Kung nasanay tayong binigyan ng sapat na oras ay ninanais nating mas higit pang panahon ang ibibigay sa atin. Kung hindi man higit pa doon sa dati, gusto natin na sana walang magbago. Kung nakaramdam tayo ng pagmamahal, gusto nating manatili ang init ng pagmamahal na iyon sa bawat sandal hanggang sa tayo ay nabubuhay. Kadalasan ay naghahanap pa tayo ng higit pa sa dati niyang ipinaparamdam. Tama ngang walang tayong kakuntentuhan. Hindi tayo marunong makuntento sa kung ano ang meron tayo at kayang ibigay ng ibang tao lalo pa sa taong pinag uukulan natin ng pagmamahal. Nagiging palagian na ang paglabas ni Gerald sa ibang bansa. Ang dati'y palagiang pagtawag niya kung nasa labas siya ng bansa ay naging tawag na lamang kapag matutulog na siya hanggang pati good night niya minsan ay nawala na