CHAPTER 12 Nagmahal ako, binigyan laya ko ang sarili kong magmahal muli pagkatapos ng mga unos na nangyari sa akin sa nakaraan. Akala ko iyon na ang tama para sa akin. Iyon na ang pagmamahal na noon ko pa hinahanap. Lagi akong nagpapasalamat noon sa Diyos dahil pinagkalooban niya ako ng Gerald na magmamahal sa akin at hiniling kong sana manatili siya sa aking buhay. Ngunit kung sana kinakausap tayo ng Diyos at binagbabawalan tayo sa una palang na mali ang taong ating inaangkin. Kung sana sasabihin niyang isang malaking kasalanan ang pinasok ko dahil incest ang aking ginagawa ngunit hinayaan niyang mangyari ang lahat at ako ang tanging makakadiskubre kung saan ang mali sa relasyon namin. Ito ba ang kapalit ng pagiging sobrang perfect ng aming relasyon? Ngayon ay pinapanalangin ko sa Diyos