lolooban ko.
I walked 15 minutes more bago ako nakarating sa aking destinas'yon. I turned off the penlight. Natagpuan ko na ang isang cream-white mansion na may apat na palapag.
May simentadong gate naman pero easy lang sa 'kin para akyatin iyon. Nagpatintero ako sa flower garden. I hid around the bushes habang pinaparamdaman kung may guard or kung ano mang klaseng buhay na nilalang na naka-batay pero wala.
Hininaan ko ang penlight para lumakad palapit sa left side ng mansyon dahil may nakita akong balcony sa second floor. Then I used the adjustable ladder para maka-akyat. I wasn't making any sounds.
To my surprise, the sliding door isn't locked. Binuksan ko iyon. Hinawi ko ng konti ang makapal na kurtina. Madilim ang kuwarto. I couldn't hear any noises or any human presence. "It's legit. Wala ngang tao."
Doon na ako pumasok sa loob ng silid. Nilakasan ko ang ilaw ng penlight. "Mama Mia!" I whispered. Nasilayan ko kasi ang buong kuwarto! Everything I see in this room looks so damn precious and expensive!
Nilakad ko agad ang kinaroroonan ng isang pinto sa kabilang pader. There are 2 doors. Pinasok ko ang unang pinto which it turns out, walk in closet pala. Nabulaga ako dahil ang daming transparent closet with men's clothing!
Mukhang kuwarto ng isang lalake itong pinasukan ko!
"I have to hurry!" At nag-simula na akong mag-halungkat. Isa-isa kong hinila ang mga drawers until natagpuan ko ang jewelry cabinet.
Nilabas ko na ang pouch bag ko. Parang naglalaway pa ako habang nagmamadaling pinapasok doon ang mga relo, bracelet, singsing, cufflinks, at brooch! My eyes were sparkling!
"Jackpooot!" Para akong nanalo sa lotto dahil ngayon ko lang naranasang maka-pasok sa isang mans'yon na walang kahirap-hirap and take note, it seems like I have found a treasure chest full of gold and other pricy gems!
"Ang bigat!" Hindi ko na naubos ang ibang alahas dahil maliit lang na pouch bag ang dala ko! Ang iba, pinagsisiksik ko na sa bag pack ko! "Hindi ko na 'to kayang ubusin."
Nagmadali akong lumabas sa kuwarto kahit tatlong drawer lang ang naubos ko. "Oh my, I think maiiyak ako..." Para akong tangang sumisinghot-singhot habang bumababa ng hagdan dahil hindi talaga ako makapaniwala! Sobrang dami kong nakuha tapos may mga naiwan pa!
"Babalik ako bukas ng gabi. Wait for me." Hinarap ko muna ang mas'yon. Tinitigan bago umalis. Nag-laho ako sa village na 'yon habang tinitiis ang bigat ng dala ko.
Pagod na pagod akong naka-uwi sa bahay. S'yempre tinago ko muna ang mga ninakaw ko at nag-bihis ng pantulog bago ginising si Fairy. Halos ala una na ako ng madaling araw naka-uwi kaya tinulog ko muna ang pagod at ngalay ng katawan ko. "Mirabella! Gising na! Pinaghihintay mo ang grasya!"
Pakiramdam ko, kakapikit lang ng mga mata ko. Ang kinaibahan lang, bago ako naka-tulog, madilim pa ang paligid pero ngayon, tirik na yata ang araw. Tinatawag na ako ng nanay ko tapos ang ingay-ingay na ng mga tao at sasakyan sa labas.
Nahihikab akong bumagon sabay pumasok sa banyo. Naligo muna ako bago bumaba sa kusina. "Ang aga natin natulog kagabi pero bakit gan'yan ang hitsura mong bata ka?" Nahihikab ako habang naka-upo sa bangko.
Mukhang umuwi na yata si Fairy. "Mamalengke muna ako. Inaantay na ako ni Pernando sa kanto. Bilisan mo na ang kilos dahil mahuhuli ka na sa trabaho mo." Hindi ako nag-salita dahil naka-pikit pa talaga ang mga mata ko. Narinig kong humakbang palayo si nanay hanggang sa hindi ko na naramdaman ang presens'ya n'ya rito sa loob.
Pag-mulat ko ng mga mata, naka-handa na agahan ko. Sunny side up egg, hotdog at sinangag. Kumain na ako kahit inaantok pa. "Sis! Ano, kumusta ang raket natin kagabi?!" Lumipas ang ilang mga minuto, dumating na si Fairy. Naghuhugas naman ako ng mga pinagkainan ko ngayon sa lababo.
"Saan si nanay?" tanong ko muna.
"Nasa labas pa. Nakipagchismisan pa kay Aling Koray!" Dumikit s'ya rito sa tabi ko. "Ano sis, may nakuha ka ba?" mahinang bulong n'ya.
"Maluluwa ang mga mata mo kapag nakita mo 'yon." Napa-singhap s'ya. Tinapos ko muna ang mga hinuhugasan bago ko ipinakita sa kan'ya ang kota ko kagabi.
Parang hindi rin s'ya makapaniwala dahil ngayon lang daw 'to nangyari. Noon, bilang lang na alahas ang nakukuha ko pero ngayon, ako na ang nahihirapang mag-bilang.
Aabot siguro 'to ng limang milyon. Kaya ako babalik mamayang gabi para ubusin ang mga natirang alahas at secured na ang heart transplant ng nanay ko.
Kapag malikom ko na ang pera, ititigil ko na 'tong maduming gawain. Ni minsan, hindi ko ginastos sa luho ang perang galing sa nakaw. Naka-laan lang talaga 'yon para sa nanay ko.
'Yong mga ginagastos namin dito sa bahay, galing 'yon sa sahod ko. "Hindi mo ba ipagbigay alam kay Rala?" tanong sa 'kin ni Fairy habang sinusukat-sukat 'yong kumikinang na men's bracelet sa pulsuhan n'ya. Naka-upo kami ngayon sa kama ng pangalawang kuwarto. Dito muna kami.
"Hindi muna. Hahatiin namin 'yong kinita kapag sinabi ko pa. Sabihin ko na lang na ilang libo lang ang nakuha ko." Tinanguan n'ya ako.
"Aba dapat lang para hindi ka na mamoroblema sa 10 million na 'yan sis. Ubusin mo na mamayang gabi." Huminga ako ng malalim.
"Oh, what's with that expression sissy? Hindi ka ba masaya at malapit mo na maipon 'yong hinahangad mong halaga?"
"Masaya naman pero excited ako na parang kinakabahan for tonight." This unsettling feeling suddenly bugs me. First time kong naka-tangay ng ganito karaming alahas pero ngayon lang din ako kinabahan ng bongga.
"Let go of it, sissy! Malapit na matupad ang pangarap mo!" He giggled. Something is off here. Why do my hands get cold like a corpse habang tinititigan ang kumikinang na mga alahas sa loob ng karton.
Oh, well. Baka excited lang talaga akong bumalik.
And it happened again.
Kinakabihan, bumalik talaga ako sa mans'yong 'yon. Nawala ang kaba ko na'ng maka-akyat ulit sa balcony dahil nasasabik akong makuha 'yong natirang mga jewelry but an incident had happened.
To my surprise, I almost died on the spot dahil may naghihintay na pala sa 'kin doon sa loob. Ang may-ari ng mans'yon.
Pinagsisihan kong bakit pa ako bumalik doon. The worst thing is, nakita ng matikas na lalakeng 'yon ang mukha ko!
Ang mukha ni Mirabella!
Ginawa ko ang lahat para maawa s'ya sa 'kin pero kasing tigas ng ano ang puso n'ya.
Sa unang tingin, maginoo naman ang lalake tapos ang guwapo-guwapo pa pero parang namingi ako dahil may ibinigay s'yang kondis'yon sa 'kin para hindi n'ya ako ipakulong.
Makipagsiping daw dapat ako sa kan'ya! Dyos mio! Kahit sabihin nating masarap s'ya, hindi ako papayag na isusuko ang bandera ko sa ganoong lugar at sitwasyon!
So, I did a dirty trick para maka-takas.
Pinisa ko lang naman ang itlog n'ya. "YOU LITTLE THIEF! HAHANAPIN KITA!" Habang palayo ng palayo sa mans'yon, ume-echo ang nakakakilabot n'yang sigaw.
I was running for my life. Dumadagungdong ang puso ko dahil sa kaba. Kahit tagumpay akong naka-takas at naka-uwi, naririnig ko pa rin ang boses ng lalakeng 'yon. Halos hindi ako naka-tulog buong mag-damag.
"Naku sissy! Paano na 'yan! Paano kung hinahunting ka talaga n'ya?!" At ikinuwento ko ang buong pangyayari kay Fairy. Nasa simbahan pa si nanay ngayon kaya puwede kami mag-usap habang nagkakape rito sa loob ng kusina.
"Hindi naman siguro. Hindi n'ya nalitratuhan ang mukha ko. Mas inuna n'ya pa ang libog n'ya!" Sabay pabagsak na nilapag ang tasa sa ibabaw ng mesa.
"Sissy, naman! Sana pumayag ka na lang makipag-ehem! Delikado pa rin kahit hindi n'ya napicturan ang face mo!" nagaalalang usal n'ya sa 'kin. "Ang dami mong ninakaw na alahas sa mansyon ng guy na 'yon. Pinagbigyan mo na lang sana para safe ang identity mo!"
"Bumalik pa kasi ako para ubusin 'yong mga alahas. Nalagay tuloy ako sa alanganin." Huminga ako ng marahas sabay napa-sandal sa sandalan ng upuan. "Hindi talaga ako papayag na makipag-angkasan sa kan'ya. Napisa ko tuloy ang imbakan ng semilya n'ya." Napa-cross arms ako.
"Iyon daw kasi ang kapalit para hindi ka ipapulis. Kung ako sa 'yo, binuka ko na lang ang mga hita ko." Napa-hagikhik pa ang sira. "Ang agresibo mo naman, sis. Paano na lang kaya kung nabaog 'yon na'ng dahil sa 'yo?"
"Tigilan mo ako, Pernando ha. Badmood kaya ako."
"Hindi ba't narinig mong hahanapin ka ng guy? Tumakas ka na kaya!"
"Ayaw ko. Hindi n'ya ako mahahanap—"
"MIRABELLA! JUSKO! SAAN KA?!" Napa-upo ako ng tuwid na'ng marinig ko ang boses ni Rala na parang madapa-dapa na sa bilis ng kan'yang mga yabag. Binalingan ko agad ng tingin ang naka-bukas na pinto nitong kusina.
"M-MIRA!" Sumulpot s'ya roon habang bakas sa mukha n'ya ang matinding pagalala.
"Anong nangyari, girl?" tanong ni Pernando.
"U-UMALIS KA NA NGAYON DIN! WANTED KA SA BUONG SYUDAD SA SALANG PAGNANAKAW! HINAHANAP KA NG LALAKENG NAGNGANGALANG LEGIS DEMORGON!"