Chapter 8 Nang tinanong ako ni Gerald kung gusto ko siya, alam ng puso kong hindi ko lang siya gusto kundi may namumuong pagmamahal ngunit tumatanggi ang utak ko. Pagmamahal na mabilis na umusbong. Tinatanggi ng utak na naroon ang pag-ibig ngunit sadyang mapilit ang puso at alam kong bibigay at bibigay kahit anumang prinsipyong pinanghahawakan nito. Gusto ko na siyang sagutin noon ngunit ngumiti lang ako. Maraming mga takot sa nakaraan na pumipigil sa akin ngunit sa tuwing nagkakatagpo ang aming mga mata o kahit yung alam kong nandiyan siya ay pilit nitong hinihigop kahit katiting na himaymay ng nakaraan. Mahal ko na din ba siya? Bakit parang napakabilis naman akong nahulog? Bakit hindi ko na ngayon kayang paglabanan ang lahat? "Nagugutom na ako. Siguro mas magugustuhan pa kita kung kaka