CHAPTER 5

1718 Words
IMBES na mamutla s’ya sa sinabi ko o magulat man lang dahil nakita n’ya ulit ako, hindi nag-bago ang plain facial expression n’ya. Nanatili s’yang naka-tayo sa likuran ng sofa. Tumahimik ang buong silid at pansin kong napa-salin sa kan’ya ang buong atens’yon ng mga kalalakihang naka-upo sa Cleopatra sofa. “Dito ka rin pala nagtatrabaho? Pagkatapos mo akong isumbong sa mga kapulisan dahil hindi ko lang napagbigyan ang gusto mong mangyari, dito pa kita nakita?” “Do you know him, young lady?” Napa-titig ako sa isang lalakeng naka-upo sa left sofa. Sa likod ng sofa na iyon naka-puwesto ang Legis. “Opo. Kilalang-kilala ko ‘yan. Hindi ako maaaring magkamali dahil tandang-tanda ko ang pagmumukha n’ya.” Hindi ko alam kung sino itong nag-tanong sa ‘kin. Basta, boss din yata. “What did he do to you?” The man asked me again. “Sir, kung soldier n’yo s’ya, alam n’yo bang pinapulis ako n’yan?Gusto n’ya akong ikama. Ang kapalit, hindi n’ya ako isusumbong. Tumakas ako dahil ayaw kong ibigay sa kan’ya ang p********e ko tapos paggising ko, wanted na ako?” kuwento ko. “Sinong hindi maiinis ng konti do’n?” “Kung gayon, may ginawa kang kasalanan kay Legis. Hindi ka ipapakulong kung wala kang ginawang hindi kaaya-aya.” Doon ako natahimik. Well, aminado ako roon. “I don’t know her.” Binalingan ko ng naniningkit na mga mata ang Legis. Kalmado lang n’ya akong tinititigan at parang hindi n’ya sinusubukang kumurap kahit isang beses. Until now I could feel that he wanted to eat me alive. Look at those sharp eyes piercing against my skin. Parang pinipilit n’ya ang sariling maging mahinahon pero nahahalata kong gusto n’ya akong hambalusin ng mahabang baril na naka-sabit sa kanang balikat n’ya. “Don’t play dumb, are we?” mariing usal ko. Aba-aba, ang lakas ng loob n’yang ipagkaila na hindi n’ya ako kilala?! Kahit nga nunal ko sa ilalim ng punyetang bibig ko, naalala n’ya! Nakita ko 'yon sa wanted poster ko. “I am not playing dumb. You are.” Tumibok-t***k kaagad ang lower lids ko. “Sisantihin n’yo ‘tong soldier n’yo! Ang bastos n’yan, mga sir! Maniwala kayo sa ‘kin!” Saglit kong tinitigan ang mga lalakeng naka-upo sa dalawang sofa. Hindi nila ako kinibo. Humihigop na sila ng tsa a na dinala ko para sa kanila. They are not listening to me! Kung mga boss nga ‘to, pagkakataon ko na para maka-ganti man lang sa manyak na halimaw na ‘to! “Boss, is there something wrong?” Tumagos ang pagkakatitig ko sa kinaroroonan ng pintuan. Pahati ‘yon na bumukas at pumasok ang isa pang lalake. I noticed that they were wearing the same outfit. Mahabang itim na jacket suit, white long sleeve polo shirt tapos kulay itim din na pantalon. They looked very dignified at first glance. Pero itong Legis, nabiktima ako sa maginoo n’yang mukha. No matter how God blessed you with such good looks, kapag bastos, nakakaturn off. Dapat hinayaan n'ya akong mag-insist kung gusto ko. S'ya pa talaga ang unang nang-aya ng s*x. “Ano, mag-d-deny ka pa rin ba na hindi mo ako kilala?” Nagkatagpo ang paningin namin ng Legis. “The dog is still barking. Please get rid of her out of my sight, Ross.” Saglit akong umatras dahil mabilis na humakbang ‘yong lalakeng kakapasok lang dito sa loob. Patungo s’ya sa kinaroroonan ko. “Wait, sandali lang! Nakikipagusap pa ako sa ‘yo, ‘di ba?” Hinawakan ng lalakeng nagnangalag Ross ang kaliwang upper arm ko at sapilitang hinila paalis sa aking kintatayuan. “Ikaw si Legis Demorgon! Puwede ba ‘wag kang magmaang-maangan na hindi mo ako kilala! Nahihiya ka yata dahil nabulgar ko ang kamanyakan mo!” Habang hinihila ako ng Ross, sinisigaw ko ng mga salitang ‘yon. “Manyak na halimaw!” hirit ko pa bago bumukas-sara ang automatic na pinto. “Bitawan mo na ako!” Winaksi ko ang kamay ng lalakeng naka-hawak sa braso ko. “Nais mo bang maparusahan?” Binalingan ko ng tingin ang Ross. Tinaasan ko s’ya ng kilay. “Wala akong pake. Gusto ko lang naman kausapin ang Legis na ‘yon dahil pareho kaming may atraso sa isa’t-isa. Hindi ko lang matanggap na sinumbong n’ya ako sa mga pulis dahil lang hindi ako nakapag-s*x sa kan’ya,” dire-diretsong usal ko. “It is not enough reason para sumigaw-sigaw ka sa loob ng Boss’ chamber. You are just a servant here but you got guts to disrespect our boss,” pormal n’yang usal sa ‘kin. “Where’s your manners? Did you come from a lower class family?” Tinasan ko s’ya ng kilay. “Mas’yado bang halata?” “Yeah. If you keep acting that way, your tongue will be ripped out.” Tinalikuran n’ya ako. Pumasok ulit s’ya sa loob. I folded my arms under my chest. “Por dyos por Santo, akalain mo nga naman, dito ko pa nakita ang Legis?” mariing bulong ko. “Saan na pala si Gerlyn?” Tumingin-tingin ako sa bawat sulok ng silid pero hindi ko na s’ya nakita. “She left me. May itatanong sana ako.” Hinanap ko muna s’ya dahil may dapat kaming pag-usapan. Hindi ko inakala na mapapadpad ko sa isang lugar kung saan din nagtatrabaho ang lalakeng pinagnakawan ko. Med'yo nakakahiya 'yon ah. Masama ang kutob ko sa mga susunod na mangyayari sa 'kin. “You must apologize to him, Mira.” At natagpuan ko s’ya sa floor 3 ng isa sa mga living room ng mans’yon. Naabutan ko s’yang naka-luhod sa left side ng wooden center table habang pinupunasan iyon ng malinis na towel. Naka-tayo naman ako sa harapan n’ya. Ikinuwento ko kay Gerlyn ang ganap kanina lang doon sa chamber. “Kung alam ko lang na masasagupa ko s’ya rito, hindi na ako sumama sa inyo.” “Wala ka namang sinasabi sa ‘kin na pangalan kung sino ‘yong nag-report sa ‘yo,” pormal n’yang tugon. “If I were you, apologize to him.” Saglit s’yang tumigil sa pagpupunas at tiningala ako. “Kahit babaliktarin, ikaw pa rin ang may kasalanan kung bakit ka humantong sa sitwasyon na ‘to. Tama ba ako?” “I couldn’t disagree with that. Alam kong mali ako kaya hihintayin ko s’yang maka-labas doon at maguusap kami. I don’t know how to communicate to a person like him pero magsosorry na ako,” mahinahong usal ko. Ang lakas naman ng banat ng karma para sa ‘kin. Nagsisimula na yata. “I am sorry kung naistorbo ka pa namin. Ni hindi nga kita kaano-ano at kahapon lang kita nakilala pero hindi ka nag dalawang isip na tulungan ako. Salamat po.” Bahagya ko pang niyuko ang upper body ko para mag-pasalamat sa kan’ya. Binalik ni Gerlyn ang kan’yang focus sa pagpupunas ng mesa. “I did it because Fernando and I were close friends too. Lagi ka n’yang kinukuwento sa akin sa tuwing nagpapa-home service ako sa kan’ya.” “Ganu’n ba…” Ang iniisip ko naman ngayon, ‘yong next step ko para makipagusap kay Legis. Sa Lahat ba naman ng lugar, oh. Mas lalo lang lumiit ang mundo ko. “Ayusin mo ang ugali mo rito. They will punish you severely anytime they want. Especially kung isa sa mga boss ang kalaban mo. Don’t be rude and stubborn.” Tumango ako. May pagkabastos din naman talaga ang ugali ko minsan. “Nagulat lang ako kanina. Na-carried away lang pero mukhang napa-hiya si Legis na’ng dahil sa ‘kin. Dineny n’ya kasi ako. It means he was trying to not embarrass himself in front of those people.” “Marami ka pang dapat matutunan sa mans’yon na ‘to kung ano ang mga patakaran. I haven’t even toured you yet dahil sinabak ka agad sa training ni Ma’am. Kausapin mo agad si Boss Legis. Beg for mercy.” Tumaas ang dalawang kilay ko. “How to beg for mercy? Sa tingin mo po, sobrang laki ba ng kasalanang nagawa ko?” mahinang usal ko habang napapangiti ng hilaw. “First and foremost, you stole his personal belongings. Second, pinahiya mo s’ya sa harapan nina Boss Kruger, Boss Darius at Boss Gideo.” Mas pumait ang expres’yon ng mukha ko. Paikli nang paikli ang buhay ko. “Parang katapusan ko na… sinisingil na talaga ako ng karma…” Tumayo sa pagkakaluhod si Gerlyn. She faced me. “That is why you have to apologize on your knees, Mira. Wala ka pa ngang ilang oras dito pero mabubwenamanuhan ka na ng parusa ni Boss Legis. I hope we can still see each other tomorrow. Baka kasi hindi na kita makita pagkatapos ng paguusap na ‘to.” Dios mio, this girl is way too straight forward. Pinapalabas n’ya talaga sa ‘kin na mamamatay na ako. “Oo na. Kahit hindi mo ako utusan, magsosorry talaga ako.” Nginitian n’ya ako. “Kung si Boss Legis lang naman ang papatay sa ‘kin, I could die peacefully.” Nginiwian ko s’ya. “Wow salamat sa magandang motivation ha?” She chuckled. Doon ko s’ya tinalikuran dahil baka hindi ko na maabutan si Legis. Naka-dalawang hakbang pa lang ako, tumigil ako sa paglalakad. “Pero seryoso nga.” Humakbang ulit ako pabalik sa kan’yang harapan. “What? Akala ko, aalis ka na?” “P-Paparusahan ba talaga ako? Palagay ko, hindi naman. Pinaalis lang ako kanina eh,” mahinang bulong ko. Dahan-dahan n'yang iniling ang kan'yang ulo. “You’re kind of cute. Akala ko confident kang ayos lang maparusahan,” natatawang usal n’ya sa ‘kin. “Lalatiguhin ba ako?” hirit ko pa. She shrugged her shoulders. “May chance na mapatay ka ni Boss Legis.” Doon ko mariin na nilunok ang sariling laway ko. Hindi na ako nag-salita. Tumalikod na ulit ako at nagmadaling nag-lakad palabas sa malawak na living room na iyon. Pinasok ko na ang elevator sa kaliwang bahagi ng hallway. “Lord, patawarin n’yo po ako sa lahat ng mga kasalanan ko.” I was chanting that prayer habang nasa loob ng elevator. I pressed the floor 8 button again. After a few seconds, bumuga ako ng marahas na hangin na’ng bumukas na pahati ang elevator.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD