Isang linggo ang lumipas. Walang matinong tulog si Maxine simula ng matapos na ang lahat sakanila ni Gavin. Ang ama naman niya ay palagi nalang balisa at tila ba nais may sabihin na hindi naman nito maituloy. Mas lalo lang tuloy na dadagdagan ang iniisip niya.
Sumabay pa ang problema niya kay Solene. Nais na niyang mag tapat sakaniyang anak. Ayaw na niyang mag lihim pa lalo na't alam na ni Gavin ang totoo. Kahit ipinangako nito na hinding-hindi guguluhin si Solene ay hindi parin siya kampante.
"Kanina ka pa palakad-lakad, kumalma ka nga." Saway ng kaybigan niyang si Alice.
Nag leave pa ito para lang samahan siya. Maging si Maxine ay nakasick leave at ipinamahala nalang muna ang restaurant sa pinagkaka tiwalaan niya.
"Nasakatan ko na siya pero bakit parang hindi ako masaya? Dapat masaya ako Alice, pero 'yung pakiramdam ko sarili ko lang din sinaktan ko eh."
"Ibig sabihin lang e, mahal mo pa si Gavin."
Napabuntong hininga siya. "Tiyak na nag bubunyi na si Levi ngayon," bulong niya. "Nakakainis na kahit anong pilit kong kalimutan si Gavin parang mas minamahal ko pa s'ya."
"Ikaw lang 'yung taong kilala ko na marupok pero mapride."
"Alam mo hindi ka naman nakakatulong." Iritadang wika niya habang masama ang titig sa kaybigan. "Poproblemahin ko nalang muna ang pagiging honest kay Solene. Kausapin ko si Papa para mai-guide niya ako."
Tumayo siya upang hagilapin ang kaniyang ama. Nadatnan niya itong nasa kwarto at nakahiga. Namumutla ang itsura nito kaya naman na alarma si Maxine.
"Pa, are you ok? May nararamdaman ka ba? Sandali lang po tatawag lang ako ng ambulance."
Nanginginig na nag dial si Maxine sa emergency.
"Magiging ok din si tito," pag papalakas ni Alice sakaniyang loob.
Lumuluha man ay nagawa parin niyang ngumiti. Katabi niya ang umiiyak na si Solene. Dumating narin si Neo kaya naman may isa pang nag papalakas ng loob niya.
"Lately kasi pansin ko na si Papa pero wala lang sakin 'yun kasi baka miss lang niya si Mama. Hindi ko naman alam na may nararamdaman na pala siya. May iniinda na siya pero ayaw niyang ipaalam. Nahahalata kasi yata niyang stress na naman ako." Umiiyak na paliwang niya kay Neo habang yakap siya nito.
"Wala kang kasalanan. Ayaw lang siguro talagang ipaalam ni tito." Hinaplos ni Neo an kaniyang buhok. "Magiging maayos din siya."
"Sana nga Neo," umiiyak na sagot niya habang tanaw ang kaniyang ama na nawalan ng malay habang nakaratay sa higaan. "Kaylangan ko pa siya. Hindi ko kayang ipaliwanag lahat kay Solene ng ako lang. Sana wag niya akong iwan gaya ng ginawa ni Mama."
"Umuwi na muna kayo. Ako na ang mag babantay kay Papa gusto ko kasi na ako ang yna niyang masilayan kapag nagising na s'ya. Pakiasikaso nalang muna si Solene, pwede ba?"
"Oo naman! Sige ako na bahala kay Solene." Si Alice ang sumagot at hinawakan si Solene bago ito lumabas.
"Ikaw din Neo." Baling naman niya sa binatang hindi parin lumalabas.
"Are you sure ayos kalang ditong mag isa?" Paninigurado pa nito sakaniya.
Tumango siya bago sumagot. "Pahinga kana rin muna wag makulit."
Nagising na lamang si Maxine ng may maramdaman siyang kamay na humahaplos sakaniyang buhok. Nakatulog pala siya habang nag hihintay. Agad siyang nag kusot ng mata bago ngumiti. "Gising kana po pala." Masayang sambit niya bago hinagkan ang ama sa forehead.
Nagulat na lamang siya ng bigla na lamang humagulhol ito.
"Papa, bakit po?" Maging si Maxine ay wala naring humpay sa pag luha. "Kung iniisip ninyo na malubha ang sakit ninyo Papa wala pa naman pong resulta."
"Anak palagay ko'y wala na akong pag-asa kaya nga mas mabuting mamatay nalang talaga ako. At least kahit paano baka mabawasan ang nagawa kong kasalanan."
"Papa naman!" Mahigpit niyang niyakap ang kaniyang ama. "Huwag po kayong nag sasalita ng ganiyan. Magagalit pa si Solene niyan e," na iinis na wika niya bago pinahid ang luha ng kaniyang ama. "Mahal namin kayo ni Solene."
"Mamahalin mo parin kaya ako kapag nalaman mo na ang katotohanan?" Malungkot na tanong nito.
"Ang alin po ba?"
"I'm so sorry, iha.." Muling humagulhol ang kaniyang ama. "Ako ang dahilan kung bakit kayo na sira ni Gavin, at ako ang dahilan kung bakit namatay ang Mama mo habang ang ama naman ni Gavin ay nawala sa katinuan." Pag amin nito sakaniya.
"P-po?"
Tila ba nabingi si Maxine sa sinabi ng ama niya.
"May naging affair kami ng Mommy ni Gavin."
Naestatwa si Maxine sa sinabi ng ama niya.
Hindi alam ni Maxine ang gagawin niya kaya naman napatayo na lamang siya at lumayo ng bahagya sakaniyang ama.