ormal ang birthday party ni Gerald. Lahat ng mga bisita nila ay malalapit lamang na kaibigan ng daddy niya, malalapit na kamag-anak nila at mga matatalik na kaibigan niya mula Elementary, High school at college. Kaya nga kahit hindi niya gusto ay nagiging formal parin ang dating ng birthday party na ibinigay sa kaniya. Pinasundo niya ako sa driver niya. Asiwa ako noon sa suot kong white longsleeve at red tie kaya medyo tumagal muna ako sa loob ng sasakyan. Iyon kasi ang kulay na dapat masunod na isuot ng mga bisita. Hindi lang naman iyon din ang iniisip kong dahilan, mas naasiwa akong humarap sa mga mayayamang tao. Hindi ko kasi alam kung paano ako makihalubilo sa kanila. Kinatok niya ako sa loob ng Lexus niya dahil nga parang hindi ko kayaning bumaba doon at pagtitinginan ako ng mga naro