Chapter 8

699 Words
"Bakit hindi sinabi samin na grabe na pala ang paghihirap mo kay Gavin?" Naghihinanakit na tanong ng ama niya. Sa dalawang araw na pamamalagi nila sa bagong magiging tirahan nila ay ngayon lang nag lakas ng loob na mag tanong ang ama niya. "Sorry p-po." Nakayukong sagot niya habang tumutulo ang luha. "Natakot lang po talaga ako Papa. Gusto ko kasing ayusin kasi akala ko pwede pa, pero siya na kasi 'yung mismong sumuko. I didn't signed the annulment, parusa ko sakaniya. Gusto kong mahirapan muna siya bago tuluyang makawala sa pagkakatali sa akin". Yakap lamang ang naging sagot ng ama ni Maxine sakaniya. Awang-awa ito at puno ng pagsisisi habang nakatitig sa anak. "Bumawi ka anak. Balikan mo ang mga taong nanakit saiyo kapag handa kana, at kapag sapat na ang lakas mo". Madiing wika ng ama niya bago pinahid ang kaniyang luha. "Hindi mo ilalag ang batang iyan, ok? Hinding-hindi mo gagawin iyon, Maxine." May pag babanta sa boses nito. "Pero hindi pa po talaga ako handa sa responsibilidad na iniwan sakin ni Gavin, Papa. Nahihiya ako sa anak ko. Hindi ko pa kayang aminin sakaniya ang lahat. Anong gagawin ko? Paano kapag may sapat na siyang isip, tapos mag tanong siya? Ano pong isasagot ko?" Umiiyak na tanong ni Maxine habang yakap ang sarili. "Aalagaan natin siya, ok? I'm here anak. Nandito lang si Papa, at never kita iiwan. Magagawan natin ng paraan iyan. Akong bahala kaya natin 'to." Napatango na lamang siya sa sinabi ng ama. Sa ngayon ay ipauubaya nalang muna niya sakaniyang ama ang lahat ng pag papasya. "Solene!" "Yes, ate kong masungit na maganda?" Pacute pa ito ng harapin siya. Ang inis tuloy ni Maxine ay bigla nalang nawala. "Paano ba ako magagalit e, nag smile kana." Naiiling na wika pa niya bago pinaggigilan si Solene. Ito ang batang nasa sinapupunan lang niya. Parang kaylan lang ay litong-lito si Maxine sa lahat. Ngayon ay nakarecover na siya sa kahit paano, specially sa pag kawala ng kaniyang Ina. Pinalabas nila ng ama niya na kapatid niya si Solene. Ito lang ang paraang alam nila para narin hindi na mabalikan pa ni Gavin at malamang hindi pala niya inilaglag ang bata. Sampong taon na ang lumipas. Malaki na si Solene at may sapat na pag-iisip kaya kahit paano ay nakakaintindi na ito ng mga bagay-bagay. Siyam na ang anak niya, at masayang-masaya siyang lumaki itong mabait na bata. Habang si Maxine naman ay papunta na sa trenta y tres anyos. Bente dos lamang siya ng mabuntis, at isang taon pa lamang ang pagsasama nila ni Gavin na hindi rin nag tagal. Maaga siyang nag settle down. Pagkakamaling nagawa niya sa buong buhay niya. "Neo I'm coming home", walang amor na pag babalita niya sa kaybigan. Wala kasi talaga siyang balak na umuwi kung hindi lang dahil sa ama niya na nais daw na dalawin naman ang kaniyang Ina. Pumayag na si Maxine dahil matagal naman na talaga nilang hindi nabibisita ang kaniyang Ina. "I'm happy for you!" Masiglang wika ng kaybigan niyang si Alice na bigla na lamang sumabat. "I'm not," tipid na sabi naman niya. "I miss you, Maxine". Hindi agad nakasagot si Maxine sa sinabi ni Neo. Habang ang kaybigan naman nilang si Alice ay malakas ang naging pag tili. "I miss you na din guys." Sagot na lamang niya at baka mabaliw pa sa kilig si Alice. "Sabihan mo agad kami para masalubong ka namin." Bilin pa ni Neo na tinanguan na lamang niya. Kahit na ang totoo ay wala taga siyang balak na sabihin kahit kanina kapag nakauwi na sila. Gusto muna niyang mag pahinga, tapos ay siya nalang ang pupunta sa mga ito. Kapag kasi sinabi agad niya na nakauwi na siya ay magugulo lamang ang imbis na pahinga sana niya. "What if mag kita kami, Pa?" Napatitig sakaniya ang ama n'ya. "Sabihin mong tinupad mo ang hiling niya. Saktan mo siya sa paraang alam mo, 'yung madudurog rin buong pagkatao niya". Bakas parin ang galit sa mukha ng kaniyang ama. "Alam kong kaya mo na at matatag kana," dagdag pa nito na ikinalakas pa lalo ng loob ni Maxine. Kaya ko na! Ito ang naisigaw niya sakaniyang isipan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD