CHAPTER 20

722 Words
"P-Pa?" Halos hindi na makahinga si Maxine sa labis na pag iyak. "Pa! Anong ginawa mo?!" Muli siyang napahagulhol bago napasalampak sa sahig. "Papa naman ih! Joke ba 'to? Please, pakisabing joke lang ito." Nakikiusap na sambit ni Maxine habang ang kamay niya ay nakakuyom. "Alam mo namang ginagalang kita? Ang taas ng respeto namin sayo, tapos sasabihin mo ngayon na ikaw at ang Mommy ni Gavin ang punot dulo ng lahat? T*ngina! T*ngina talaga! Pot*nginang buhay 'to! Anong kasalanan namin sayo, Pa? Hindi mo na kami inisip ni Mama. Wala lang ba kami sayo? Hindi mo man lang ba inisip na mangyayari 'to?" Hindi makasagot ang ama ni Maxine kaya naman nag patuloy lamang siya sa pag wa-wala. Alam niyang nasa hospital parin sila at nakaconfine ang ama niya, pero sa sobrang galit at sama ng loob niya ngayon ay hindi na niya kaya pang ma-control ang kaniyang sarili. "Pa, bakit? Bakit po ninyo ginawa 'to samin ni Mama? Namatay s'ya ng itinatago sakin ito, tama ba ako? Tama ba ako, Pa?!" Sigaw na tanong niya. At ang naging sagot ng kaniyang ama ay ang pag tango nito. "Ngayon hindi na ako mag tataka kung bakit kami nasira ni Gavin. Dahil din sayo 'yun, tama ba ako? Ang laki kong tanga! Ang laki kong tanga na pinaniwalaan ko 'yung ama ko na akala ko talaga naging super hero ko, pero s'ya pa palang sumira samin. Pot*ngina, nakakatawa noh? Joke lang ba sayo buhay ko, Pa?" Matalim na titig ang ibinigay ni Maxine sa ama niyang patuloy lang sa pag iyak. "Ang hindi ko kasi talaga inaasahan na gagawin mo e, 'yung sisirain mo ang pamilya mo. Sinaktan mo si Mama! Akala ko ba s'ya 'yung mahal mo? S'ya 'yung buhay mo, at ang lahat-lahat sayo? Pero Pa, ano 'to? Ano itong na gawa ninyo?" Paulit-ulit ang mga tanong sa isipan ni Maxine. Inabutan silang ganun ni Neo, at maging ito ay nagulat sa inabutang sitwasyon nila. "Are you ok? What is happening here?" Maging ito ay maguguluhan. "Itong a-ama k-ko." Nakaturong sagot ni Maxine sa ama niya. "Sinira n'ya 'yung mga buhay namin." "I'm sorry." "Sorry lang? Sorry lang ba katapat ng lahat? Sana nga! Sana ganun lang kadali, tapos mapapawi na agad 'yung sakit. Hindi ko pa alam kung mapapatawad pa ba kita," natuptop ni Maxine ang kaniyang bibig upang pigilan ang muling pag hagulhol. Tumalikod na si Maxine at akmang lalabas ng tumunog ang aparato ng kaniyang ama. "Tatawag ako ng Doctor!" Agad na tumakbo palabas si Neo. Habang siya naman ay nakatitig lamang sa ama niyang nag aagaw buhay na. Walang humpay ang pag tulo ng luha ni Maxine habang walang magawa kundi ang tumitig sa ama niya. Naramdaman na lamang niya na may humila sakaniya. "Maxine ama mo parin s'ya." "Neo, ano sa tingin mo ang dapat kong maramdaman?" Litong-lito na siya kaya naman ito na lamang ang tinanong niya. "Forgiveness.. Malaki ang magiging parte niyan sa bawat. For now, you need to think and rest. I'll take care of everything here, ok? Ako muna bahala kay tito kaya umuwi ka muna." Hindi na sumagot si Maxine. Wala muna siyang nais sabihin dahil pagod na pagod na s'ya. Hindi na nga niya nagawang mag drive kaya naman linakad na lamang niya ang patungo sakanilang bahay. Sumakto pa ang pag buhos ng ulan sakaniyang nararamdaman ngayon. Tila ba sinasabayan siya nito sa pag iyak. Mapait na ngumiti si Maxine habang patuloy sa pag lalakad. Sa mga oras na ito ang nais na lamang niya ay mag laho. Hiyang-hiya siya sakaniyang Ina. Wala man lang siyang kamalay malay na may pinag dadaanan pala itong mag isa ng hindi niya alam. Sa sobrang panghihina ay hindi na talaga kinaya pa ni Maxine na humakbang. Babagsak na sana siya ng may humawak sakaniyang braso. Kaya naman nag angat siya ng tingin upang aninagin kung sino ito. "I'm still here." Mas lumakas ang pag hagulhol niya ng mabosesan. "G-Gavin?" "Ako nga." Unti-unting luminaw ang paningin niya kaya naman mabilis niyang niyakap si Gavin. "Sorry! Sorry sa ginawa ni Papa. Wala akong al sa nangyari, at sa mga pinag daanan mo. Alam kong hindi sapat ang pag hingi ng tawad, pero gusto ko paring subukan." "Sssh, stop crying then we'll talk." Hinila siya nito papasok sa sasakyan kahit na basang-basa na silang dalawa.

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD