Nang dumating siya ay napakarami niyang pinamili. Masayang-masaya siya at hindi ko alam kung paano ko simulang kausapin. Yun bang ayaw mo sanang sirain ang mood ng isang tao lalo pa't may favor siyang ginagawa para sa'yo. "Baby, tulungan mo naman akong iayos ang mga pinamili ko oh, heto bumili ako ng ice cream mo saka yung paborito mong chocolate cake...." Hindi ako sumasagot. Hindi ako kumilos. Parang walang narinig. "Aba, suplado." tatawa-tawa niyang sinabi. Kumanta-kanta siya habang mag-isa niyang nililigpit ang mga pinamili. Parang sa tingin niya ay ayos lang ang lahat. Pagkaayos niya sa mga pinamili sa Ref at sa cabinet ay muling nagpasuyo. "Bumili pala ako ng isda baby, namimiss ko na kasi yung fish sweet and sour na luto mo. Ipagluluto mo ako ha?" "Magluto ka ng lamunin mo!" m