Prologue,
"Nervous?"
Hindi agad nakasagot si Maxine. Wala siya sa mood makipag usap lalo na at sa pinas na naman pala ang uwi nila, kung siya lamang ang masusunod ay hinding-hindi n siya babalik pa sa bansa kung saan nakatira ang demonyong nag dala ng impyerno sa buhay niya.
Ngunit sadyang makulit ang magulang niya at ang kapatid na si Solene kaya naman wala siyang magagawa.
"Ate I'm so excited!"
Ngumiti siya sa nakababatang kapatid bago nag salita. "Really? Sige, after natin mag rest ipapasyal kita." Pangako niya kaya naman tuwang-tuwa na naman ito.
Mahaba ang byahe kaya naman tila ba lasing si Maxine ng makarating siya sa dati nilang bahay. Maayos pa naman ito dahil sa palagi naman nila itong pinapalinis. Ganun parin naman ang itsura ng subdivision kung saan siya lumaki. May kaunting na bago lamang at nadagdagan narin ng iba pang bahay. Hindi tulad noon na iilan palang ang nakakabili ng lupa at nakakapag patayo.
Napabuntong hininga si Maxine. Ilang taon nga ba siyang na wala na parang bula? Matapos ng naging hiwalayan ng ex-husband niyang si Gavin ay dumiretso na siya ng para sakyan ang ticket na binili ng ama niya para sakaniya.
Sampong taon na nung huli siyang makatungtong muli sa bahay nila. Sa subdivision nila walang masyadong nag bago. Ngunit sa labas ay marami, at tiyak siyang ganun din sa mga kaybigang naiwan niya.
"I know you're tired, go and get some rest." Masuyong hinaplos ng kaniyang ama ang buhok niya.
"I miss her." Nakatitig na turan ni Maxine sa litrato ng yumao niyang Ina. "How's is she? I hope she's doing well too. Miss ko na luto niya, 'yung tawa at pangangaral when my life was not that good. Pakiramdam ko wala na akong pag-asa nung time na iniwan ako ng taong pinaka kinapitan ko, but I was wrong." Mapait na ngiti ang bumahid sa labi ni Maxine.
"Matagal na 'yun, iha. Sampong taon na, please move on. Hayaan mo namang maging masaya 'yang sarili mo, okay? I'm here, specially Solene. Gusto ng Mommy mo na maging masaya ka naman. Minsan talaga nakakagawa tayo ng kamalian sa buhay, but does doesn't mean na susuko na tayo".
"Thank you, Pa. Palagi mo nalang akong pinapaalalahanan. Kung wala kayo ni Mom," napabuntong hininga siya. "I really don't know what would happen to me".
"Rest," bulong ng kaniyang ama bago siya binigyan ng halik sa forehead. "Mahal ka namin ni Solene. And I know in good timing, baka makaya mo ng sabihin ang tungkol sa bagay na 'yun."
Napatango si Maxine bago umakyat sa hagdan patungo sa kwarto niya.
Kinaumagahan tulad ng ipinangko niya kay Solene. Maaga silang gumayak upang makapasyal. Nanibago si Maxine kaya naman halos mag kanda ligaw-ligaw sila.
"Solene don't run!" Malakas na sigaw ni Maxine bago hinabol ang makulit niyang kapatid.
"Stop! I can't run!" May menstruation kasi siya ngayon kaya naman oras na tumakbo siya ng walang humpay ay bumubulwak ang dugo niya.
"Solene!" Gulat na sigaw ni Maxine bago patakbong linapitan ang kapatid na nadapa dahil sa pag takbo nito. "I told you don't run."
Pinagpag niya ang damit ng kapatid bago tumingala sa lalaking agad na tumulong kay Solene.
"Long time no see".
Umakyat ang kilabot sa buong pagka tao ni Maxine ng marinig ang napakafamiliar na boses ng lalaki. Sino bang hindi makakalimot sa boses ng taong iniyakan niya at nag bigay ng paghihirap sakaniya? Kahit yata ilang taon pa ang lumipas ay mananatili parin ang sakit na idinulot nito sa buong pagka tao niya.
"Gavin", malamig ang boses ni Maxine at walang ka amor-amor na tinitigan ang ex-husband niya.
"Kamusta 'yung baby natin?" Tanong nito sakaniya na ikinahalakhak niya.
"Are you kidding me? Hindi ko akalain na magaling kana pala mag jokes. Clown na rin ba ang trabaho for ngayon?" Sarkastikang tanong ni Maxine habang sinasalubong ang masamang titig ni Gavin.
Sa loob ng sampong taon mas naging matapang si Maxine. Natuto na siya sa buhay na hindi palaging api-apihan. Kaya ngayong nag kita ulit sila, may lakas na siya ng loob na labanan ang lalaki.
"Pinalaglag ko tulad ng hiniling mo." Matapang na sagot ni Maxine habang ang lungkot ay bumabalatay parin sa mukha niya.