Busy si Gavin sa office kasama ang secretary na si Levi. Naging secretary na niya ito at palaging nakasuporta sakaniya. Napangiti siya ng masulyapan na busy rin ito sa ginagawa. Sinasabayan talaga siya nito kaya naman tumigil na siya. Napatingin kasi siya sa oras at tanghalian na pala.
"Levi", tawag niya kaya agad itong napabaling sakaniya.
"Hmm?"
"Lunch?" Alok niya bago tumayo. "My treat."
"Yes!" Nag inat muna ito bago tumayo. "Finally, nagutom din ang bossing haha."
"Sino ba kasing nag sabi na hintayin mo ako? Dapat na uuna kanang kumain."
"Sanay ako na palaging kasama ka. Kasalanan mo ito," natatawang sagot ni Levi sakaniya bago kumindat. "Boss na kita kaya ikaw ang masusunod."
Oo nga pala. Sa sampong taon na lumipas, may sarili narin siyang kompanya sa wakas. Nakapag simula ulit siya sa tulong ni Levi. Habang ang Ina naman ni Gavin ay pumanaw narin. Kasunod lang ng pagka matay ng Ina ni Maxine. Hindi na ito na laman ng ex niya dahil agad itong umalis. Isang araw nga lang ang naging libing ng magulang nito. Hanggang ngayon tanda pa niya ang gabing huli niyang nasilayan si Maxine.
"Lalim ng iniisip!" Pinitik ni Levi ang nuo niya. "Mahal ka nun wag kang mag-alala." Dagdag pa nito.
"Hindi na siguro," sagot niya bago ngumiti. "Tinaboy ko e, kaya hindi na babalik 'yun."
Nag laho ang ngiti sa labi ni Levi. "Si Maxine ba?"
"Eat," utos niya bago sinubuan ng letus si Levi. Nag order kasi sila ng salad. Ayaw niya ng mabigat sa tiyan dahil sa may iniingatan siyang diet para sa pag papanatili ng abs niya.
"Dadal mo kasi", natatawang sabi pa ni Gavin.
Napasibangot si Levi sa sinabi niya. "Ikaw lang naman itong lumilipad ang isip." Bulong pa nito. "So, anong plan pala natin sa birthday ni Tito?" Pag-iiba ni Levi sa topic.
Napaisip si Gavin. "Hindi ko pa din alam. Last time na dinalaw ko siya sabi niya sakin gusto niya ng prince and princess na theme."
"Perfect! May kilala akong makakatulong, asikasuhin ko na ba?"
Napatango siya. Palagi namang si Levi ang umaasikaso ng birthday ng kaniyang ama kaya ipinauubaya na niya rito ang lahat.
"Excuse me," paalam niya ng tumunog ang kaniyang phone.
Napatingin siya sa number. Hindi ito nakasave sakaniya at hindi rin niya kilala ang numero dahil mukang bago lang ito. "I'm sorry but who's this?"
Nakarinig siya ng pag tawa sa kabilang linya. "You don't know my voice? Aw, that's so sad."
"Maxine?" Hindi makapaniwalang tanong ni Gavin.
At bakit naman napatawag ang ex-husband niya?
"Free ka ba tonight?"
Hindi agad siya nakasagot sa tanong ni Maxine. "Hmmm... I don't know, bakit?" Napasulyap siya kay Levi na mukang naiinip na.
"Ah, sayang naman. You want my signature, right? Meet me tonight, then usap tayo."
Napakunot ang kaniyang kilay sa boses ni Maxine na tila ba mapang-akit o sadyang umiba lang talaga.
"Saang lugar ba?"
"I'll text you the place, bye and see you.."
"Who's that?" Tanong ni Levi ng muli siyang makabalik sa upuan.
Ang sarap ng food noh?" Tanong niya bilang pag layo sa tanong ni Levi.
"I'm asking you Gavin," sumeryoso ang boses ni Levi.
"Kaybigan lang nag-aaya mamaya."
"Sure?" Paninigurado ni Levi.
Napatango na lamang siya. Matapos mag lunch ay ibinalik na niya sa building si Levi habang si Gavin ay nag paalam na uuwi muna. Hindi niya sinabing umuwi siya dahil pag hahandaan niya ang meet up nila Maxine.
Ayaw na niyang bigyan ng sakit ng ulo si Levi.
"Aalis ka?"
"Yes po, Pa. May ipapabili ka ba?"
Napailing ito. "Kasama mo si Neo?"
"Hindi po, pero si Alice po kasama ko." Palusot ni Maxine bago hinagkan ang ama sa nuo. "Si Solene po tulog na?"
"Umuwi ka agad anak. Alam mo naman na hindi sanay 'yun na hindi ka katabi," bilin ng ama niya.
Matapos niyang mag paalam ay minaneho na niya ang sasakyan na bagong bili niya. Ipinarada niya ito sa parking lot ng restaurant na pinili nilang pag meet up-an ni Gavin.
Pag pasok niya ay natanaw niya itong tahimik na nag hihintay. Napatitig siya kay Gavin habang madahang nag lalakad. Wala parin pala talagang pinag bago ang itsura nito, mas lalo pa itong naging gwapo.
Napairap siya ng maisip na mukang sakanilang dalawa ay siya lamang ang namroblema ng husto.
At dahil sa pagiging madaldal niya sa isip at hindi pag tingin sa nilalakaran ay bigla na lamang siyang natalisod. Mabuti nalang at hindi siya kalayuan kay Gavin kaya mabilis siya nitong nasapo. Ngunit na out balance si Gavin kaya tuluyang na silang bumagsak habang si Maxine ay nakapatong rito.
"Aray!"
"Ha? Nasakatan ka? E, sinalo na nga kita." Tanong ni Gavin habang nakatitig sakaniya.
"Naipit mo 'yung dalawang bundok ko." Bulong niya bago mabilis na tumayo.
"Sa pagkaka alam ko kasi hindi naman malaki ang hinaharap mo kaya hindi mo masasabing bundok 'yan."
Napasibangot siya. "Naipit 'yung flat kong dibdib, happy?" Sarkastikang tanong ni Maxine bago napairap.