Everything I Have Akala ko iyon na ang una at huling pagkakita ko kay Gerald. Inaamin ko, may mga sandaling gusto kong subukang magmahal muli ngunit dapat ay mahalin din ako. Nakakatakot nga lamang dahil dalawang beses ko ng sinubukang ibigay ang hilig ng katawan at puso ngunit naging mapait lang na nakaraan ang aking napala. At hanggang ngayon, dala-dala ko parin ang takot na iyon. Kinabukasan nang papasok palang ako sa aming gate ay may biglang kumalabit sa akin. Biglang may kumuha na naman sa notebook ko na nakaipit lang sa aking kili-kili. Late na ako noon sa klase ko ngunit heto siya't parang alam lahat ang schedule ko pati ang oras ng aking pasok. "I will only return this kung payag kang samahan ako for dinner." natatawa niyang paglalayo sa mga notes ko sa tuwing kinukuha ko iyon