CHAPTER 9

824 Words
"What?!" Hindi makapaniwala si Alice sa kwinento niya. Mas oa pa nga ito kaysa sakaniya na dapat ay siyang nagulat ng makita ang ex-husband na si Gavin. Naikwento agad niya sa kaybigan na nakita niya si Gavin sa mall nung isang araw. Mabuti nalang at mukang nakumbinsi nga niya ito sa sinabi niyang ipinalaglag niya ang bata. "So, anong reaction mo? Nagulat kaba? Umiyak ka na naman ba? Naging tanga ka ulit, o naging marupok? Alin sa dalawa?" Sunod-sunod na tanong ng kaybigan niya. Napairap si Maxine bago sumagot. "Oo naging tanga ako pero hindi na masusundan 'yun. Wala ng to be continued kaya tumahimik kana", napapalatak pa siya ng may maalala. "Hindi kaya sinusundan niya kami?" Nag kuyom ang kaniyang kamao. Napataas ang kilay ng kaniyang kaybigan. "And why would Gavin do that, aber?" Nakapamewang pa na tanong ni Alice na hindi na niniwala sa haka-haka niya. "Happy na siya kay Levi, ok? So, ang magandang gawin mo ay mag focus sa work at sa love life mo with Neo." May panunuksong wika pa nito bago sinundot ang tagiliran ni Maxine. "Shut up Alice in the wonderland," yamot na sagot ni Maxine habang naiiling. "Neo and I are just friends kaya wag kang--" Hindi na siya na tapos sa sinasabi ng takpan ni Alice ang bibig niya. "Sssh, I know in my heart that there's something between you and Neo. Huwag kang malihim Maxine!" Pinanlakihan pa siya nito ng mata. "Akala mo hindi ko alam na twice a month dinadalaw ka niya sa abroad? Don't me ses, I have source." Nakangising sabi pa ng kaybigan niya kaya naman napabuntong hininga na lamang siya. Kilalang-kilala niya kung sino ang source na tinutukoy ni Alice. Ito'y walang iba kundi ang anak niyang si Solene. "Si Solene, right?" Napaiwas ng tingin si Alice. "So, speaking of Solene. Kaylan mo balak sabihin sakaniya 'yung totoo na hindi mo naman talaga siya kapatid?" "Ngayong nasa pinas kami at pasulpot-sulpot ang ama niya? Nah, I don't think na dapat ko pang sabihin sakaniya. For now ganito nalang muna kami mag kapatid ang turingan sa isat-isa", napabuga siya ng hangin. Sa totoo lang napakasakit para kay Maxine na hindi man lang niya matawag na anak ang batang dinala niya ng siyam na buwan, at niluwal niya ng pilit kahit na kamuntik pa siyang mabawian ng buhay. Nanganib kasi ang buhay ni Maxine ng nag de-deliver siya kay Solene. Mahina ang kapit ng bata, at dumating pa sa punto na kaylangang mamili sakanilang dalawa. Ngunit sa dasal at pakikiusap niya at ng kaniyang ama, ay naging maayos ang lahat. "Hindi mo ba na iisip kung minsan na napakasarap siguro kung natatawag mo siyang anak noh?" "Sino bang Ina ang hindi gustong kilalanin ng kaniyang anak?" Sumilay ang lungkot sa labi ni Maxine. "Mahal ko ang anak ko kaya nga kahit gawin ko siyang kapatid ko mailayo lang siya sa masakit na katotohanan, ay titiisin ko Alice." "I know," niyakap siya ng kaybigan niya. "Happy na dapat! No more sadness na, ok?" "Actually I have a plan, Alice." Sumeryoso ang facial expression ni Maxine. "What is it?" "Naisip kong pahirapan din siya at durugin. Ipaparanas ko kay Levi at sakaniya kung ano ang pakiramdam ng nasa impyerno. I'm planning to seduce my ex-husband, so, yeah. Seducing the father of my child is my mission now." Inambahan siya ng kaniyang kaybigan. "Gaga ka talaga! Revenge is not enough, kung ako sayo. Ipakulong mo silang dalawa. Kasi hindi pa naman kayo hiwalay sa papel, right? Hindi mo pinirmahan 'yung annulment kaya may habol ka pa." Sulsol ng kaybigan niya. "Nope, mas gusto ko ang naisip ko. Idadahilan ko ang annulment para mapalapit kay Gavin, at mamamalayan na lamang niya na dinudurog ko na pala siya ng paunti-unti." Nakuyom ni Maxine ang kaniyang kamao. "Iba ka girl! Feeling ko hindi ka pa nakakamove on", panunukso pa Alice. Nakasimangot siya. "Paano ko ba mapapatunayan saiyo na nakamove on na ako? Mulat na mulat na ako Alice sa mga katangahang ginawa ko." Napakalumbaba si Maxine. Agad naman siyang napangiti ng maisipang tawagan si Neo. "Ok, patutunayan ko saiyo." Hamon niya bago nag dial ng number ni Neo. Agad naman itong sinagot ng kaybigan. "Napatawag ka yata ng ganitong ora--" "Date me", seryosong sagot niya habang nakatitig sa kaybigang si Alice. Sumesenyas ito na i-end na ang call dahil naniniwala na ito. "I would love too! Schedule ko nalang pwede ba? Kasi right now tambak ang trabaho ko." Magalang na paliwanag ni Neo. "Sure, no problem." Matapos makipag usap ay binaba na niya ang tawag. "See?" Nakangising sambit niya sa kaybigan. "Ikaw na girl! Ewan ko nalang kung hindi pa manginig sa takot sayo si Gavin." Natatawang sagot ni Alice. Hinanap niya ang contacts ni Gavin sa list niya. Isang ngiti ang sumilay sa labi niya ng makita ito. Sana lang ay hindi pa ito nag papalit ng number para hindi na siya mahirapang ma-contact ang ex-husband niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD