MAY naririnig nga ako tungkol sa mga mafia na nag-lipana sa lugar namin pero hindi naman big deal sa ‘kin ‘yon. “Pernando, kung naka-survive si Gerlyn, ganoon din ako. Makakaya ko.”
“Sis, she had scars on her body. Lalo na sa likod n’ya. Nilalatigo ka roon kapag nagkamali ka. Or mas malala, buhay mo ang kapalit sa isang pagkakamali.” Hindi ko pinahalatang kinabahan ako sa sinabi n’ya.
“Paano mo pala nakilala ang babaeng ‘yon?” tanong ko.
“Suki ko s’ya sa home service ng manicure and pedicure ko.” Kaya naman pala.
“Sigurado ka bang hindi scam ‘yong offer n’ya sa ‘kin?” Umiling s’ya.
“Matagal na s’yang nagtatrabaho roon. Hindi sila pinapakealamanan ng gobyeryo. Safe ka nga roon pero may disadvantages naman. Maayos ang sahod pero nakakatakot ang lugar na ‘yon kaya ang sinasabi ko lang, magiingat ka.” Tumango ako.
“Matiis ko pa ang latigo kaysa mabulok sa kulungan. I will go with her tomorrow. That’s final. Maiiwasan pa ang mga pagkakamali sa trabaho pero itong expose na ang real identity ko sa buong syudad? Siguradong wala kaming permanent address ni nanay para makapagtago.”
“Sissy, nagaalala talaga ako sa ‘yo. Ipagdadasal kita.” Tinapik-tapik ko ang balikat n’ya.
“Wala na akong magagawa dahil nangyari na pero kapag makita ko lang talaga ang manyak na halimaw na ‘yon, makakatikim s’ya sa ‘kin,” mariing usal ko dahil nanggigigil pa rin ako.
“Sissy, dapat hindi ka magalit sa kan’ya dahil s’ya kaya ang biktima.”
“Ang manyak kasi. Kaya lang n’ya ako sinumbong dahil hindi ko s’ya napagbigyan.”
“Kahit na, sissy. Hindi natin s’ya masisisi dahil milyon-milyon kaya ang ninakaw mo,” payo n’ya sa ‘kin.
“Kahit na. Naiinis lang talaga ako dahil sa kalibugan n’ya. Plano n’ya akong ikama. Tumakas ako dahil ayaw ko. Kataggap-tanggap pa kung wala s’yang foul play sa ‘kin pero mero’n ‘eh.”
“Kalimutan mo na ‘yon, sissy. Pag-handaan mo na lang ‘yong lakad n’yo bukas. Ako na ang magaalaga kay Tita. Habang wala ka pang sahod, ako muna ang gagastos ng mga gamot n’ya.” Tumango ako.
“Salamat lagi…” Nginitian ko s’ya.
“I am your fairy godmother, you know?” I chuckled. “Malalagpasan natin ‘to, Mira. Galingan mo sa trabaho.”
Nag-usap kami ni Fairy sa loob ng living room. Maya-maya, dumating si Gerlyn. Ang may-ari ng bahay. Pumayag s’yang dito muna titira sina Fairy at nanay.
Wala kasing ibang nakatira rito. Tuwing day off lang s’ya nakakabisita. Ramdam kong mabait na tao ang kakilala ni Fairy kaya hindi ako mas’yadong nagaalala sa papasukan kong trabaho.
Kinagabihan, doon ko na sinabi kay Gerlyn na naka-handa na ako para bukas. Kinausap ko naman si nanay tungkol sa desisyon ko.
Ramdam kong labag sa kalooban n’ya pero hindi s’ya maka-hindi dahil pareho kaming walang magawa. Alam kong hindi gusto ni nanay na mapunta ako sa kulungan. Mukhang inintindi n’ya ang payo sa kan’ya ni Gerlyn.
“Kailan ka uuwi rito, Mira?” Naka-higa na kami sa iisang malaking kama. Tumagilid ako at niyakap si nanay habang naka-tihaya lang s'ya.
“Uuwi rin po ako kapag nagkaday-off po ako. Ipapangako ko po sa inyo na babayaran ko ‘yong mga ninakaw ko pagkatapos kong maipon ‘yong pangopera n’yo.” Huminga ng marahan si nanay.
“Kasalanan ko ‘to, anak. Kung hindi lang ako nagpakatanga noon sa tatay mo, hindi ako nagkaroon ng sakit.”
“Tsk. ‘Wag mo ngang sabihin ‘yan, ‘nay.” I hugged her tight.
“Masakit pa ba ang pisngi mo?” marahang usal n’ya sa ‘kin.
“Makapal ang mukha ko ‘nay. ‘Wag n’yo na’ng isipin ‘yon dahil kasampal-sampal naman talaga ako at may kasalanan ako,” saway ko sa kan’ya. Naramdaman kong hinimas n’ya ang tuktok ng ulo ko.
“Anak, babalik ka rito ha? Uuwi kang maayos ang pangangatawan. Kumain ka sa tama, matulog sa tamang oras, gumising ka ng maaga, at huwag kang lumandi roon. Naiintindihan mo ba ako?” Natawa ako ng mahina.
“Grabe ka naman, ‘nay. Parang makapag-bawal sa ‘kin, nagkaroon na ako ng boyfriend ah? Hindi naman po ako malandi. Slight lang.” Kinatok n’ya ang ulo ko at mas lalo akong natawa.
Buti na lang, naintindihan ako ni nanay. Hindi tumagal ang galit n’ya sa ‘kin. Nagulat lang s’ya ng husto kaninang umaga. Biglaan itong nangyari. Nagsisimula na yata ang karma ko.
Pag-sapit ng maulang umaga, inasikaso ko na ang sarili ko. Pinahiram ako ni Gerlyn ng damit n’ya. Isang fitted na pantalon at red blouse. Sabay kaming lahat nag-agahan. Pagkatapos, nagpaalam na kami sa isa’t isa nina nanay at Fairy dahil hindi ko alam kung kailan ko ulit sila makikita.
Lumabas na kami ni Gerlyn. Napagtanto kong may isang itim na kotche ang naka-park sa labas ng gate. Pumasok kaming dalawa sa back seat. “Who is she, babe?” Nagulat ako sa lalakeng nag-salita sa driver seat. Nilingon n’ya kami.
“She is a friend of mine. New servant sa black mansion,” tugon ni Gerlyn. Tumango na lang ang lalake at bumiyahe na kami paalis.
“Sino s’ya?” bulong ko habang tinititigan ‘yong lalakeng naka-black suit.
“He is a capo. His name is Kiro. Ka-fling ko.” Kaya naman pala tinawag s’yang babe. Kalandian n’ya pala.
Halos dalawang oras ang tinagal ng biyahe. Hanggang sa nakita ko sa labas ng wind shield ang matarik na metal gate bars.
Tinatanaw ko ‘yon habang napapakunot ng noo. Hindi ko maitago ang takot ko dahil nasilayan ko roon ang mga naka black suit na kalalakihan habang may kapit-kapit at pasan-pasan na mga mahahabang baril. Palakad-lakad sila sa loob at labas ng gate.
Na’ng marating namin iyon, huminto ang kotche sa tapat ng entrance. Binaba ng ka-fling ni Gerlyn ang kristal na bintana sa driver seat. Napapalunok ako dahil may humakbang na dalawang lalake. Dumungaw sila rito sa loob.
“Good morning, Sir.” Na’ng makita n’ya ang mukha ng driver namin, humakbang na ulit sila palayo at doon kami naka-pasok. Tuloy-tuloy ulit ang biyahe.
Ang napansin ko lang, ang daming higanteng mga puno sa magkabilang-gilid ng black rough tiles nitong main road. Tapos may nakikita pa akong mga parihabang bahay na kulay itim.
Mukhang apartments. After fifteen minutes, may isang gate ulit pero walang check point. Dire-diretso na ang takbo ng aming sinasakyan.
Lumipas ulit ang ilang mga minuto, another gate na naman. Parang twenty to fifteen minutes ang pagitan bago namin narating ang mga gates. Lalo akong na-curious sa lugar na ‘to. “Puwede bang mag-tanong? Bakit may tatlong naglalakihang metal gates tayong nadaanan? Para saan ‘yon?” nagtatakang tanong ko habang nakatitig lang sa labas ng bintana dito sa gilid ko.
"Security purposes. Nakapalibot ang mga gates na 'yon sa buong village," tugon ni Gerlyn.
“May limang gates ang village na ‘to, Miss. Sa loob ng bawat gate, hideouts ng mga tauhan ng organisasyon. Ang una nating nadaanan, doon mo nakita ang mga hideout ng associates. Ang pinakamababang rank ng mafia organization na ito. Second at pangatlong gate, doon naman naka-tira ang soldiers at capos. Sa gate 4, doon tayo papunta ngayon. Matatagpuan doon ang black mansion. Naka-tira lamang doon ang mga kataas-taasan. Mga boss. Sa interior naman which is gate 5… well, maraming ganap doon and there are many interesting things you can see there.” Iyan ang mahabang paliwanag ng ka-fling ni Gerlyn. Mas lalo lang tuloy ako na-curious.
“You will find out the other information in this place kapag tumagal ka rito,” sabi naman ni Gerlyn.
“Okay, po.”
“You don’t have to worry. You have your own hideout sa gate 5. Wala ka ring problema sa iyong kakainin. Every week, may ration distribution dito so imposible kang magutom.”
Mukhang maganda naman ang patakaran nila rito. Sumandal na ako pabalik sa car seat. Nag-hinay pa ako ng ilang mga minuto bago ko natanaw sa dulo ng black rough tiles ang matarik at napaka-laking mans’yon. Itim lahat ng pintura. Huminto ang kotche sa malawak na bakuran. Sabay kaming bumaba ni Gerlyn.
“Wow…” Napapatingala ako habang tinititigan ang bawat parte ng mans’yon. May malalaking hagdan sa kaliwat kanan. Sa itaas no'n, may malawak din na entrance. Hindi ko mabilang kung ilang palapag.
Rectangular shaped din iyon pero mas malapad nga lang tapos nakakalula ang taas. Nakita ko rin dito ‘yong mga armadong nasilayan ko sa gate 1 kanina. Mga naka-formal suit tapos may baril din. Soldiers yata ang tawag sa kanila.
“I will take you inside.” Sinundan ko agad si Gerlyn. Inakyat namin ang kaliwang hagdan. Na’ng makapasok kami sa loob ng ground floor, namangha ako dahil ngayon lang ako nakakita ng ganitong klaseng mans’yon.
Parang ayaw kong apakan ang lux touch flooring. Iyon ang pinakamahal na sahig tapos inaapakan ko lang. Lahat ng nakikita ko, kumikinang tapos kumikislap.
Black and gold ang motif. May dalawa ring hagdan sa kaliwa’t kanan dito sa loob ng ground floor. Sa gitna no’n, may mga elevators.
Pinasok namin ang elevator 1. Dinala ako ni Gerlyn sa isang kuwarto sa fourth floor. Ang lawak ng silid na ‘to. May mga locker cabinets tapos may mga pinto rin na hindi ko alam kung para saan.
I was admiring every single thing I saw in this mansion. Sahig pa lang nila, masasabi kong ang yaman-yaman ng may-ari ng organisasyon na ‘to. “This way, ma’am.”
Hinarap ko ulit ang pintuan dahil narinig kong bumukas iyon. Kakasok lang pala ni Gerlyn pero may kasama na s’yang isang babaeng nasa 40s na siguro. She was wearing a vintage maid uniform. Black ang dress tapos white ang apron and shoes.
Mukhang strikta. Sa kilay pa lang, nakakasindak na. Lumakad sila palapit sa ‘kin. “Your name?” seryosong tanong sa ‘kin na’ng huminto s’ya sa aking harapan. Kasunod ni Gerlyn. Ang pormal nila makipagusap na naaayon din sa kanilang kilos at galaw.
“Mirabella Alvaroz,” pormal ko ring sagot sabay niyuko saglit ang ulo ko. May background knowledge naman ako about sa trabaho bilang isang maid kaya normal lang ‘to sa ‘kin.
“You are the first applicant today. Isasabak na agad kita sa training.” Tinitigan n’ya ako pababa-taas.
“With that face and body of yours, you are much suitable for a prostitute.” Halos lumaki ang mga mata ko sa sinabi n’ya. “If you failed my evaluation, mapupunta ka sa ganoong trabaho.”
“Po?” pabulong kong usal.
“Gerlyn, ibigay mo na sa kan’ya ang uniporme.”
“Yes, ma’am.” Umalis na ‘yong matandang babae.
“Follow me.” Sinundan ko si Gerlyn. Parang papunta s’ya sa mga naka-hilerang locker cabinet.
Naka-puwesto ang mga iyon sa dulo nitong silid. “5th locker... number 88.” Humito s’ya sa harapan ng pan-limang locker. Sa pangatlong andana, binuksan n’ya locker door. May kinuha s’yang itim na paper bag doon.
“Suotin mo ‘to. Kung hindi kakasya sa ‘yo, I will ask the tailor here para magawan ka ng bago.”
Hinarap n’ya ako sabay inabot sa ‘kin ‘yong paper bag. “Hurry up. May ipapagawa pa sa iyo si Ma’am. Hihintayin kita sa labas.” Um-oo ako. Humakbang s’ya palayo sa ‘kin. Bumukas-sara ang pinto. Ako na lang ang mag-isa rito sa loob.
Isa-isa kong hinubad ang mga saplot ng aking katawan except my underwear. Una kong sinuot ‘yong black dress. Halos mini-skirt length na ‘yong haba ng palda pero kasya naman sa ‘kin. Next, I wore a white apron.
Tinali ko ang dalawang strap sa likuran ng balakang ko. And then, sinunod ko na ang white flat shoes. Sinilid ko ‘yong mga hinubad kong damit sa loob ng paper bag at binalik sa locker.
Inayos ko muna ang naka-lugay kong wavy hair bago lumabas. “Come along.” Sinundan ko ulit si Gerlyn. Nilakad namin ang hallway hanggang sa pinasok ang isa pang pinto. Doon bungad sa ‘kin ang dining room.
Ang haba ng mesa tapos ang gaganda pa ng mga upuan. Marami pa akong dapat tingan pero may dapat pa akong gawin. Sa kanang pader, we entered another door. Sa loob no’n ang malaking kusina.
“Dalhin mo ito sa loob ng chamber. I will go with you para ma-familiarize mo ang ibang part ng mansion. You have to be cautious about every move you make. Pulido dapat ang galaw mo. Graceful but solemn.”
Tumango ako. Binalingan ko ng tingin ang isang golden tray. Naka-lapag iyon sa ibabaw ng kitchen table. Nakapaloob sa tray ang malaking porcelain teapot, teacups with saucer and teaspoons.
Kinapitan ko na ang magkabilang gilid ng tray at inangat. “Let’s go.” Umalis na ulit kami ni Gerlyn. Pumasok sa loob ng elevator.
She pressed the floor 8 button. Umangat ang elevator. After a few seconds, napunta kami sa isang kuwartong may transparent walls sa left and right side. Sa dulo, may dalawang lalakeng naka-tayo ng tuwid sa magkabilang gilid ng pader na salamin dahil nakikita ko ang aking sarili mula sa aming kinatatayuan.
Naunang nag-lakad si Gerlyn. Binuntutan ko s’ya. Na’ng malapit na kami sa mirror wall, biglang bumukas iyon pahati. Pinto pala.
“Hihintayin kita rito. Pumasok ka na at ilapag sa center table ang tray.” Hindi na ako nag-salita. Dire-diretso ang lakad ko hanggang sa sumara ang pintong ‘yon.
Napa-lunok ako dahil bumungad sa ‘kin ang tatlong lalakeng naguusap. Sa mga aura nila, mukhang mga boss yata ‘to. Naka-upo sila sa Cleopatra sofa. Pumapagitna sa dalawang sofa ‘yong mahabang center table.
Dumaan ako sa gilid ng sofa. Huminto rin sa tabi ng center table habang hindi napuputol ang kanilang usapan. “Yeah, I already signed it. We will donate some of our old model guns.” Naka-focus ako sa trabaho ko. Hindi ko sila tinitigan sa mukha.
Hindi na ako mahahanap ng mga pulis ngayon lalo na ‘yong lalakeng nag-report sa ‘kin. Hindi ko talaga s’ya makakalimutan. Naging wanted person ako na’ng dahil sa kan’ya. Halatang manyak dahil ‘Sexy Thief’ ba naman ang nilagay sa wanted poster kasama ang mukha ko. Sana tuluyang mabaog ‘yon. Sa diin pa naman ng pagkakapisil ko ng mga itlog n’ya. Makakapagtago ako sa mafia village na ‘to.
“Darius, where’s the our consigliere?”
“I think he’s on his way now, Dad.”
“Here I am.” Habang isa-isang nilalapag ang tasa sa ibabaw ng mesa, may dumating bigla pero hindi ko iyon pinansin.
“Good morning, Legis.” Natigilan ako na’ng binati s’ya ng isa sa mga naka-upo sa sofa.
Ang pamilyar ng pangalan. Hindi sa malamang dahilan, bigla akong nanlamig. Habang pinapakinggan ko ang papalapit na mga yabag, dahan-dahan kong itinayo ng tuwid ang katawan ko at binalingan ng tingin ang taong paparating.
Parang tinamaan ako ng kidlat na’ng masilayan ko ang mukha ng lalakeng iniisip ko ngayon lang.
Namilog ang mga mata ko. “I-IKAW…” Tumigil s’ya sa pag-hakbang dahil naramdamang naka-titig ako sa kan’ya.
Our eyes met. Naningkit ang mga mata n’ya. Nandilim naman bigla ang paningin ko. Tinuro ko s’ya. “HINDI BA’T IKAW ‘YONG MANYAK NA HALIMAW NA NAPIGA KO ‘YONG BAYAG?!”