BIGLA akong napa-tayo sa pagkakaupo. Natumba ang bangko. Bumagsak iyon sa sahig. Bumilis bigla ang pintig ng puso ko na parang hindi na ako maka-hinga. Sumapi sa ‘kin ang matinding kaba. “T-Totoo ba ‘yan?” pabulong kong usal. Mabilis akong tinanguan ni Rala at humakbang papalapit sa ‘kin.
“Tingnan mo ‘to, Mira! Nakita ko ‘tong naka-paskil sa waiting shed kaninang umaga!” Tumigil s’ya sa harapan ko saka pinakita sa ‘kin ang isang printed white paper.
My heart almost dropped when I saw my face in a sketch drawing. Kuhang-kuha ang bawat detalye ng mukha ko. Kahit hindi tingnan ng maigi, imahe ko talaga ang naka-print sa papel.
Napa-tulala ako. Naging blanko ang utak ko. “P-Patingin nga n‘yan, sis!” Tumako palapit sa ‘min si Fairy. Hinablot n’ya sa mga kamay ni Rala ang papel na iyon at tinitigan. Lumaki ang mga mata n’ya.
“W-Wanted. Sexy Thief. Dead or alive?!” Binasa n’ya pa ang mga naka-sulat doon. “Diyos ko, Mira!” Binalingan n’ya ako ng seryosong tingin. “TUMAKAS KA NA!” sigaw n’ya sa ‘kin.
Nanginig ang buong katawan ko. Parang hindi ko magalaw kahit mga daliri ko dahil naisip ko agad ang nanay ko. “P-Paano si nanay?” Napansin kong nangangatog na talaga ang mga kamay ko pati na rin ang aking bibig. Lumapit sa ‘kin si Fairy. Hinawakan n’ya ang magkabilang balikat ko.
“Kinakailangan mo ng tumakas! Doon ka sa muna sa kakilala ko na malayo rito! Kapag nalaman ‘to ng mga tao rito, siguradong susugurin ka nila! Ihahatid ko si Tita! Ikaw muna ang umalis! Bilis na!”
Kinapitan n’ya ang kaliwang pulsuhan ko at hinila palabas ng kusina. “Mag-bihis ka, dali! Suotin mo ‘yong natira mong silicon face mask para hindi ka makilala!”
Nagpapanic kaming lahat. Nginig na nginig ang katawan ko habang nagbibihis. Halos dalawang minuto lang ang tinagal namin sa bahay. Nagpatawag ng tricycle si Rala. Ipinagsabi ni Fairy kung saan ako ihahatid ng driver. Bumiyahe na kami paalis sa bahay.
Habang nasa bihaye, pinagpapawisan ako kahit mahangin. Para akong matatae na ewan dahil hindi ko na masukat ang nerbyos kong nararamdaman ngayon. Naninikip ang dibdib ko.
Pero may isa pang emosyon na namumuo sa ‘kin. “Punteyang lalakeng ‘yon. Ang lakas ng loob n’yang i-report ako porke hindi ko napagbigyan an gusto n’ya?”
Para akong bubuyog na bulong ng bulong habang nasa sasakyan. Kumukulo ang dugo ko habang iniisip ang lalakeng ‘yon!
“Tanggap ko pa sana kung sinumbong n’ya ako na wala s’yang binigay na kondisyon! Pero ‘yong makipagtalik ako para hindi ako makulong?! Heaven knows I couldn’t do that! Puwede ko rin kaya s’yang kasuhan dahil kung hindi ko lang napisa ang dalawa n’yang itlog, siguradong gagahasain n’ya ako!”
Ang ingay naman ng tricycle kaya hindi ako maririnig ng driver.
Halos isang oras ang biyahe namin hanggang sa huminto ang sinasakyan ko sa isang magandang bahay. Sa loob kami ng isang private village na pare-pareho ang disenyo ng mga kabahayan.
Masasabi kong may mga kaya sa buhay ang mga naninirahan dito. Ang mga pamilyang nasa middle class. Bumaba na ako sa tricycle. Humakbang ako palapit sa metal gate bars. “Tao po!”
Sumigaw na ako agad habang sumisilip-silip sa loob ng kanilang bakuran. “Hello po!” Mas lalo ko pang nilakasan ang aking boses.
“Iha, bakit hindi ka mag-door bell? Hindi ka nila maririnig sa loob.”
Nagulat ako dahil may nag-salita sa likuran ko. Saglit kong nilingon iyon at nakita ko ang isang babaeng nasa 30s na dumaan habang kapit-kapit ang tali ng aso n’yang shih tzu.
Napa-kamot na lang ako sa gilid ng ulo at hinanap ‘yong sinasabi n’yang door bell. Nakita ko naman kaagad sa kaliwang bahagi ng simentadong pader. Pinindot ko ‘yong button doon ng apat na beses.
Ilang sandali lang, narinig kong bumukas ang main door ng bahay. Napa-titig ako roon. Nasilayan kong may lumabas na isang magandang babaeng naka-white dress. Lumakad s’ya palapit sa ‘kin. “Ikaw ba si Mirabella?” pormal na tanong sa ‘kin sabay pinagbuksan ako ng gate.
“Yes po. Ako nga po.”
“Tuloy ka. Kakatawag lang sa ‘kin ni Fernando. It seems like you are in a big trouble.” Napa-yuko ako na’ng humakbang papasok. Sinundan n’ya ako.
Alam n’ya na ang nangyari sa ‘kin. Pagkapasok ko sa kanilang bahay, pinatuloy n’ya rin ako sa loob ng living room.
Iniwan n’ya akong balisa roon at pinagpapawisan. Kabado talaga ako. Si nanay ang nasa isip ko. Binigyan ko s’ya ng seryosong problema. Hindi ko naisip na kayang i-describe ng lalakeng ‘yon ang mukha ko. Kuhang-kuha n’ya kahit ang napakaliit na nunal sa ilalim ng lower lip ko!
And who the hell was that guy again?! Sa sobrang panic, hindi ko na matandaan ang pangalan n’ya! I underestimated him! He’s so good at remembering my face!
“A-Anong gagawin ko…”
Napapraning ako. Habang naka-upo sa malambot na sofa, patuloy kong pinapakalma ang mga kamay kong nanginginig hanggang ngayon. Hindi malabong umabot ang wanted poster ko sa mga iba ko pang nabiktima noon.
Hindi malabong makarating sa kanila ang balitang pang-e-expose ng punyetang lalakeng ‘yon sa ‘kin!
This is his revenge for refusing his condition! Siguro, dahil na rin napiga ko ‘yong kampana n’ya!
“I am dead…” Sinasabunot ko ang sarili kong buhok dahil hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko.
Wala akong mukhang maihaharap sa nanay ko. Naiiyak ako sa frustration. Kahit pigilan ko man ang luha ko, kusang tumutulo.
Kapag mahuli ako ng mga pulis, siguradong patong-patong na kaso ang haharapin ko at malabo ko na’ng makakasama ang nanay ko. Ang malala, paano na lang ang heart transplant n’ya.
“S-Sissy…” Natigilan ako na’ng marinig ang pagkabukas ng pinto. Naramdaman ko ang presens’ya ni Fairy.
Mariin kong nilunok ang sarili kong laway dahil may kasama pa s’ya at alam ko na kung sino ‘yon. Dahan-dahan akong tumayo kahit nangangatog ang mga tuhod ko. Unti-unti kong binalingan ng tingin kung saan naroroon ang pinto.
Na’ng makita ko ang nanay kong tumutulo ang luha habang tinititigan ako ng matalim, pakiramdam ko, katapusan ko na.
Unti-unti s’yang nag-lakad palapit sa ‘kin. Naiwan sa bungad ng pinto si Fairy na nagaalala sa susunod na mangyayari.
“HINDI KITA PINALAKI PARA MAGING KRIMINAL!”
At lumagapak ang malakas na sampal sa kaliwang pisngi ko at ume-cho sa buong living room ang malutong na tunog. Napa-tagilid ang ulo habang rinig na rinig ko ang mabilis na pag-hinga ni nanay.
Doon sunod-sunod tumulo ang luha ko. Hindi dahil sa masakit na sampal, kundi, na-guilty ako. “Mira, matagal mo na palang tinatago ang kagagahan mo? Mas pipiliin ko pang mamatay kaysa may anak akong kriminal!”
My lips were trembling. Tatanggapin ko ang mga naririnig ko ngayon dahil alam kong mali ako. Sa simula’t sapul.
Nanlalabo ang paningin ko. Umaagos lang sa mga mata ang maiinit kong mga luha. Na-g-guilty talaga ako. “Hindi kita inutusan para mag-nakaw! Para lang may pambayad tayo sa hospital! Hinihintay ko lang ang kamatayan ko! Pinapasadiyos ko na lang lahat! Pero ikaw, ang dami mo na palang biniktimang mga tao! Hindi ka ba nahihiya?!”
Lumunok ako ng mariin at hinanda ang sarili para sa sagor ko. “’Nay, mas pipiliin ko na lang din maging kriminal kaysa mawala kayo. Sorry po,” seryosong usal ko.
“Walang gustong tumulong sa ‘tin. Nagawa ko ‘yon dahil natatakot akong iwan n’yo ako. Sana maiintindihan n’yo po ang nararamdaman ko bilang anak n’yo.”
“Tingnan mo nga ang resulta ng ginawa mo, Mira! Ikaw naman ‘tong makukulong!” Napa-yuko ako.
“Kung hindi n’yo gustong makulong ang anak n’yo, may paaran ako.” Natahimik kami dahil narinig ko ang boses ng babaeng sumalubong sa ‘kin kanina.
Narinig kong humakbang s’ya palapit sa aming kinatatayuan. “Mira, nasa magkano na ang naipon mo para sa heart transplant ng nanay mo?” Huminto s’ya sa tabi ni nanay.
“Mga nasa 5 million plus,” mabilis kong tugon. “10 million ang kailangan ko. Dalawang taon ang palugit na binigay sa ‘min ng doctor.”
“Mira!” saway sa ‘kin ni nanay.
“I have an offer para makumpleto mo ang ten million pesos na ‘yan. Puwede mo ring mabayaran ang lahat ng mga victims mo kinalaunan. Wala pang isang taon, maooperahan na ang mom mo but of course, gamitin mo muna ang five million bago mo bayaran.”
“Miss, ano ang nais mong iparating sa anak ko? Wala pa akong alam na trabahong may gan’yan kalaking suweldo!” Binalingan ko ng tingin ang babae.
“May alam akong isang non-government organization. They are hiring new servants there. Gawaing bahay ang trabaho. Kadalasan, you are serving the bosses. Utusan. ‘Yon nga lang, they are so strict. You have to be meticulous and formal. Malaki ang sahod since wala silang kapit sa gobyerno. Kung tutuosin, mas makapangyarihan pa sila.”
“N-Non-government organization?” Tumango s’ya sabay binalingan n’ya ng pormal na tingin si nanay. “Misis, you can’t surrender your own child in the hand of those corrupt and cruel authorities. They are dirty as rats. Well, mas madumi pa nga sila sa daga. Magsisisi ka kapag susuko si Mira sa mga kapulisan. Mag-isip kayo ng mabuti.” Napa-titig din ako kay nanay.
“Kung papayag kayo sa offer ko, let me know right now. Aalis na ako bukas dahil kinakailangan ko na’ng bumalik sa village na iyon.”
Hindi naka-usal si nanay. Mukhang nagiisip s’ya ng malalim. “Sa nakikita ko, matindi ang pagmamahal at pagmamalasakit sa inyo ng anak n’yo. Trust me, kapag sumurender si Mira sa mga pulis, hindi n’yo na s’ya makikita kahit kailan.” Hinarap ako ng babae.
“I will give you some time to talk about my offer. This is a limited edition only. Dahil kung dadaan ka sa ‘kin, wala na’ng pasikot-sikot pa. They will train you tomorrow.”
Tinalikuran n’ya ako at humakbang palabas ng pinto habang sinusundan ko s’ya ng tingin. Na’ng mawala na ang kan’yang presens’ya, si nanay naman ngayon ang hinarap ko.
“’Nay…” Kinapitan ko ang kan’yang mga kamay. “S-Sorry po…” Uminit na naman ang mga sulok ng mga mata ko habang s’ya, ay namumula rin ang kan’yang mga mata at nagpipigil ng iyak.
Seryoso s’yang naka-titig sa ‘kin habang pinagmamasdan ang pinapakawalan kong expres’yon. “Patawarin n’yo po ako, ‘nay…” Doon ko s’ya siniil ng yakap.
Hindi ko napigilang ibuhos ang emos’yon ko habang yakap-yakap ko ang nanay ko. Inaalala ko ‘yong mga kasalanan ko.
Isang taon na akong naging magnanakaw. May mga pagkakataong muntikan na akong mahuli pero nalagpasan ko ‘yon lahat dahil pursigido ako sa ginagawa ko.
Hindi ko talaga kayang mawala ang nanay ko sa ‘kin. S’ya lang ang nagiisa kong pamilya na mero’n ako. Hindi ako papayag na kunin agad s’ya sa ‘kin.
Wala na kaming natitirang oras. Dalawa lang ang aming pagpipilian. Nakapadesisyon akong sasama sa kakilala ni Fairy. Iyon lang ang tanging paraan para makatakas sa kaso ko.
“Fairy, ikaw na ang bahala kay nanay.” Kaming dalawa na lang ang nandito sa loob. Pinagpahinga ko muna si nanay sa kuwarto dahil med’yo tumaas na naman ang bp n’ya.
“Dinala mo ba ang pera pati ‘yong ninakaw ko kagabi?” Katabi ko s’ya rito sa sofa.
“Oo, sissy. Kinuha ko ‘yon sa pinagtataguan mo bago kami umalis. Dala ko rin ang mga gamot ni tita. Huwag kang magalala, ako na ang bahala sa kan’ya. Pumayag na si Gerlyn na dito muna kami titira hangga’t nandoon kayo sa village na ‘yon.” Huminga ako ng malalim.
“P-Pero… sissy… natatakot ako…” I faced him. Kinunutan ko s’ya ng noo dahil nakita kong mas pinagpapawisan pa s’ya kaysa sa ‘kin. He’s worried.
“Saan ka natatakot? Na mahuli ako?” Umiling s’ya. Nag-taka ako dahil mas’yadong seryoso ang mukha n’ya.
“H-Hindi ang tungkol d’yan.” Saglit kong binabaan ng tingin ang mga kamay n’yang nanginginig.
“S-Sissy, ‘yong sinasabi ni Gerlyn na non-government organization, m-m-mafia organization ‘yon na kinatatakutan ng lahat. Maaari mo ngang matakasan ang case mo rito pero… how would you survive there?”