Nararamdaman ni Gavin ang pag likot ni Maxine. Wala pa kasi siyang ginagawa rito o kahit hawakan man lang.
"So, ganito pala gagawin natin dito? Mag jo-jock enpoy mag damag?" Nayayamot na tanong ni Maxine habang nakatitig sakaniya.
Mag katabi silang nakahiga sa kama.
"Gusto mo bang may mangyari satin?"
"Bakit sakin ka mag tatanong? Ikaw nga itong gustong makasama ako. Pinag bibigyan lamang kita," sagot nito sakaniya.
Ang makasama lamang si Maxine kahit sa mga sandali ay masaya na si Gavin.
"Alam kong may plano ka. Balak mo bang gumanti sakin? Gusto mo akong saktan? Ayos lang naman sakin Maxine, basta tuparin mo lang ang hinihiling ko." Hinaplos niya ang mukha nito kaya naman napabangon si Maxine. "Nagawa mo naman mabuhay ng wala ako kaya bakit mo pa ba pilit na ibinabalik 'yung sarili mo sakin?" Muli niyang tanong.
"Excuse me lang ha! Hindi kita binabalikan, at hindi ako nandito para mag makaawa saiyo tulad dati. Nandito ako kasi gusto kong makita mo na kaya ko na ding gawin ang mga ginagawa mo. Gusto kong makita mo kung gaano ako kasaya na nawala ka sa buhay ko." Matapang na sagot nito sakaniya.
"Masaya ka nga ba talaga? Matagal na akong namumuhay sa impyerno kaya hindi mo na kaylangang gawin iyon." Napabuntong hininga siya bago ngumiti. "Gusto kong pag sikat ng araw nakapag desisyon kana. Putulin na natin lahat ng umuugnay satin, pwede ba? Kasi kung akala mong ang pinaka masakit na nangyari saiyo ay 'yung ginawa ko. Isipin mong sa loob ng sampong taon na buhay ka sa isang malaking kasinungalingan."
Hindi na kasi alam ni Gavin kung hanggang kaylan pa ba niya kayang tiisin ang nararamdaman niyang pagmamahal para kay Maxine. Hindi naman kasi nabawasan iyon bagkus ay mas lalo pa niyang minahal ang kaniyang asawa.
__
Iniwan siya ni Gavin sa kwarto. Sinabi nitong sa sala na lamang ito matutulog habang hinahayaang makapag isip si Maxine.
Malaman ang bawat binibigkas na salita ni Gavin na tila ba may napaka bigat itong dalahin na hindi masabi sakaniya.
Nadako ang tingin niya sa folder na nasa side table. Iniwan ito ni Gavin na may kalakip na ballpen upang magamit niya.
Pipirmahan ko na ba?
Lubusin ko na kaya 'yung lahat-lahat sakaniya?
Ito ang tanong na nag lalaro sakaniyang isipan. Nais niyang sabihin na kay Gavin na ang batang pinalabas nilang kapatid niya ay ang tunay nilang anak. Para mag habol man si Gavin sa bata at wala itong kalaban laban. Inabandona sila nito, at hindi narin naman sila mag asawa pa, once na maprimahan na niya ang annulment.
Mabilis niyang dinampot ang folder at inilabas ang laman nito. Pikit mata niyang kinuha ang ballpen at inihanda. Matapos mapirmahan ay dala niya itong lumabas upang mag tungo sa sala kung saan nag hihintay rin si Gavin.
"Congrats." Ibinato niya ito bago mapait na ngumiti. "Mapapakasalan mo na si Levi." Dagdag pa niya bago nag iwas ng tingin. "At ako din kay Neo," pagak siyang tumawa. "Hindi ko inaasahang sa tagal ng panahon finally, malaya na tayong dalawa."
"Oo nga e," malumanay na sagot nito na para bang wala lang kay Gavin ang mga sinasabi niya. "May isang kahilingan lang sana ako."
"Ano na naman?"
"Maging masaya ka sana." Nilapitan siya ni Gavin at mabilis na hinagkan sa labi. "Patawarin mo ako kung ito lang 'yung alam kong paraan."
"Don't worry, ayos na ako. Kaya ko na at masayang-masaya na ako sa buhay ko ngayon kasama ang anak natin."
Malakas ang kabog ng dibdib ni Maxine ng sabihin niya ito.
"So, tama pala ako?" Imbis na lungkot at kaligayahan pa ang sumilay kay Gavin na ikinainis lalo ni Maxine. "Masaya akong malaman na binuhay mo pala s'ya. Iyon lang sapat na, malaman ko lang ayos na. Thank you Maxine."
"Hindi mo s'ya mahahawakan o kahit makita ay hinding-hindi na. Plano kong bumalik na sa ibang bansa upang dun na siya mag simula ng pag-aaral. Habang ikaw kuntento na akong malaman na sirang-sira ang buhay mo habang nagsisisi."
Dinampot lamang ni Maxine ang kaniyang bag bago tuluyang lumabas ng condo ni Gavin.
Hindi na niya ito nilingon pa. Mabuti nalang at may taxi pa siyang nasakyan kahit na gabing- gabi na.
"Ma'am mawalang galang na po, pero bakit po ba kayo umiiyak? May nangyari po bang pangit sa araw ninyo? Kahit ano pa man 'yan paniguradong mapapawi rin po."
"Manong hindi ako umiiyak dahil malungkot ako, tears of joy po ito." Pangangatuwiran niya bago pinahid ang luha niyang patuloy na umaagos.