TEASER
“Ang dilim.”
Kahit wala akong mas’yadong nakikita, saulado ko na kung saan ako tutungo sa kuwartong ito. Pinagpatuloy ko ang mabagal na paglalakad habang alerto ang lahat ng senses para matukoy ko kung may tao.
Hindi napigilan ng sarili kong balikan ang mansyon na ‘to para nakawin ang natitirang mga mamamahaling alahas. Tiba-tiba kasi ako kagabi. Jackpot mas’yado dahil walang katao-tao ang mans’yon at naiwang hindi naka-lock ang sliding door ng balcony kaya ako naka-pasok.
“Don’t move.” Halos maluwa ang mga mata ko na’ng umugong ang baritong boses ng isang lalake. Tumigil ako sa pag-kilos. Huminto ang pag-t***k ng puso ko pati na rin ang aking pag-hinga na’ng bigla pang bumukas ang nakakasilaw na ilaw na nagmumula sa chandeliers.
Lumiwanag ang paligid pero nanlabo yata bigla ang paningin ko! Aatakihin ako sa puso!
MAY TAO!
POR DYOS POR SANTO!
DIOS MIO! ANONG GAGAWIN KO?! “Show yourself.” A mandatory voice. Malalim, mahinahon, pinong-pino ngunit matigas na tono. Tumindig ang mga balahibo ko. Pati sa puwet, damay! Lagot na, sigurado akong s’ya ang may-ari nitong mansyon!
Kahit tinatambol na ang kaibuturan ko, dahan-dahan kong ginalaw ang naninigas kong katawan at hinarap kung saan naroroon ng boses na iyon. “I knew it,” rinig kong bulong n’ya pero hindi ako nakapag-salita.
Biglang namingi ang mga tainga ko. Nag-slow motion ang paligid. Naging zero gravity ang kuwarto dahil naka-kita ko ng makisig at guwapong lalakeng ngayon ko lang nasilayan sa buong buhay ko.
Umawang ang aking mga labi dahil paanong hindi?!
NAKA-BOXER SHORTS LANG S’YA! KITANG-KITA KO LAHAT! OO, AS IN LAHAT! Kahit may sapin, s’yempre invisible na ‘yon sa mga mata ko.
“Ikaw pala ang kriminal na nanloob sa aking tahanan kagabi.” Nanliit ang kan’yang mababangis na mga mata.
Tila nakikita n’ya pati ang nangangatog kong espirito. Hindi ko na nga alam kung nasa katawan ko pa o sumalangit na.
“K-Kriminal agad, Sir?” mahinang usal ko sa. “Hindi ba puwedeng... akyat-bahay lang muna?” Sabay isinabit ang ilang hibla ng aking buhok sa kaliwang tainga ko para mag-pacute. Pero hindi yata umobra dahil lalong naningkit ang mga mata n’ya.
“N-Nagkakamali kayo, Sir. Hindi po ako kriminal or akyat bahay! N-Naligaw lang ako, promise!” He crossed his arms under his hairy chest. Napa-kagat labi tuloy ako dahil nasaksihan ko kung paano namukol ang mga muscles n’ya.
“Naligaw?” panguulit n’ya. Oh my, his voice is hotter even more kung nagtatagalog s’ya. “You have a ladder on the wall. You are wearing combat shoes. Leather jacket and leggings. All black. Not to mention your… realistic silicon face mask. Your outfit is obviously suspicious.”
Doon lumaki ng todo ang mga mata ko. Napa-mura ako ng ‘sangkatutak sa utak ko. How did he know?! Sa lahat ng mga biktima ko, s’ya pa lang ang naka-hula sa sikreto ko! Ito ang secret weapon ko para hindi ako makilala ng mga awtoridad!
“Remove it or else I will break your arms like pieces of twigs.”
Kinabahahan ako ng bonggang-bongga. Sana pala, hindi na ako bumalik dito! Sana nakontento na ako sa ninakaw ko kagabi!
“W-Wag naman, Sir… maawa po kayo sa ‘kin! Spare my life! Hinding-hindi na po ako babalik dito!” Wala akong ibang magawa kundi, binagsak ko ang aking mga tuhod sa sahig. Lumuhod ako sabay pinagdikit ang mga palad at kiniskis ang mga iyon para mag paawa effect.
“M-May sakit kasi ang nanay ko, Sir! Wala na po kaming makain! Ginawa ko lang ‘to para madugtungan ng buhay ng pinakamamahal kong ina!” At kinagat ko ng mariin ang dila ko at doon ako napa-iyak sa sakit. Punyetars naman oh. Kailangan ko pa mag-acting ngayon.
“S-Sir… s-sorry po… patawarin n’yo ako, Sir… P-Pagbigyan n’yo po ako!” Ginamit ko talaga ang nakakaawang facial expression. With tulo luha and konting uhog pero hindi pa rin nagbabago ang pait ng expression n’ya. Bigla s’yang humakbang palapit sa ‘kin.
“S-Sir…” Tiningala ko s’ya na’ng tumigil sa aking harapan pero napa-baba saglit ang mga mata ko dahil na-distract ako sa malaking naka-usling bukol sa boxer shorts n’ya.
Pasimple akong napapalunok ng laway habang pinipilit ko ang sariling maiyak.
Imbes na mga mata ko ‘yong umiiyak, pati na rin yata ang perlas ng silanganan ko, maiiyak na rin.
“You, little thief. Do you know that... I was here last night when you were robbing me. I was taking a shower. When I was about to enter my closet, I saw you desperately putting my jewelry in a black pouch bag.”
Napapa-oh-my-God na lang talaga ako. “I didn’t kill you dahil naawa ako sa iyo. However, hindi maganda ang araw ko ngayon kaya’t… Hindi na ako maaawa sa isang babaeng magnanakaw na katulad mo.”
Napa-hawak ako sa dibdib ko. “A-Ang sakit n’yo naman mag-salita. Paano n’yo nasasabi ‘yan sa maganda at nakakaawang dalagang katulad ko—Sir!”
Sumigaw ako dahil bigla-bigla n’ya lang kinapitan ang buhok ko sa tuktok ng aking ulo at marahas inalis iyon. Automatic, natanggal din ang silicon facemask ko. Tinapon n’ya iyon sa isang tabi.
Naipakita ko sa lalakeng ito ang aking mukha. Napa-tulala na lang ako. “Hmm… you are indeed beautiful and... sexy too. What a waste kung papaslangin kita ngayon.”
Matigas akong napa-lunok dahil nasaksihan ko kung paano napa-ngisi ang guwapong lalake. “If you want to live, or, kung hindi mo gustong ipakulong kita, I have a little condition.” Umiba ang ihip ng hangin pero bilang kuminang-kinang ang mga mata ko.
“T-Talaga, Sir?! Ano ‘yon?! Sabihin n’yo lang po!”
“All you have to do is to have s*x with me.” Nawala bigla ang ngiti ko. Biglang dumilim ang aking paningin.
“s*x?! As in magkakantutan tayo?!” malakas kong singhal.
“Precisely.” Pinandilatan ko s’ya ng mga mata.
“Aba..." Tinitigan ko s'ya pababa-pataas. "ANG GINOO N’YO TINGAN PERO ANG LANTOD N’YO PALA—“ Napa-tigil ako sa pagsasalita dahil mabilis n’yang dinakma ang panga ko gamit ang malapad n’yang kamay.
“Keep talking so I will shove my d**k down to your esophagus.” Sabay pinasok ang hinlalaki n’ya sa bibig ko. Panic mode. Bumilis ang pag-hinga ko.
“ESOPHAGUS MO MUKHA MO! AYAW KONG MALAGUTAN NG HININGA!” At ginamit ko ang pinagbabawal na teknik.
“FUCKKKKKKK!” Umalingawngaw ang napakalakas n’yang malalim na balahaw dahil dinakma ko rin ang dalawa n’yang itlog at piniga ng napakadiin!
S’YA NAMAN NGAYON ANG NAPA-LUHOD! Hindi ko na inaksaya ang oras ko dahil tumayo na ako at kumaripas ng takbo papuntang balcony! Ginamit ko ulit ang ladder para makababa habang rinig na rinig ko ang daing at hiyaw sa loob ng kuwarto ng manyak na halimaw!
“I-I-AM… GOING TO FIND YOU!” Bago tumakbo palayo, um-e-echo sa buong gubat ang mga sigaw n’yang iyon!
NAPISA KO YATA ANG ITLOG N’YA!