"Anong pag-uusapan natin?" Si Gavin na ang unang bumasag sa katahimikang namayani sa pagitan nilang dalawa. At mas nadagdagan pa ang katahimikan at kahihiyan dahil sa nangyari sakanila. Parehasmay awkwardness sa isat-isa ngunit desidido parin si Maxine na tarayan at akitin ang kaniyang ex.
"Nandito ako para rito", may inilapag siyang envelope sa table bago tumitig kay Gavin. "I know you want this, matagal mo akong hinintay para dito, right?" Tanong pa niya habang nakangisi.
"Ano ba iyan?"
Napataas Ann kilay ni Maxine. "May kamay ka at mata, tignan mo." Mataray na utos niya.
Napabuntong hininga si Gavin bago sinunod ang sinabi niya. Tila ba hindi ito na surpresa ng makita ang annulment paper nila. "Ah, ito ba? Pipirmahan mo na ba?" Walang amor na tanong pa nito sakaniya.
Kapal talaga ng mukha! Inis na naisatinig ni Maxine. Ngunit agad rin siyang umayos upang hindi mahalata.
"Hmmm.. Yep, why? Nag da-dalawang isip ka ba kung babawiin iyan o itutuloy parin?" Matapang na tanong niya.
"Pirmahan mo na", utos niya.
Ngunit hindi basta-basta gagawin ni Maxine ang bagay na 'yun. Hindi ganun ang plano niya. Dahil mas matindi pa ang nais niyang pag hihirap na danasin ni Gavin.
Pasasakayin niya ito sakaniya bago dudurugin ng paunti-unti.
"Sinabi mo sakin na babalikan mo ako matapos ang ilang taon, so babalikan mo na ba ako? Willing naman akong may mangyari satin kahit na wala naman tayong relasyon, if you want lang naman." Napahalakhak pa si Maxine. "Walang pilitan." Dagdag na wika pa niya bago napasulyap sa paligid. "Don't worry I won't tell to Levi", mapanuksong bulong pa niya ng mailapit ang kaniyang labi sa tenga ni Gavin, at pag tapos ay dinilaan at sinipsip niya ang tenga nito.
Rinig niya ang mahinang pag mura ni Gavin. Napangisi siya ng makita ang pamumula ng tenga nito dahil sa ginawa niya. Maputi kasi si Gavin kaya naman agad na mapapansin ang pamumula nito.
"Maxine ano bang gusto mo?" Yamot na tanong ni Gavin habang kuyom ang kamao.
"I want you in bed bago ko pirmahan ang annulment." Hamon niya habang nakatitig sa mata ni Gavin.
Mabuti na lamang at na practice na ni Maxine ang kilos at salita niya kaya naman hindi siya na uutal o kinakabahan man lang.
"This is not you Maxine," naiiling na sagot ni Gavin sakaniya bago tumayo.
Agad namang tumayo si Maxine. This is her only chance na makagawa ng first move sa exz niya palalampasin ba niya? Syempre hindi! Lahat gagawin niya makapasok lang ulit sa buhay ni Gavin. Ilalaban ni Maxine lahat, madurog lamang niya ang lalaking dumurog rin sakaniya.
"Inom tayo? Celebration lang kasi after how many years nag kita ulit tayo. Ano game ka? Drink as a friend."
Kita niyang napatingin si Gavin sa phone nito at tila ba may tinext. The moment na mapatango ito sakaniya ay alam na niyang magagawa niya tonight ang balak niya.
"May pasok pa ako kaya hindi kita masasabayan."
Idinuldol ni Maxine ang baso na sinalinan niya. "Please? For me, kahit ngayon lang." Nakangiting sabi niya.
At mukang nakulitan na nga sakaniya si Gavin kaya hindi na ito umangal pa. Matapos ang isang oras ng pangungulit niya ay gumana naman ang lahat. Nalasing niya si Gavin kaya nagawa niyang makuha ang phone nito. Kumuha siya ng litrato kasama ang ex bago isenend kay Levi.
Damhin mo ang sakit ng maloko!
Gigil na sambit ni Maxine sa isipan. Napatitig siya kay Gavin na mahimbing na ang tulog. Tila ba napaka amo ng mukha nito at walang kayang gawin na kalokohan.
"Hindi kita na miss", bulong niya bago kinurot ng mahina ang pisnge nito. "Hindi ako magui-guilty kasi bagay lang saiyo ang masaktan."
Para siyang hibang na kinakausap ang tulog na si Gavin. Maya-maya pa ay dumating na si Levi na humahangos.
"Leave her alone!" Mataray na sigaw nito bago sinuri si Gavin. "Gavin wake up! Ano ka ba bakit ka nag lasing?!"
"Kasi nag enjoy kami", pilyong sagot ni Maxine. "Hala, sorry! Kayo ba? Omg, hindi ako sinabihan. I'm really sorry Levi I didn't mean," sarkastikang wika ni Maxine habang mapang-asar na nakatitig kay Levi.
"Gumaganti kaba? Kasi kung oo, itigil mo na iyan. Dahil sa huli magsisisi ka rin."
"Binabantaan mo ba ako?" Natatawang tanong ni Maxine. "Bakit natatakot ka na maagaw ko siya tulad ng ginawa mo?" Mataray na tanong niya bago inirapan si Levi.
Palakad na sana siya ng may makalimutan siyang sabihin. "Dapat lang matakot ka. After all ako parin naman ang tunay na asawa." Matapos niyang sabihin ito ay tuluyan na siyang lumakad palabas.