MIRABELLA
“Mira, sis. Hindi yata kita masamahan sa sideline natin mamayang gabi. Sayang, sabi pa naman ni Kuya, wala daw talagang tao ang mansyon na iyon. Perfect pagnakawan. Wala kasing magbabantay kay Bunso. Ipagliliban ko muna. Kung ayos lang sa 'yo,” marahang wika ni Rala habang nagkukuskos ako ng cooking pot dito sa sink.
Nasa loob kami ng dishwashing area. Nagtatrabaho kami bilang dishwasher ng isang Authentic Filipino-American na Karinderya. “Gusto ko talagang sumama dahil minsan lang talaga tayo makatagpo ng mansyon na walang katao-tao kahit caretaker man lang,” dagdag n’ya pa. Naka-tayo lang s’ya sa tabi ko.
“Confirmed na ba talaga ‘yan? Na-double check na ni Rolie?” paninigurado ko.
“Oo nga. Ilang beses na n’yang binisitahan ang mans’yon. Hindi naman masasabing abandonado dahil kahit nasa loob ng masukal na gubat, malinis pa rin sa loob at sa labas. Baka nag-bakasyon lang ang may-ari,” paliwanag n’ya pa. Nanangangati tuloy ang mga palad ko. Sana suwertehen ako mamaya.
“Ako na lang ang aalis. Aambunan ko na lang kayo kung malaki-laki ang makukuha ko.” Um-oo s’ya sa ‘kin. Huminga ako ng malalim at saglit na ipinahid ang pawisan kong sintido sa kaliwang mangas ng uniform ko.
Bukod sa pagiging dishwasher at waitress, may isa pa akong tinatagong trabaho. Delikado at illegal. Matagal na kaming hinahunting ng mga awtoridad. We are thieves. Mga magnanakaw o akyat bahay.
I am now twenty years old. Pinasok ko ang ganoong uri ng trabaho last year lang. Hindi ko naman papasukin ang sideline na ‘yon kung walang malalim na dahilan ‘e. Noong 18 years old ako, nalaman ko kasing may heart failure pala ang nanay ko.
Kinakailangang sumailalim s’ya sa heart transplant sa lalong madaling panahon. Halos ten million ang gagastusin. Bago ako naging magnanakaw, sinubukan ko naman ang lahat ng posibleng paraan. Nag-kayod kalabaw, nagpapansin sa mga mayayaman, nanawagan sa radio at TV pero halos sixty thousand pesos lang ang naipon ko.
Sa isip-isip ko, kapag pinagpatuloy ko ang ganoong gawi, hindi ko maliligtas ang nanay ko. Talagang malas lang siguro kami dahil walang gustong tumulong sa ‘min na i-fully paid 'yong hospital fees.
At the age of 19, I became a thief.
Wala kasi akong katuwang. Sa hirap ng buhay, senior high school lang ang nakaya ng mama ko dahil hindi n’ya na ako kayang paaralin tapos may dinaramdam na pala s’yang sakit.
Wala akong tatay. Iniwan n’ya ang nanay ko noong nalamang nabuntis n’ya. Walang hiya, ‘di ba? Kung sabagay, mas ayos sa ‘kin na walang ama dahil ang daming nakapagsabi sa barangay namin na sira ulo ang tatay ko.
Ang ibig kong sabihin, tambay sa kanto, lasinggero, sugarol, nagwawala sa inuman tapos sadista pa.
Kami na lang ng nanay ko ang nagtutulong-tulungan pero hindi ko na s’ya hinahayaang mag-trabaho ng mga mabibigat. Ako na ang bumubuhay sa kan’ya. Hindi ko naman gustong mahirapan lalo ang nanay ko.
“Mira, magiingat ka ha? Baka magising ang nanay mo na wala ka sa higaan mo. Mahirap na,” paalala pa sa ‘kin ni Rala.
“Hindi 'yan,” tugon ko. Hindi pa kasi alam ng nanay ko ang tungkol sa sideline ko. Baka atakihin ‘yon sa puso at alam kong papagalitan n’ya ako ng husto dahil masama ang mag-nakaw.
Isa pa, maka-Diyos si nanay. Hanggang ngayon, nagiisip ako kung ano ang idadahilan ko sa kan’ya kung naka-ipon na ako ng malaking halaga para sa transplant.
She really could have a heart attack kapag nalaman n’ya ang sikreto ko o ‘di kaya, hahambalusin n’ya ako ng walis tingting dahil kahit may sakit sa puso ang nanay ko, agresibo ‘yon at nakakatakot.
2 years ang palugit na binigay sa ‘kin ng doctor. Dapat maoperahan na ang nanay ko kaya ako kumapit sa patalim. Wala akong pakealam kung masama.
Naka-handa na ako sa impyernong babagsakan ko sa huling hantungan. Ang gusto ko lang, makasama ng matagal ang nanay ko. Ang madugtungan ang buhay n’ya. Kung wala lang s’yang sakit, nakapag-tapos sana ako hanggang college. Igagapang n’ya ang pagaaral ko. Ganoon kasipag ang nanay ko pero sumusuko talaga ang katawan n’ya.
“Rala, Mirabella! Puwede n’yo na makuha ng leftover na mga pagkain!” Tamang-tama, natapos ko na banlawan ang hinuhugasan kong kaldero. Tinawag na kami ng Boss namin sa kusina.
“Ubusin n’yo lahat ‘yan. Pag hati-hatian n’yong dalawa.” Na’ng maka-pasok kami sa loob, tinungo namin ang malawak na kitchen table. Naka-lapag doon ang mga kaserola na pinaglagyan ng mga natirang ulam sa menu kaninang tanghali. “Maiwan ko muna kayo. Nand’yan na rin ang supot.”
“Salamat po, Boss!” masiglang sigaw ko na’ng huminto kami sa kaliwang side ng mesa. Narinig kong bumukas-sara ang pintuan. Naka-alis na si Boss. “Buti na lang, may leftovers ngayon. Kahapon, simot talaga,” natatawang usal ko sabay kuha ng puting plastic na supot.
Kahit sabihin ko pang may malaki-laking pera akong naipon, hindi ko puwedeng galawin ‘yon. Nagtitipid nga kami sa bahay. Ang mamahal pa mas’yado ng bilihin. Si Nanay ‘yong pina-priority ko. Tuwing sahod, bumibili talaga ako ng ulam para sa kan’ya.
Magsisinungaling akong naka-kain na ako para hindi n’ya ma-offer sa ‘kin ‘yong niluto ko. Para lang talaga sa kan’ya ‘yon. Pasalamat ako kapag may tirang pagkain sa karinderya. Doon ako nakakakain ng maayos.
“Boss, salamat po. Uuwi na po kami!” Lumabas na kami sa kusina habang bitbit ang isang malaking plastic. Doon nakapaloob ang maliliit na mga supot na may lamang ulam. Naabutan namin si Boss na kausap ‘yong anak n’yang babae. Hindi na nila kami pinansin kaya lumabas na kami ni Rala.
Nilakad namin ang kinaroroonan ng main road ng street na ‘to. May pahabang waiting shed doon banda. “Sandali lang, check ko muna ang pamasahe ko kung kasya pa. Pahawak nga saglit.” Iniabot ko kay Rala ang plastic. Hinawakan ko ang sling bag ko para makapa sa front pocket ang natira kong barya kanina.
“Dios mio, kinse pesos lang ang pera ko,” bulong ko na’ng makita sa kaliwang palad ko ang isang sampung piso at isa ring limang pisong barya. Fifty pesos ang pamasahe para makauwi ako sa barangay namin. Mukhang maglalakad na naman ako nito.
“May extra money pa ako rito, Mira. Utangin mo muna.” Binalingan ko ng tingin si Rala sa kanang gilid ko.
“Maglalakad na lang ako kaysa mangutang sa ‘yo.” Hinagikhikan n’ya ako.
“Sabi ko na nga ba, ‘yan ang maririnig ko. Baka suwerte ka naman mamayang gabi. Kinukuripot mo mas’yado ang sarili mo, Mira,” natatawang sabi n’ya pa. “Ayaw mo naman mag-palibre.” Tama s’ya. Hindi nga.
“Matagal na akong kuripot. Kahit panty nga, pinagiisipan ko pang bilhin.” Sinilid ko pabalik ang barya sa sling bag ko sabay bumuntong hininga. “Isa pa, ang kapal naman ng mukha ko kung magpapalibre ako sa ‘yo. Buti sana kung rich kid ka.”
Lumakas ang tawa n’ya. Napa-titig ako sa kalsada habang sumasalubong ang mga kotche, tricycle at motorcycle. Mukhang lumakas pa yata ang ulan. Hindi ako puwedeng umalis dito hangga’t hindi tumitila dahil ayaw kong mag-kasakit. Walang magtatrabaho. Sayang ang pera.
“Mag-asawa na lang kaya tayo ng mayamang lalake? Hindi na baling matanda o pangit.” Natawa ako ng hilaw.
“Sino naman kaya ang sira ulong papatol sa ‘tin?”
“Gaga. S’yempre mero’n ‘yan. Lalo ka na dahil hindi ka lang basta maganda. Pamatay din ang sexy body mo. Ang dami mo na’ng nalinlang dahil d’yan—“
“Shh!” Binalingan ko s’ya ng tingin sabay idinikit ang kaliwang hintuturo ko sa center part ng aking mga labi. “Dyos mio ka! Baka may maka-rinig sa ‘yo!” At saglit pa akong tumingin-tingin sa paligid pero buti na lang, kami lang dalawa ang tao sa waiting shed.
“Binansagan ka ngang ‘The Sexy Thief with Hundreds of Faces’,” dagdag n’ya pa habang naka side view sa aking paningin. She’s right.
Iyan nga ang tawag sa ‘kin ng mga pulis. Gumagamit kasi ako ng iba’t ibang silicon face mask para linlangin ang biktima ko. Sometimes, I have to distract my victim gamit ang pangaakit lalo na kapag lalake ang target ko.
Nagiging tanga at bobo kasi ang ibang mga kalalakihan pag dating sa katawan ko. Kadalasan, nagpapanggap talaga akong maid dahil mas convenient ang pagkakataon para mag-nakaw.
“Biruin mo ha.” Hinarap n’ya ako. “Pati the youngest mayor natin, naakit mo. Nakuha mo tuloy ang relo n’ya,” bulong sa ‘kin. I let out a deep sigh.
“Halos sampung libo lang naman ang benta ko,” tugon ko habang naka-nguso. “Ang hirap kasing nakawin ang ibang mans’yon ng mga mayayaman dito sa ‘tin dahil ‘yong mga kayamanan nila, kung hindi sa vault, sa hidden place naman na kinakailangan ng password. Hindi naman ako hacker. Professional lang ako na magnanakaw.”
Ang dami pang aaralin kung gusto kong mang-hack ng passwords. Iyon sana ang gusto ko pero ang bobo ko naman pagdating sa math kaya ‘wag na lang.
Sa englishan, papatol pa ako.
“Mag-hanap ka na lang kaya ng lalakeng mayaman?” Napa-kamot ako sa likod ng ulo ko habang napapangiwi. Noon pa ako tinutulak ni Rala na mag-asawa ng mapepera.
“At paano naman kaya ako magugustuhan? Just look at me.” I showed myself to her. Tinitigan n’ya ako mula ulo hanggang paa at pinako ang tingin sa mukha ko.
“Mirabella, maganda ka. Maputi at mala-rosas ang balat, matangos ang ilong, makurba ang mga pilik-mata tapos balingkinitan pa ang katawan. Malalaki ang dibdib, maliit ang baywang, sakto lang ang lapad ng balakang tapos ang laki ng puwet mo. Araw-araw akong naiinggit sa ‘yo—“
“Yes, my beauty and my body are might exceptional but how about my background? Laki ako sa lower class family. Senior high school lang ang natapos ko. Isa pa, akala mo ba hindi ko sinubukan? Sa isang taon na pagiging magnanakaw, lahat ng mga mayayamang lalakeng nakilala ko, may mga asawa at girlfriend na tapos doble-doble pa ‘yan.” S’ya naman ang napa-buntong hininga.
“May punto ka,” malungkot n’yang usal kaya tinapik-tapik ko na lang ang likod n’ya habang natatawa.
Kinuha ko sa mga kamay n’ya ang malaking plastig bag. Tumagal pa kami ni Rala roon hanggang sa dumating na ang Kuya Rolie n’ya. Naka-angkas sa motorsiklo ng kaibigan n’ya. Umangkas na rin si Rala sa likod. “Mauuna na kami, Mira!” She waved her hand.
Nginitian ko s’ya bago sila umalis. Ako na lang ang mag-isa sa waiting shed. Base sa sinag ng araw at liwanag ng paligid, mukhang ala singko na ng hapon. Umaabon pa rin.
Kinakailangan ko na’ng umuwi bago makapag-luto ang nanay ko. May dala na kasi akong ulam. “Ayos na ‘to.” Humakbang na ako paalis sa waiting shed at nilakad ang kahabaan ng side walk.
Halos thirty minutes ang lalakarin ko mula rito hanggang sa bahay. Hindi alintana sa ‘kin ang sakit ng likod ko at binti. Hindi ko pinapansin iyon habang tahimik na naglalakad.
Napapagod ako sa sitwasyon namin pero lumalaban ako araw-araw. Doble kayod. “Uy! Psst! Mira! Ang sexy natin ah!”
“Whew!”
Hindi ko pinansin ang tatlong lalakeng nagiinuman sa kaliwang gilid ng kalsada—sa ilalim ng kumururap-kurap na street light. Ginabi na ako. “Uuwi ka na ba, Mira?”
May kalawakan ang kalsadang ‘to. Nakita kong tumayo pa talaga silang tatlo at lumakad pasulong sa ‘kin para harangan na naman ako.
Kilalang-kilala ko ang mga lalakeng ‘to. Sila lang naman ang mga anak ng mga kaibigan ng tatay ko dati. Mga lasinggero rin. Walang ginawa kundi tumambay buong mag-hapon tapos mag-inuman tuwing gabi.
Naging parte na yata ng buhay ko ang pakikipagsagupaan sa kanila. “Hindi ka na naman ba mamamansin porke maganda ka?” Wala akong imik. Tumigil sila sa puwestong madadaanan ko pero umiba ako ng direks’yon para maiwasan sila.
Kahit ilang metro pa ang layo mula sa ‘kin, amoy na amoy ko na ang napakabahong alak. Umaalingasaw sa kanila.
“Pre, snob ka ulit,” pangaasar ng isang impakto dahil nilagpasan ko sila sa paglalakad.
“Hindi ka makakatakas…” At biglang sumulpot sa harapan ko ang imahe ng isang bakulaw. Doon ako napa-hinto. Kaagad na tumabi ang dalawa sa magkabilang gilid n’ya.
“Date daw kayo ni Bruno bukas, Mira,” wika ng mukhang sapsap.
“Tumabi kayo. Ang aasim n’yo,” seryosong usal ko habang binibigyan sila ng malamig na tingin.
“Ano ang sabi mo?” Humakbang pa ng isang beses si Bakulaw. Tinaasan ko s’ya ng kilay.
“Gusto mo bang madagdagan ‘yang kalmot sa pisngi mo?” Sabay napa-titig sa left cheek n’ya dahil kinalmot ko lang naman ‘yan noong nakaraang araw dahil sa pamemeste sa ‘kin.
Hindi pa rin hilom. Parang kalmot ng pusa ang nagawa ko. Apat na daliri ko pa naman ang ginamit ko.
Nanliit ang mga mata ng bakulaw. “Ang suplada mo. Pinagbibigyan lang kita dahil babae ka pero sumusobra ka na,” mariing usal n’ya.
Binuka ko ang kanan kong kamay dahil hindi ako magdadalawan isip na kalmutin ang kabila n’yang pisngi.
“HOY! ANONG GINAGAWA N’YO SA ANAK KO?!” At lumaki ang mga mata nila na’ng umalingawngaw ang nakakatakot na boses ng nanay ko.
Pag-lingon nila sa kanilang likuran, doon ko lang naman nakita ang nanay kong patakbong naglalakad habang kapit-kapit ang mahiwaga n’yang walis tingting.
Nanlilisik ang mga mata habang naka-angat na ang sandata n’ya sa ere at naka-handang ihambalos ‘yon sa mga gagong ‘to.
“Si Aling Mirabel! Takbo pre!” Biglang nag-laho ang mga tambay sa harapan ko.